Chapter 20 “Wife, baka magising sila sa ginagawa mo.” “Wala naman akong ginagawa ah!” “Wala?Eh parang mauubos na ang storage ng cellphone mo kakakuha ng litrato sa dalawa. Ngayon ka lang ba nakakita ng magkayakap?Lagi naman kitang niyayakap ah.” “Paxton naman eh! Huwag mo nga ako guluhin. Hindi ka ba natutuwa na ang Trace na kilala natin ay may ganitong side, na kaya niyang magmahal.” Napakunot ang noo ni Bliss dahil sa ingay na naririnig niya na pakiramdam niya ay malapit sa tabi niya kaya dahan-dahan siyang nagmulat ng sumalubong sa paningin niya si Irish na nakatapat ang cellphone sa kaniya na gulat na ikinalaki ng mga mata niya na mabilis niyang ikinabangon dahilan para magising din si Trace sa pagkakatulog niya na ngiwing bahagyang ikinalayo ni Irish sa dalawa.