Chapter 24 Hindi makapaniwala si Bliss sa kwartong ibinigay sa kaniya ng butler ni Trace na si Calixto, sa sobrang lawak kasi pakiramdam niya mawawala pa rin siya. Sa tingin pa ni Bliss ay wala pa sa kalahati ng apartment niya ang kwartong kinalalagyan niya ngayon. Bigla tuloy nalula si Bliss sa yaman meron si Trace na pakiramdam niya ay parang hindi siya worth it sa tabi nito. Lumaki si Bliss bilang isang babae na lumaki sa simpleng pamumuhay kaya ang mga ganitong bahay ay nakakagulat at nakakapanibago sa kaniya. Kahit ang kama na tutulugan niya ay napakalaki na para sa kaniyang matutulog lang dito mag-isa, hindi tuloy napigilan ni Bliss na mapaisip sakaling malaman ng mga magulang ni Trace ang tungkol sa kaniya. Maisip palang ni Bliss ang pamilya ni Trace ay bigla siyang kinabahan