Habang nag-aayos ako ng gamit ay biglang dumalaw si Chantal sa aking office. Bigla-bigla na naman siyang magyayakag, panigurado iyon. Parang lagi siyang masaya nitong mga nakaraan. "Nakangiti ka na naman sa kawalan, Chantal. Kayo na ba?" maintrigang tanong ko sa kanya. Gulat na napatingin siya sa akin. Depensa niya, "Huy, hindi pa ah! Nanliligaw lang siya sa akin. Getting to know each other pa lang ulit." "Na sa totoong pangalan at pagkatao na?" natatawang tanong ko. Inirapan niya ako pero tumawa rin siya. Si Chantal ang tipong hindi kayang maglihim. Sobrang open niya kaya malaki ang tiwala ko sa kanya. Napapaisip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol kay Seb at Cleyeol. May alam kaya siya na hindi ko alam? "Tara na," yakag niya. Hinila ko siya pabalik. Sobrang curiou