Chapter 29 Buntong hiningang isinasara ni Bliss ang flowershop dahil maaga siyang iniwan ni Margareth sa shop, bumalik siya sa loob na sinamaan lang siya ng tingin nito pero hindi na naman siya binuwisiti nito, marami lang itong pinagawa sa kaniya sa shop na tulad dati ay pinabayaan niya nalang. Hindi makapag trabaho ng maayos si Bliss kanina dahil laman ng isipan niya ang kaniyang Uncle Fabian kung patatawarin niya ba ito, naramdaman niya na sincere at totoo naman ito sa mga sinabi nito kaya lang alam ni Bliss na mahihirapan siyang patawarin ito matapos ang mga nangyari sa kaniya noon pero susubukan niya. Isa pa sa gumugulo sa isipan niya ay si Killrex na sinasabing guard niya, hindi niya inakala na kukuha ng guard ang kaniyang ama para sa kaniya at hindi niya mapaniwalaan na ito a