"What? Hindi ko alam iyan ah? Kung hindi mo pa nalaman, hindi pa namin malalaman. Hindi ko talaga gusto ang babae na iyan. Asa lang naman siya sa Dad niyang nasa pulitika. Mabait ang Dad niya pero siya ay masyadong umaabuso na ha? Porke malakas ang kapit niya," galit na sabi ni Chanel. Expected ko na ang magiging reaction nila. Halos lahat naman sila rito ay ayaw kay Ploira. Alam nilang mahilig itong makisali sa amin ni Cleyeol. "Matagal ko nang ramdam na gusto ng Ploira na iyan ang asawa mo. Hindi ko rin gusto ang babae na iyan," singit ni Mom sa usapan namin ni Chanel. Totoo naman na matagal na ring gusto ni Ploira si Cleyeol. Sinasabi niya pa na siya ang nauna kaysa sa akin. Kasal lang kami sa papel pero hindi namin mahal ang isa't-isa. Kung mayaman siya, bakit hindi na lamang siya