Simula 1.0

1315 Words
Natulala si Vane habang nakatingin sa mga kapatid ng babaeng nakatalik niya. "Pinaglalaruan mo ang kapatid namin! Walang hiya ka! Panagutan mo siya!" sigaw ng lalaking nakasuot ng kulay puting polo. Sumugod sa kaniya ang isang lalaki at umambang susuntok. Umilag si Vane para hindi masaktan. "Kuya Rex, Stop it!" sigaw ni Cheska. Napatingin ito dito kaya hindi niya alam na may tatama pala sa kaniyang suntok. "Vane, umalis ka na!" sigaw niya. Hindi siya makalabas dahil nakaharang ang isa pang kuya nito. "'Wag mong palabasin, Phin. Kailangan niyang panagutan ang kapatid natin." Natakot nang husto si Vane kaya malakas niyang tinulak ang lalaking nasa pinto hanggang sa labas. "Tang*na! Hindi ka puwedeng tumakas! Panagutan mo ang kapatid namin." Tumakbo agad si Vane pero nahila din agad ang damit nito pabalik. May tumamang suntok sa likuran niya. Vane faced him and punch his face, too, kaya napabitaw ito. Nagkaroon siya ng pagkakataon na tumakbo. "Habulin natin! Hindi siya puwedeng umalis." Habol-habol ang hininga niya habang tumatakbo palabas diretso sa parking lot. Nakita siyang pumasok ng mga lalaki sa kotse kaya agad nitong pinaandar. Ayaw umandar ng kotse niya kaya lalong uminit ang buong katawan niya dahil sa kaba. Napanganga siya sa pagbasag ng bintana sa kotse niya. Kasabay no'n ang pag-andar nito. Pinaharurot niya agad at naiwan ang lalaking naniningkit ang mga mata sa galit at may hawak na baseball bat. Nakahinga siya nang maluwag. "Hindi ako ang may gusto no'n? Bakit ko siya pananagutan? The f**k!" sigaw niya. Pinagpawisan ang buo niyang mukha. Biglang pagsulpot ng pulang race car sa tabi ng kotse niya. "Hoy! Ihinto mo 'yang kotse mo!" buong lakas na sigaw ni Rex. "Ahhhhhh! Tang*na! Wala akong kasalanan!" sigaw niya pabalik at lalong binilisan ang pagda-drive. Binangga ng kotse ng mga kapatid ni Cheska ang kotse ni Vane kaya bahagya siyang nawalan ng balanse. "Ano ba! Wala nga akong kasalanan! Siya ang may gusto no'n!" Hindi siya magkandaugaga sa kakahawak at tapak sa gas at steering wheel ng kotse niya. "Ibangga mo pa, Phin! Tingnan natin kung hanggang saan 'yang gagong 'yan," utos ni Rex. Lumiko si Vane sa isang short cut para mabilis makarating sa condo. 'Pag ando'n siya madaming tutulong sa kaniya. Pilit niyang winawala ang mga humahabol pero ang ending ay nakakahabol pa rin. "Ano?! May lahi ba silang John Carter? Damn it!" "Tang*na! Bumalik ka! Kapag nahabol ka namin ibibitin talaga kita nang patiwarik!" rinig na rinig niya ang sigawan ng mga ito. Nilabas niya ang isang kamay at ipinakita ang kaniyang gitnang daliri. Napadaing siya sa biglang pagtama ng kahoy sa kamay niya. Lumabas ang ulo ni Phin sa bintana at sumigaw, "You asshole! Makikita mo 'pag nahabol ka namin!" "Damn it! Damn it!" malutong niyang mura. Napayuko siya sa pagbasag ng likurang bahagi ng kotse niya, "Masisira 'tong kotse ko." Malapit na siyang makarating sa condominium na tinitirahan niya pero ando'n pa rin ang mga asungot na nakasunod sa kaniya at galit na galit. "Kailangan kong tumakbo agad," bulong niya. Naghanap siya ng parking pero wala siyang makita, "Damn!" Hanggang sa hulihang bahagi na siya ng ground floor. Nahagip ng mga mata niya si Sky. Pumarada agad siya at pinatay ang kotse. Narinig niya ang pagdating mga lalaking iyon. Nakayuko siya at patago-tago habang naglalakad. "Nasaan na ang gag*ng 'yon? Pagkatapos niyang pagsamantalahan ang kapatid natin, iiwan niya lang." "Ayon siya, Rex!" napapikit si Vane saka mabilis na tumakbo. Sumunod ding tumakbo ang magkapatid para habulin siya. "Hoy! Tumigil ka! Ipapa-hunting ka namin! Asahan mo 'yan!" sobrang kaba ng dibdib niya habang tumatakbo. Hingal na hingal siya na hindi alam kung saan pupunta ng maalala niya ang kaibigan. "Sky!" dumiretso siya patungo sa elevator. "Sky! Help!" nagulat ito ng makita si Vane na tumatakbo. Pinigilan niya ang pinto para hindi ito sumara. Pagpasok ni Vane ay mabilis niyang itong pinasara. Nanginginig ang kamay niyang pinindot ang button.  Sobrang lakas ng hingal niya kaya nagtaka si Sky. "Calm down, Vane! Anong nangyayari sa'yo?" nagtataka niyang tanong. Pagkasara ng elevator ay napasabunot siya sa sarili habang palakad-lakad sa loob, "Vane!" tawag ulit sa kaniya. "Tang*na, pare! Hinabol ako ng mga lalaki!" sabi niya. Sumandal siya habang nakatingala. Kumunot ang noo nito sa sinabi niya. "Sino?" tanong niya ulit. "Pare, kapatid ng babaeng nakatalik ko. I don't know that she's a virgin! No, pinilit niya ako, ayaw ko na sana but she wanted it. " Napatampal ang kaibigan ng mukha. "Malaking problema 'yan. Bakit hindi mo siya tinanong?!" "Man, I'm fvck up! Ang lalaki pa naman ng katawan no'n! They are like bouncers." His face looks really problematic. Hindi niya din alam kung ano ang gagawin at ipapayo kay Vane, "Umatras ako no'ng una pero siya na 'yong lumapit sa'kin." Sky tap his shoulder, "Office at bahay ka muna. Baka bigla ka nilang pagsusuntukin. Paano ba nila nalaman?" "I don't know. They must be following the woman, their sister!" Tumunog ang elevator kaya lumabas na silang dalawa. "Mag-ingat ka, pakisabihan ang iba nating kaibigan. 'Wag ka munang pumunta sa club." "Ngayon lang ako kinabahan ng ganito," Vane said. "Let's go to Red baka gising pa 'yon." ~~~~ "It's midnight, ano ba ang kailangan n’yo? Hindi ba puwedeng ipagbukas na lang?" Red asked while yawning. "Vane is in danger," panimula niya. "What?!" "Man," tanging naging sambit ni Vane. "What did you do this time?" tanong ni Red sa kaniya. "She's a virgin and I don't know. Hindi niya sinabi nang malaman ko siya na 'yong lumapit sa'kin." "Iwan n’yo na 'yang kati niyo sa katawan. Sabi ko na sa inyo, eh! 'Yan ang makakapagpahamak sa inyo." Sky seated and drink beer. He looked at Vane, he's f*ck up. "Hinahabol ako ng mga kapatid niya, Red. Baka sa kanila pa ako mamamatay." "It's time to change, Vane. Say sorry," sumama ang mukha niya. "Bakit siya magso-sorry? Gusto naman yata ng babae 'yon," sabat ni Sky. "Yes, in the first place she's the one who approached me." "Really?" Tinaasan siya ng kilay ni Red. Wala sa mukha nito ang paniniwala. "No, I forgot. Maybe ako nga 'yong lumapit," sagot niya kaya umikot ang mga mata ni Red. "Baka lasing lang siya! Hindi mo ba alam na kapag lasing ang mga babae, nawawala sila sa ulirat nila?" pangangaral ni Red. " Hindi na nila control ang katawan nila." "Oh, my gosh! Red, anong gagawin ko?" tanong ni Vane. Sky laughed at him. "Umayos ka! That's it! 'Yan lang naman ang problema sa inyo!" Natahimik silang dalawa sandali. "Oo na! Hindi na ako magba-bar! Walang party! Walang girls!" sigaw ni Vane kahit hindi naman nito gusto. "Shhhh... Kailangan bang sumigaw? Natutulog na si Whisper. Hindi mo gugustuhing magalit 'yon!" suway ni Red sa kaniya habang sinasamaan siya ng tingin. "Tutulong ako kapag nasa bingit ka na ng kamatayan basta magbago ka na," dagdag niya. "Pinapakaba mo naman ako, eh! I'm not dying." "Those men will kill you, Vane," pananakot  ni Sky. "Shut up, Sky! Hindi ka nakakatulong." "Uuwi na ako. May duty ako." "Sky, wait! Sa condo mo muna ako matutulog." Napatingin si Sky sa kaniya. He's nervous kaya hindi niya alam ang gagawin niya. "Ganiyan ka na katakot?" tanong niya kay Vane. "Not really, baka bigla ako bangungutin at walang gigising sa 'kin," sagot niya at umirap. Sky sighed and let him sleep in his unit. Kahit do'n siya natulog ay hindi niya naman magawang ipikit ang mga mata niya. The night makes him scared, ngayon lang siya naging gano'n ka takot sa buhay niya. Pero ang hindi mawala sa isip niya ang ang hitsura ng babaeng kasama niya. She's beautiful the way she screams Vane's name. The woman is a virgin pero hindi niya alam kung bakit niya 'yon binigay sa isang stranger. Kaya siguro siya hinahabol ng mga kapatid nito. Iniingatan nila ang babaeng 'yon. Hindi naman siya ang may kasalanan, the woman asked for it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD