Chapter 13 Hindi makapaniwalang titig na titig si Bliss sa mga pagkain na nasa harapan niya na kulang nalang ay hindi magkasya ang mga nakahain sa harapan niya dahil sa dami ng inorder ni Trace. Pakiramdam ni Bliss ay huling hapunan niya na ngayong araw na ‘to dahil sa dami ng pagkain na nasa harapan niya. Pabaling-baling ang tingin ni Bliss sa iba’t-ibang putahe na nakikita niya na sa tagal ng panahon ay ngayon niya lang ulit matitikman. “H-hindi ba parang ang dami naman nito?”nakangiwing baling na tanong ni Bliss kay Trace nan aka cross arms at prenteng nakasandal sa kinauupuan nito sa harapan niya na sa kaniya nakatingin. Hindi alam ni Bliss kung bakit iba ang epekto sa kaniya pag nakatingin sa kaniya si Trace, kung ang iba ay pwedeng mailang sa klase ng tingin nio lalo n