Chapter 20

1905 Words
Author's Note: Hi!!! , I'll start to update next week. Stay tuned and check my on going story, Redon. * this Chapter is just for the author's Note. TO BE TRANSLATED Sayra Hinihingal na napaupo ako sa tabi ng basurahan dito sa saradong tindahan. Halos di na ako makahinga dahil sa layo ng itinakbo ko . Muntik pa yata akong magka-asthma kahit wala naman akong hika. Maingat na sumilip ako sa paligid. Mukhang nailigaw ko na ang mga mokong na yon, ani ko sa sarili atsaka sumalampak na ng tuluyan sa maduming semento. Gabi na ngunit maingay parin ang kalsada dahil sa hindi matapos tapos na pagdaan ng sasakyan. Napanguso ako ng tumunog ang aking sikmura dahil sa gutom. " Gago talaga yung lalaking yon " naiinis kong bulong na tinutukoy ang lalaking ninakawan ko ng isangdaang piso. Ramdam ko ang panghihina ng aking katawan, ilang araw na din kasi akong di nakakakain ng maayos. Buti nga nakatikim pa ako ng kwekkwek kaninang hapon. Gusto kong kumain, gutom na gutom na ako, piping saad ko. Napabuntong hininga ako atsaka pilit na lumunok para pigilan ang pagpatak ng aking luha. Ang hapdi ng mga mata ko at ang bigat ng aking pakiramdam. Balak ko pa atang magdrama, ang sama naman ng timing, saad ko sa sarili atsaka pilit na tumawa. Muli akong napabuntong hininga nang hindi nagbago ang takbo ng emosyon ko kahit pa pilit kong pinapasaya ang sarili. Papaano na ko ngayon? Saad ko sa aking isipan habang pinapakinggan ang mga busina ng mga sasakyan dito sa kalsada. Agad kong tinuyo ang luhang nakatakas sa aking mata atsaka bumusangot habang nakatingin sa naggagandahang mga kotse at nagtataasang mga building. " Tangina kasi ng mga mayayaman na yan, mga corrupt! Kung di naman corrupt ayaw lang mamahagi ng biyaya mga madidimot!" Pangsisisi ko atsaka ipinadyak ang mga paa habang nakaupo. Tumahimik ako ng mga ilang segundo habang nakatitig sa mga bituin sa langit. Napailing ako atsaka napatawa ng peke bago idinukdok ang mukha sa aking mga braso. Kasalanan toh nila Mama.., bakit ba ko naninisi ng iba , mapait kong pag-amin sa aking sarili . " Nako Nay Celia, ginabi na tayo " napaangat ako ng tingin ng makadinig ako ng boses lalaki na malapit sa akin. Napakunot noo ako atsaka pinunasan ang luha at sipon dahil baka isipin nila na weakling ako. Mataray akong umupo sa isang tabi kahit mukhang hindi nila napapansin ang presensya ko. " Ay oo nga Jobert, eh kasi si Señorito may ipinapahanap pa . Eh kay hirap naman pala hanapin ng bagay na iyon " saad ng isang matanda na kasama niya. Ano bang ginagawa ng dalawang toh, bat dito pa talaga sa tapat ko nagkwentuhan, ani ko sa sarili sabay irap. " Sigurado ka ba Nay na meron dito non? Eh tingnan mo naman yung lugar, baka magalit si señorito? " Sambit muli ng lalaki. Nanliit ang aking mga mata ng mapansin ang magarang kotse sa kanilang tabi. Wow, yayamanin. " Oo sigurado ako, atsaka si señorito na ang nagsabi na kahit saan basta makabili tayo " sagot muli ng matanda ngunit abala na ako sa pag-uusisa sa kotseng ipinarada nila sa parking lot ng saradong tindahan. Ang mga gulong at piyesa ng kotse, sigurado akong mahal kapag ibinenta ko iyon, saad ko sa sarili habang natatakam sa maaari kong kitaing pera mula rito. Nakita kong umalis na ang matanda ngunit napabusangot ako ng nanatili ang lalaki sa kotse. Bwiset naman, reklamo ko atsaka ngumuso sa inis. Lumingon ako sa aking kanan upang tingnan sana kung saan pumunta ang matanda ngunit nanlaki ang mga mata ko ng may mamukhaan akong lalaki na tila nag-aapura sa paglalakad. Umiikot ang mga mata nito sa buong paligid at alam ko na ako ang kaniyang hanap. Tanginaa, kailangan ko nang umalis, saad ko sa isipan atsaka tatakbo sana patungo sa kaliwa ng mahagip ng mata ko ang isa pang tauhan ni Bossing. Ahhh putangina talagang buhay toh. Bakit ba kasi huminto pa ko? Nanginginig na ko sa kaba dahil parehas silang papunta sa direkson ko. Nilingon ko ang lalaking nasa loob ng kotse atsaka nag-isip ng mabuti kung hihingi ba ako ng tulong. Pero.. , kapag idinamay ko siya at ang matanda, tiyak na mapapahamak din sila, pag-iisip ko atsaka maiyak-iyak na pinilit ang sariling mag-isip ng ibang paraan. Ayan na malapit na, piping bulong ko atsaka dahan dahang gumapang patungo sa likod ng sasakyan upang magtago. Napasinghap ako ng mapansin ang isa sa mga bata ni bossing na paikot-ikot sa harap ng tindahan. Palingon lingon ako sa paligid kung ano ang maaari kong gawin ng mahagip ng aking mga mata ang susian para sa trunk ng sasakyan. Nanlaki ang aking mata atsaka nagmamadaling naghanap ng pin mula sa aking buhok para subukang buksan ito. " Jobert nandito na ako " nanlaki ang aking mata atsaka nagtago ng tahimik . Tangina mahirap ang gusto kong gawin, pagmumura ko sa aking sarili. Lumingon ako sa paligid atsaka bahagyang napahinga ng maluwag ng mapansing wala na ang mga lalaking naghahanap sa akin. " Buksan ko yung trunk Nay " saad nang lalaki kung kaya't nagsumiksik ako sa mga halaman na nasa madilim na parte ng lugar. Nakita ko ang lalaki na binuksan ang trunk atsaka iniabot sa kaniya ng matanda ang isang plastic bag . " Ingatan mo Jobert, baka magalit ang señorito" saad ng matanda. Sino ba yang señorito na yan pota, saad ko habang umiikot ang mga mata upang maniguro na wala na ang mga lalaki kanina. Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin na pumunta lamang sa gilid ang mga tauhan ni bossing . Tangina, ichecheck talaga nila tong lugar, ani ko sa sarili habang nagpapawis sa kaba. " Teka wag mo muna isara meron pa ata dito " sambit ng matanda na nagbigay pag-asa sa akin. " Ano ba yon Nay, akina " saad ni Jobert kuno at lumapit sa matanda. Hindi ko pinalampas ang pagkakataon na yon at agad agad na pumasok sa loob ng trunk ng sasakyan. Bahagyang nakaawang ito ngunit masikip sa loob. Napakainit at mukhang mahirap huminga. Agad akong tumingin ng bagay na maaaring iharang dito kung sakaling isasara na nila para naman makahinga ako. Napangisi ako atsaka hinubad ang pantaas kong damit at matiyagang naghintay. " Ay wala na pala dito Jobert, naipasok ko na ata yung damit na binili ko para sa apo ko" dinig ko sa matanda na ngayon ay mas mahina na kesa sa dati. " Sige Nay , sara ko lang toh tas alis na tayo " sagot nito atsaka isinara ang pinto ngunit mabilis kong naiharang ang aking pantaas na damit. " Yes!" Bulong ko sa sarili ngunit nanlaki ang mata ko ng biglang umawang ng bahagya ang bukasan ng trunk. " Ay nako, yung damit naipit " saad nito atsaka inisiksik ang damit ko sa uwang bago isinara ng tuluyan ang trunk ng sasakyan. Napatulala ako habang nababalot ng dilim sa loob ng masikip na lugar na ito. Naramdaman kong gumalaw na ang sasakyan at kasabay rin nito ang unti-unting pagkalat ng init sa buo kong katawan. " P-pota " saad ko sa sarili at agad na hinubad ang aking maong shorts dahil magiging dahilan iyon ng paghirap ko sa paghinga. Dali dali ko rin inalis ang aking bra at hinablot ang hinubad kong t-shirt ngunit hindi ko ito isinuot dahil iniharang ko lamang ito sa aking dibdib. Nagtaas baba ang aking dibdib habang pilit akong naghahanap ng mapagkukunan ng hangin. Putangina, dapat nagpahuli nalang talaga ko ani ko sa isipan habang pinipilit na makahinga sa maliit at masikip na trunk ng sasakyan. Redon " s**t, go there dude, dudeee go there " saad ko habang naglalaro ng isang video game. My teammates suck at this game and it's pissing me off. Napaawang ang aking bibig ng muli akong mamatay habang nagpupush. Dali dali kong inopen ang team conversation atsaka nanggigigil na nagtype dahil sa mga katangahan nila. " For f*****g sake, where's the healer? Dude I was pushing the point! You need to heal me " I said while gritting my teeth . I don't want to use my mic and I don't think they're using it too anyways but they're all s**t. They forced me to use tank because everyone wants to play other roles and now they're not even doing much! They can't kill the enemies what the hell. " You all suck! " I said and then exited the game. I don't care if get penalties because of that, I'm pretty sure we're going to lose anyway. Why are they so bad at that game, that's why there are different roles! You need to play your role properly. Malakas kong hinampas ang table atsaka nagdadabog na inalis ang headphones. Tumayo ako atsaka hinablot ang muffins na nakalagay sa isang tabi at agad kinain yon upang kumalma. " I f*****g hate this game " I said while chewing my food. While gritting my teeth in annoyance, I checked the CCTV cameras to see if Nay Celia's already here. It's already 7:45 pm and they're still out. I drank my water while looking intently at the monitors and then almost choked when I saw the car they used entering the main gate. " Ah finally! " I said coughing while wearing my slippers quickly to run and wait for them in the main door. I'm so excited , I said to myself as I'm cleaning my hands from the muffin's crumbs. I ran to the hallway and in the staircase making my maids look at me with fright in their eyes. " Naku Señorito! " Saad ng isa habang pilit akong pinapatigil sa pagtakbo sa hagdanan. " I'm fine , I'm fine! Nanay Celia's here by the way!" Sigaw ko pabalik habang tumatawa atsaka tumakbo na patungo sa pintuan. Agad ko tong binuksan atsaka masayang tumayo sa harap habang naghihintay. I saw them enter the main gate about 3 minutes ago, therefore they'll be here after 3 minutes more. I keep looking at my watch while grinning devilishly as I think of many ways I can use the thing I told Nanay to buy me. I waved my hands when I saw the car approaching my direction. Agad agad akong lumapit ng inihinto ni Manong Jobert sa harapan ko ang kotse. " Good Evening Señorito, pasensya na po at ginabi kami " saad nito na nginitian ko lang. " That's fine , did u get what I want?" Tanong ko sa kaniya na siya namang ikinatango nito. " Nakabili ako Señorito , nasa trunk ng sasakyan , kaso sa ano ko nalang nabili- " " Hush Nay Celia, it's fine, now go inside and eat" putol ko kay Nay atsaka umikot sa sasakyan. Malaki ang ngiti ko na tinitigan ang dalawa na nakatingin sa akin habang nagtatanong ang mga mata. " Uh what? Go inside and eat, I'll call you if I'm done taking my things here " I said and pushed the both of them towards the door. " P-pero señorito yung damit ng apo ko- " saad ni Nay na inilingan ko lang. " Take it later okay? I'll take my thing first" saad ko atsaka isinara rin ang pinto para sa kanila. Unti-unti akong lumingon sa kotse atsaka ngumisi ng matagumpay at ipinagdikit ang aking mga kamay. " Now, it's time " saad ko atsaka lumakad papunta sa kotse upang buksan ang trunk. ___ marikylevin

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD