Ang laro

1753 Words
"Wow apo, bagay na bagay sayo yang binili kong palda ha, Aba parehas pa kayo ni megan." Bati ng lola niya sa kaniya. Binili kasi nila ang nakita nilang floral designed na mahabang palda. Naglagay din sila ng bulaklak sa mga tenga nila. Ang pang top nila ay off shoulder na red Kay Shin , yellow naman Kay megan. "Thankyou lola.. hehe." "Mukha kayong mahihinhin na probinsyana." Ngumiti at nag thumbs up pa ang tita ni shin. "Wow.. super flattered na sana ko eh but I want to hear what gelo will say." she make cute faces. Haha! Pumaparaan nanaman si bestie. "Maganda ka kahit anong suot mo." Namumulang sabi ni gelo. "Bestie.. wag mo ngang tinatakot yang pinsan ko, at baka ikatalo niya yan sa laro mamaya." "Not worry Bibi gelo, i will do everything para Hindi ka maagaw ng iba sa kin." Acting fierce. Pinakita niya pa ang patpatin niyang braso. "Megan Tara na. Tulungan mo ko ilabas to." Tinawag na siya ni shin para tulungan maglabas ng mga handa at ilagay sa mahabang mesa hanggang sa covered court nila. Maliit lang naman ang Barrio nila kaya kapag may pyesta ay nagkakasiyahan ang lahat ng parang pamilya. "Ang rules daw sa games natin kapag natalo kayo ng partner mo.. mag sswitch partners sa next game, kaya alam mo Hindi ako pwedeng magpatalo. Kailangan dun sa dance game siya padin ang partner ko, I have to impress him with my dance moves." Bulong ni Megan ng buong kompyansa sa bestfriend niyang si Shin na nag aayos ng mga pagkain sa mesa. "Manahimik ka na nga diyan." "Kaya kung ako sayo ihanda mo na Yang mga dance moves mo kasi ilalampaso ko kahit sino pag umabot ako sa final round. Kahit ikaw. " Megan said with her very serious tone again. "Haha. Prepare to win muna sa mga first rounds. At ipagdasal mong walang chicks na naka partner si gelo bukod sayo." Napasimangot naman si megan sa sinabi ng bestie niya. "Shin!." Sigaw ng pamilyar na lalaki. Hinanap niya kung nasaan to. Paglingon niya ay nakita niya si Gio. Wearing pink shirt. Gwapong gwapo ang dating nito. "Oh gio!?... Taga Barrio kadin namin?." "Uh . Oo hehe, akala ko namamalikmata ako kanina, ikaw pala talaga yan. . mas lalu kang gumanda sa suot mo." He smiled. "Ikaw naman.. alam ko naman Yan eh.." sabi ni Megan. "Hindi ikaw bestie ako." "Haha.. pati si megan. Kamusta kana pala. Hayaan mo sinabi ko na Kay maam na ilipat ka sa Tabi namin ni Shin ng upuan." Her face lighten. "Alam mo ba Gio, sabihin mo lang sakin kung gusto mong ibugaw ko tong bestfriend ko sayo gagawin ko agad agad!." Kinwelyuhan niya si Gio. ."haha ang cute ng bestfriend mo shin." Tawa naman ni Gio habang napapakamot sa ulo. "Uh.. sino palang partner mo.?." "Si Flor.. uhm, Hindi ko kasi alam na nandito ka din pala, kung alam ko lang ikaw na sana ang inilista ko." "Ha? Eh kasali din naman kami sa games. " "Talaga? Magpapatalo nalang ako para sa second round ikaw na lang." He smiled shyly. "Si Flor yung muse ng classroom diba?." Tanong ni megan "Oo. Yung cute na babaeng nasa harap ni Kyle. " Sabi ni shin. "Abat mabilis talaga ang mga mata mo sa kalaban ah." Panunudyo ng bestie niya. Siniko niya ang bestie niya. Maya Maya pa ay nagsimula na ang masayang palaro. Sumenyas na ang MC. Sako game ang first round. May dalawang couples na papasok sa loob ng sako at magpapaunahan makarating sa finish line. Ang madapa sa kalagitnaan ay out na kaagad. At Hindi na abot sa pangalawang round. "Hey bestie.. " nag peace sign si megan Kay Shin , habang nakasubsob siya sa dibdib ni gelo na Panay naman ang iwas sa kaniya dahil nakikiliti ito.. Dinilaan naman siya ng bestie niyang si Shin na ang kapartner ay ang kakambal ni Gelo na si luigi. Si Flor at Gio naman ang partner. Nahagip nang mata Ni shin ang lalaking Hindi niya inaasahang kasali sa laro. Si Kyle. May kapareha itong babae. At Kay tamis ng ngiti nila sa isat isa. Nang nagsimula na ang race Wala siyang ibang ginawa habang tumatalon sila ni luigi pa punta ng finish line, kung di tumitig Kay kyle. Bumalik na siya sa matino niyang pag iisip nang mapalingon si Kyle sa kaniya. Nag iwas siya ng tingin. Namalayan Niya nalang na yakap yakap ni megan si gelo Habang nag tititili. Dahil nanalo sila. Ang winner sa first round ay Hindi na kailangan sumali sa second round. "Oh my he's mine again bestie!!." Tili ni Megan. "Nako luigi tignan mo yung kakambal mo, mamaya ubos na Yan kakalamutak ni megan sa kaniya. Hoy megan! Tigilan mo kasisinghot mo diyan sa pinsan ko minomolestya mo na eh! Hahaha." Nagsalita nalang siya para Hindi makahalata si Kyle na naapektuhan siya sa kasama nito. Maganda yung dalagang kasama niya. At firstime niya lang makita ito sa Barrio nila. Ganun din na firstime niyang makita na nakangiti ng ganoon katamis si Kyle. Yung lalaking kulang nalang magtago pag nakikita siya. Second round the game is by group. Pass the egg. Kakagatin mo ang kutsara habang nakatapatong dito ang itlog para ipasa sa kakampi mo. Four people per group. Ang magkapares na makabasag ng itlog ay out na. Magkakagrupo si Gio Flor Kyle at ang misteryosang babae. Si Shin luigi at kapit bahay nilang sila michelle at Marion. At ang pangatlong grupo naman Hindi nila masiyadong kakilala. Panay ang cheer ng bestie niya mula sa kinayatayuan habang katabi si gelo na nakikicheer din. Dalawang pares ang na out. Nagtatalon si Flor nang sila ang nanalo sa round na yun. Exempted na sila sa third round. Third round the eggplant game. Medyo naughty ang laro na yun. Meron kanya kanyang mga eggplants ang mga lalaki. Na nakatali sa bewang nila. Paunahan ang mga kapareha nilang babae na malamog ito gamit ang kamay lang Nila. Bawal mabutas ang eggplant. Kaylangan lamog na lamog lang ito sa loob. Naihihiya ang ibang magkakapares. Halos yung mga lalaki ay pagpawisan sa katatawa. "Go bestie alam kong expert ka diyan! Lamugin mo yang talong ni Luigi!!." Halos mamatay sa katatawa ang mga kamag anak ng mga naglalaro. "Oo lalamugin ko talaga tong talong ni Luigi.!." Sigaw niya na kinatawa din nang ibang kalalakihan na contestant naubo naman si Kyle nang tumingin sa kaniya si Shin. "Hahaha ganyan ba talaga yang bestfriend mo ha." Pumapalatak sa tawa si Gio. "Oo ang hot ba? Ganyan talaga yan. Haha nakaka turn on ba ha? Ha?." Pabulong niyang sabi habang sinusundot niya sa bewang si Gio. "Haha. Ano ba mukhang binubugaw mo talaga sakin yang si Shin ha. Haha." "Bakit ayaw mo ba?." Megan said in her very serious tone nanaman. Hindi tuloy alam ni Gio kung seryoso ba ito o niloloko lang siya. "Gusto ko siya, kasi masaya siyang kasama." Pa safe niyang sagot kahit ang totoo ay pinagpapawisan nadin siya sa mga tingin at pang aasar ni megan sa kaniya. "Asuuus if I know , hihingin mo ang number niya sakin mamaya." Napalingon sa kaniya si Gio. Sinalubong siya nito ng killer smile may kasamang pagtaas taas ng dalawang kilay. "Iba ka talaga megan. Haha." Iiling iling niyang inabot Kay megan ang phone niya para isave don ang number ng bestfriend niya. Na kinasama naman ng timpla ng mukha ni Flor. "Seryoso ka ba talagang gusto mo makuha number niya o nakulitan ka lang Kay megan.c pa safe niyang tanong rito. "Wooohh!! Go Shin!!." Hindi siya pinansin ni Gio. Naka pako ang mga mata nito Kay Shin habang pumapalakpak dahil ito ang nanalo sa pag lamog ng talong. Nanalo din si Kyle at ang kapareha niya. Fourth game na. Blind apples ang laro. Bakit blind apples. Ang mga nanalong magkakapareha ay maglalaban laban na. Papatayin ang lahat ng ilaw na sumusuporta sa covered court habang nakablind folds sila. Para sure na walang makakakita ng daan. Bawal magsalita ang sinu man sa kanila Paunahan mahanap ang kapares kapag mahanap ay maswerte silang magiging partners muli. Pero kapag Hindi ay yun na ang magkakapareha nila sa dance game which is parang yung final round nadin nila kung itinuring. Bibilang ng sampu ang MC pagkatapos ay magtatakbuhan sila para makuha ang partner. 10.. 9.... 8... 7... 6... 5.... 4... 3... 2.... 1.... "Ah! Teka lalaki ako pre." "s**t nagkakapaan ba kayo." "Hahha bestie ako to ano ba aw!." "Haha aray shit." "huHuhuhu nasan ba ko sino walang partner." Pumito na ang MC. At binuksan na muli ang ilaw. At kaniya kaniyang sigawan. Pinwesto sila sa tig iisang lugar. Na may nakasabit na apples habang naka blindfold ay paunahan na maubos ang apple na nakasabit ng partner niyang naka blindfold din. "Cassie.. ikaw ba Yan." Kyle held his partner in the hair. Para siyang napaso. Dahil Hindi na nga si Cassie ang kapareha niya. Maikli kasi ang buhok ni Cassie. Pero mahaba ang buhok ng kaharap niya ngayon. Shit! Si Kyle to! Hindi ako pwedeng magkamali.. Hindi Ko siya pwedeng kausapin kasi baka bigla akong layasan nito. Kinakabahan si Shin dahil hinaplos ni Kyle an= Buhok Niya. Kinilabutan siya sa magandang boses nito. Pumito na ang MC Kaya sinimulan na nilang kainin ang apples. In fourty seconds . Masyadong matangkad sa kaniya ang kapareha. Nahihirapan siyang huminga dahil naaamoy niya ang mabangong lalaki. Si Megan naman ay kinikilig dahil pinisil ni gelo ang kamay niya, at yun ang pinag usapan nila kanina habang di pa sila naglalaro. Pag bumalik ang pisil sa kaniya ng lalaki ay siya si gelo. Rinig ni gelo ang mahinang pagtawa ni megan. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. Tyaka bumulong. "Wag Kang tumawa diyan kailangan natin maubos to.." Hampas naman sa dibdib ang tinamo niya mula sa dalaga. "Wag ka kasing pa cute diyan." "Nakablindfolds ka pano moko makikita." Nangingiti siyang hinahabol ng kagat yung apple. "Eeeee nakikita kita sa isip ko." Hinahabol niya din ang apple. "Hahaha." "I honestly want to steal kiss from you, kaso baka matalo tayo Bibi gelo." "Haha.. don't worry I'll kiss you if we won the final round." She blushed. "Sabi mo Yan walang bawian ah! Bibi wag mo kong ienglish! Baka maihi ako sa kilig kainis to!." "Narinig ko yun ah!." Sigaw ni Shin. Napatakip siya sa bibig niya. Napahinto sandali sa pag kain ng apple si Kyle. Pumito ang MC. Para tumingil sila . Tinanggal na ang blindfolds ng mga natalo. Ang natira. Si Megan at Gelo Si Shin at si Kyle. itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD