Chapter 7 (Munting Alaala)

2643 Words
Mag-isa na lamang ulit ako sa aking kwarto. Sino kaya ang lalaking napapanaginipan ko? Siya kaya ang lalaking ayaw nila na mapalapit sa akin? Pero hindi ko rin naman makilala ang mukha niya dahil malabo ito sa panaginip ko. Ipinagtataka ko lang ay bakit siya lumabas sa panaginip ko? Bakit siya sumasagi sa isip ko? Nasa isang bahay ako na puti lamang ang aking nakikita. Walang kabuhay-buhay sa bahay na iyon. Wala akong magawa kung hindi ay tanggapin na lamang ang lahat ng narito. Masaya akong naglalagay ng isang puting bagay sa isang maliit na box. Masaya ako pero bigla akong napatigil at agad kong nabitawan ang puting bagay at hindi sinasadyang masipa papunta sa ilalim ng sofa. May isang lalaking naroon at hindi ko maalala ang mukha. Pilit akong hinihila ng lalaking iyon. Hindi ko alam kung bakit niya ako gustong hilahin. Pinipilit ko namang hindi matangay ng kaniyang paghila. Sobrang higpit ng hawak niya sa akin at halos masaktan na talaga ako dahil sa higpit ng hawak niya na iyon. Umiiyak ako pero wala akong nagawa. Napansin ko rin na may hawak siyang panyo sa kaniyang kabilang kamay. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganoon ang mga pangyayari roon, sobrang labo ng mga nangyayari. Doon na naputol ang panaginip ko. Nagtataka lang ako na bakit parang familiar siya sa akin? Ang problema ay hindi ko lang talaga maalala ang kaniyang mukha? Kahit hindi ko masyadong nakita ang mukha niya ay parang alam na alam ko kung sino siya pero hindi ko maipaliwanag kung sino ba talaga siya. Parang matagal ko na siyang kakilala. Medyo nag-aalinlangan lamang ako kung tunay ba na alaala iyon o isang panaginip lamang. Hindi ko alam kung nangyari ba talaga ang tagpong iyon sa buhay ko bago mawala ang alaala ko o talagang imahinasiyon ko lamang. Ganun pa man ay hindi ko pa rin maiwasang isipin ang lalaking iyon na dinalaw ako sa aking panaginip. Natulog ulit ako at pilit na inaalis sa isip na isipin ang panaginip. Pero kahit anong gawin ko ay paulit-ulit ang napapanaginipan ko, tulad ng dati at naroon din ang lalaki na humihila sa akin na may hawak na panyo. Magigising na lamang ako na hingal na hingal. Hindi ko maipaliwanag kung natatakot ba ako o napapagod na dahil sa paulit-ulit na panaginip na iyon. Mabuti na lamang ay laging may nakahandang tubig malapit sa akin para maging pampakalma ko. Nasanay na sila sa akin na nagkakaganito ako kay palagi ring may bantay sa labas ng aking kwarto. Siguradong nag aalala na si Manang dahil sa masamang panaginip na lagi kong nararanasan. Lumabas muna ako ng kwarto para malibang ang sarili at magkalanghap ng ibang hangin bukod sa hangin na umiikot sa aking kwarto. Para akong sinasakal kapag hindi ako nakakalabas sa kwarto ko na iyon. Sa aking paglalakad-lakad ay napagtanto ko na magkalapit lang pala ang kwarto namin ni Cleyeol. Bakit kaya magkalapit ang kwarto namin? Sinadya niya kaya na maging magkalapit lamang ang aming mga kwarto? Siguro ginawa niya iyon para ma-obserbahan ako. Napansin kong bukas ang kwarto niya kaya medyo lumapit ako para silipin ito. Nakita kong bukas ang ilaw kaya sa tingin ko ay naroon sa loob si Cleyeol. Nakarinig din ako ng boses ng babae kaya lalo akong naintriga. Ano kaya ang ginagawa ng babae sa loob ng kwarto niya? Mag-kasama sila? Sumilip ako sa pintuan at nagulat ako sa aking nakita. Hindi ko inaasahan naroon sila at hindi ko sinasadyang makita na magkahalikan si Ploira at Cleyeol. Noong una ay hindi pa nila ako napansin na nasa pintuan ako kaya patuloy lamang sila sa kanilang ginagawa. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko sinasadyang matabig ang pinto ng kwarto ni Cleyoel kaya gumalaw ito at gumawa ng ingay. Napatingin sa akin sina Cleyeol at Ploira. Kitang-kita ko ang gulat sa kanilang mga mata. Nanlaki ang mata ni Cleyeol nang makita ako kaya naman agad niyang itinulak si Ploira palayo sa kaniya. Halos matumba pa si Ploira dahil sa ginawang pagtulak ni Cleyeol sa kaniya. Napatingin na lamang ng masama si Ploira sa akin tapos tumingin din ng masama kay Cleyeol. Pero wala naman siyang nagawa at napakapit na lamang sa dingding ng kwarto. Mabilis akong tumalikod sa kanilang dalawa at nagmadali akong lumakad palayo para bumalik sa aking kwarto. Ni-lock ko ang pinto ko para hindi siya makasunod. Although, expected ko na hindi niya ako susundan dahil wala naman dapat siyang ipaliwanag sa akin. Pumunta ako sa banyo para pakalmahin ang aking sarili. Halos nanginginig pa ako pero hindi ko alam kung bakit at kung anong emosyon ang tumatakbo sa aking isip kung galit, lungkot o pagkabigo ba ito. Binuksan ko ang shower at tumapat dito. Hindi ko na hinubad ang aking mga damit at hinayaan ko na lamang itong mabasa. Gusto ko lamang magbabad ngayon sa tubig para kumalma ang aking pakiramdam. Ayoko munang mag-isip ng kahit ano. Baka hindi ko na kasi kayanin kung iisipin ko pa ang mga nangyayari ngayon sa buhay ko kaya hinahayaan ko na lamang. Kaso minsan ay ang hirap din na hindi isipin ang mga bagay-bagay. Napapa-isip talaga ako minsan kung asawa ko ba talaga ang lalaking iyon na akala mo ay parang yelo? Hindi ko maintindihan kung bakit niya pa ako ikinukulong sa lugar na ito kahit alam kong wala naman siyang pakialam sa akin. Matapos ng nakita ko ay mas lalo kong naramdaman na hindi talaga ako ang mahal niya. Baka iba ang mahal niya bago pa man kami ikasal kaya ganito na lamang ang galit niya sa akin. Baka humahanap lamang siya ng tyempo para alisin na ako sa buhay niya. Buong-buo na talaga ang loob ko na makipaghiwalay sa kaniya. Hindi ko na kaya ang mga ginagawa niya sa akin. Napakalamig ng pakikitungo niya sa akin at ayokong magpatuloy ang ganito. O kung hindi man makipaghiwalay, hindi ko na siya kikibuin katulad ng palagi niyang ginagawa sa akin. Magandang maghiwalay na muna kami ng landas dahil hindi na mabuti sa amin ang ganitong sitwasyon lalo na para sa mental health ko. Siguro ay kailangan ko na gumawa ng paraan para ma-save ang sarili ko mula sa kaniya. Maya-maya pa ay narinig ko ang boses ni Manang. Narinig ko na tinatawag ako at kumakatok sa aking kwarto. Pero agad din namang tumigil dahil siguro ay narinig niya ang buhos ng tubig sa banyo at inakala niyang naliligo ako. Sa totoo lang, ibinubuhos ko lang ang mga luha ko ngayon para gumaan ang loob ko. Wala naman akong ibang puwedeng pagkatiwalaan dahil hindi ko alam kung nakanino ang buong katapatan ni Manang. Si Cleyeol pa rin kasi ang amo niya kahit saan mang anggulo tingnan kaya sigurado ay si Cleyeol pa rin ang kikilingan ni Manang sa bandang huli. Bakit ganito ang nararanasan ko? Hindi ko naman maalala ang mga ginawa ko noon para iparanas sakin ang mga nangyayari sa akin ngayon. Minsan naiisip ko na tumakas na lamang sa lugar na ito at magpakalayo-layo. Pero paano nga kung tumakas na lamang kaya ako habang may event next week? Iyon lang ang nakikita kong pag-asa ko na makatakas sa kanila. Mukhang wala rin namang balak ang aking mga magulang na kunin ako mula rito. Ang tagal ko nang nandito pero hindi man lang nila ako magawang dalawin o tawagan man lamang. Parang wala na rin yata silang pakialam sa akin. Hinahayaan lamang nila ako dito kahit wala silang balita mula sa kalagayan ko rito. May naisip pa akong isang ideya, susubukan kong magpatulong sa sinasabi nilang kaibigan ko. Maiintindihan naman niya ako dahil hindi biro ang dinaranas ko dito. Sana lamang ay mapagkakatiwalaan siya dahil hindi ko rin maalala ang lahat ng tungkol sa pagkakaibigan naming dalawa. Hindi ko rin sigurado kung totoo nga bang kaibigan ko ba siya o sinasabi lamang nila iyon para may katulong sila para mamatyagan ako. Ang hirap ng ganito, lahat na lamang ng tao ay pinag hihinalaan ko dahil hindi ko talaga alam kung sino kakampi ko at totoong mapagkakatiwalaan ko. Sana matapos na ang lahat ng ito. Ang bait ni Cleyeol sa ibang tao, pero pagdating sa akin, para siyang binuhusan ng yelo sa sobrang tahimik at malamig na pakikitungo sa akin. Para akong isang pabigat lamang dito. Pagkatapos ko magisip-isip at kumalma ay napagpasiyahan kong hubarin na muna ang aking mga damit. Inuna ko ang ang pang-itaas pagkatapos naman ay ang pang-ibaba at ang ang mga pang-loob. Inihagis ko lamang sa gilid ang mga basang damit at mamaya ko na ito aayusin. Humiga ako sa bathtub at pinuno ito ng tubig para ma-relax ang aking buong katawan mula sa stress na aking nararanasan. Sa ngayon ay gusto ko lamang ng katahimikan. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa bathtub. Nagising lang ako nang may kamay na humaplos sa aking mukha. "Jusko, Klej! Aatakihin ako sa puso sa pag-aalala sa iyo. Dalawang oras ka nang hindi sumasagot sa tawag ko, alam mo ba na kanina pa ako pabalik-balik sa kwarto mo para tawagin ka? Nakatulog ka lang pala," pag-aalalang saad ni Manang. Lumingon siya sa kaniyang likod. "Pasensya na, Iho. Pati yata ikaw ay nag-alala rin sa batang ito." Si Manang pala ang humahaplos sa akin. Nakita ko na naroon din pala si Cleyeol sa likod ni Manang. Nakatingin lamang siya sa akin at walang kibo. Mabuti na lamang ay may mga petals ng bulaklak sa bathtub, nahaharangan ng mga ito ang nasa ilalim ng bathtub kaya hindi nila kita ang aking katawan na walang suot na kahit ano pa man. Ayokong makita ni Cleyeol ang pribadong parte ng aking katawan kaya tinakpan ko pa rin ito kahit may mga petals sa ibabaw ng tubig ng bathtub. "Tatapusin ko na po ang paliligo ko. Pasensiya na po kung nag-alala nanaman kayo sa akin, Manang. Hindi na po mauulit. Kung ayos lang po sa inyo, ay lumabas muna kayo para matapos ko na po ang ginagawa ko," saad ko. "Sige iha, tapusin mo na iyan at baka mag-kasakit ka pa sa ginagawa mong iyan," tugon ni Manang. Nang umalis na silang dalawa ay agad akong tumayo. Napansin ko na medyo kumulubot na ang balat sa aking daliri dahil sa tagal kong nakababad sa bathtub. Buti na lang pala ay hindi nahulog ang aking ulo rito, kung hindi, baka talagang tuluyan na akong nalunod at namatay. Binagalan ko ang paliligo para masiguradong wala na sila sa aking kwarto. Tama ang aking kutob, wala na nga sila nang makatapos ako sa paliligo. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok. Biglang gusto ko itong paiksian. Siguro ay pagkatapos na lamang nang pagtakas ko para hindi nila agad ako makilala. Sa sobrang gigil at inis ko ay naibato ko ang suklay sa may salamin. Nabasag ito. Sobrang nagkalat ang bubog. Ang iba ay tumama sa balat ko kaya may ibang parte sa braso ko ang nagdugo. Naiinis ako sa kanila at sa sarili ko. Hindi ko naman masisisi si Cleyeol kung hinalikan niya si Ploira dahil ito siguro ang totoo niyang mahal. Pero may asawa na siya, sana naman ay nirerespeto niya ako. Nakita ko ang reflection ko sa kapirasong basag na salamin. Kita ko ang galit na galit kong reaction. Pinulot ko ito at walang pakialam kung nasusugatan na ako. Nagulat ako sa irit ni Manang. Agad siyang napatakbo sa akin at hinila palayo sa mga bubog. Tinapik niya rin ang aking kamay para mabitawan ang maliit na piraso ng salamin. "Ouch," reklamo ko. Napatingin ako sa hita ko dahil doon bumagsak ang kaninang hawak ko. Nagdugo ito pero hindi naman malalim. Nagulat lang din ako sa pagtapik ni Manang kaya doon dumali. "Klejerie, balak mo bang magpakamatay?" inis na tanong ni Manang. Naisip niya bang magsu-suicide ako dahil saktong nakita niyang nakita na may hawak akong basag na salamin? Nagulat ulit ako dahil pumasok rin ang mga magulang ni Cleyeol. Gulat na gulat at may halong takot sa kanilang mga mata. Kasama nila si Cleyeol pero wala pa rin siyang emosyon. "Please remove these," utos ni Madam sa mga katulong. Mabilis silang kumilos dahil sa sigaw nito. Agad siyang lumapit sa akin. Medyo kinabahan ako dahil mukhang pagagalitan niya lamang ako. "Iha, please don't do that again. Aatakihin ako sa puso dahil sa iyo. Kung may problema ka, mapag-uusapan naman natin iyan. Pwede mo kaming kausapin. Huwag kang matakot sa amin," nag-aalalang pakiusap ni Madam. Gulong-gulo naman akong tumingin dito. May mga lumapit agad sa akin para gamutin ang mga sugat ko. "Pakialis ang mga matutulis na bagay dito," utos ng Dad ni Cleyeol. Mas lalong nawalan ng buhay ang kwarto ko dahil maraming gamit ang nawala. Pati ang flower vase na may tuyot na bulaklak ay tinanggal na nila. "Ouch!" Napangiwi ako sa hapdi ng sugat ko nang nilapatan nila ito ng gamot. Kalmado lamang ang doctor sa kaniyang ginagawa. Ingat na ingat sila sa akin. Pati ang mga reaction at sasabihin nila ay pinag-iisipan talaga nila. Mas pinili kong manahimik. Napakagat ako ng aking labi nang maalalang nakita ni Cleyeol na nahuli ko silang magkahalikan. Baka isipin niyang nagpapakamatay ako dahil doon. Agad akong tumingin sa mga magulang niya para magpaliwanag. Ayokong isipin nila na kung anu-ano na ang naiisip ko. "Believe it or not, hindi po ako nagpapakamatay, Madam. Nadulas lang po ako," pagsisinungaling ko. "Stop calling me 'Madam', Iha. Just call me 'Mama' since you are already calling your mother 'Mom'. After all, you are still my daughter-in-law," saad ni Madam. "My wife is right. You can call me 'Papa', tulad nang tawag mo sa amin noon," saad naman ng dad ni Cleyeol. Tumingin ako kay Cleyeol para malaman ang kaniyang reaction. Katabi na pala niya si Ploira na mukhang hindi gusto ang nasasaksihan. "Naiintindihan ko po. Pasensiya na po talaga sa nangyari," ika ko. Nagpaalam naman sila dahil kailangan nilang umalis. Hindi umaalis si Manang sa aking kwarto. Bantay sarado ako. Pinaliwanag ko naman sa kaniya na hindi naman talaga ako magpapakamatay. Hindi ko lang sinabi na nakita kong may kahalikan si Cleyeol. E ano naman kung may halikan siya? Hindi ko naman siya mahal. Bakit ako apektado? May kumatok kaya pinagbuksan iyon ni Manang. Ako ay nakasandal lang sa aking kama. Pumasok si Cleyeol. Tinaas ko naman ang aking kilay sa kaniya. Malungkot niya akong tiningnan. Kailan pa siya nagkaroon ng ibang reaction kapag ako ang kausap? "Flix, I will go to Canada. Please take care of yourself," paalam niya. Hindi ko siya pinansin. Para saan pa ang pagpapaalam niya kung mambababae lamang siya? Mabuti pa nga siya ay nagagawa niya ang gusto niyang gawin. Nagulat lang ako nang bahagya dahil ngayon lang niya ako kinausap nang ganito. Dahil ba alam niyang nahuli ko siya kaya nagpapakumbaba siya ngayon? Napansin ko namang nakangiti sa akin si Manang. Para saan naman iyon? Baka iniisip niya na nagkakamabutihan kami ng lalaking iyon. "Bakit po kayo nakangiti, Manang?" tanong ko. "Natutuwa lang ako na ngayon ka lang ulit niya tinawag sa pangalan mo," sagot niya. Bumuntong hininga naman ako. Akala ko naman kung ano na. "Flix? Iyon po ba tawag niya sa akin? Kakaiba. Hindi po ako sanay," tanong ko. Tumango naman siya bilang kumpirmasyon. "Siya lang ang tumatawag sa iyo ng ganoong pangalan. Ang mga magulang ni Cleyeol ay Flixira ang tawag sa iyo, pati na rin ang best friend mo na sinasabi nila," paliwanag ni Manang. "Ano nga po pala ulit ang pangalan ng kaibigan ko? Nakalimutan ko po kasi," tanong ko. "Si Kleri Chantal Javier. Pinsan mo siya. Javier din ang apilyedo mo noong hindi ka pa kasal," sagot ni Manang. "So ibig sabihin po ang dad ko at dad niya ay magkapatid?" tanong ko na naman. Tumango naman si manang. Maya-maya ay nagpaalam ako na pupunta sa art room. Sumunod siya sa akin para bantayan ako. Hinayaan ko na lamang siya kung iyon ang ikapapanatag ng kalooban niya. Nagpaka-busy naman ako sa art room para magpalipas oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD