Anghel

1183 Words
"Oh my god !oh my god!." Halos takpan ko ang buong mukha ni Bestie nang magsisigaw siyang itinuturo ang malaking simbahan kung San kami patungo ngayon kasama si tito. Dadalhan kasi namin sila Father Gomez ng mga prutas ngayon. Tuwing linggo kasi ay nagbibigay talaga sila lolo at lola sa kanila. Kaibigan na daw kasi ng family namin sila Father Gomez. By the way, dito din daw ikinasal sila mommy at daddy noon. Nung Hindi pa kami ganun kayaman at Hindi pa general ang daddy ko, dito din kami bininyagan ni Bryle. Sinisipat ko ang paligid ng Simbahan, napakalaki nito at napakatahimik. Nagulat ako ng may makita akong anghel. Ipinilig ko ang ulo ko. Pumikit ako at dumilat pero hindi padin siya nawawala. "Sh~ ." Hindi ko itinuloy ang pag s**t ko kasi naalala kong kaharap namin sila Father. "Iha ayos ka lamang ba." Itinuro ko ang lalaking anghel na naglalakad palapit samin. Wala siyang pakpak pero nakasuot siya ng kulay white na outfit ng mga nagsisilbi sa Simbahan. I don't know how to call it eh? "Siya ba..?." Nakalunok ata ako ng bato dahil Hindi nako nakapagsalita. "Kyle anak halika dito." "Oh my anak niyo siya father.?" Tanong ng tanga kong bestie. Napangiwi ako sa hiya. Natatawang sumagot si father samin. "Itinuring ko na siyang anak nang iwan siya sa amin dito ng kaniyang Ina." "Ahh.." tumango naman ako. "Hi hehe I'm... Megan and this is Shin by the way. " Inabot ni bestie ang kamay niya Kay Kyle. Tinanggap naman ito ng lalaking akala ko ay anghel. Juicecolored. Why so pogi Kyle.? "Ikinagagalak ko kayong makilala. Pagpalain kayo ng panginoon sa mga dala niyong prutas bilang alay." Ngumiti siya ng konting koNting konti. I guess he's very shy. I bit my lower lip at nakita niya yun. Napaatras siya. Did I do something wrong.? "Mauna na ho kami father.. marami pa kaMing gagawin sa bukid." "bukid?." Nakagat ni Megan ang kuko niya sa nerbyos ng narinig ang bukid. ... ... ... "Iiiihhhhhh!!." Abot yata kalangitan ang tili ni Megan ng madulas siya sa basang putikan. Halos maluha luha naman ako sa katatawa tinuturuan kasi kami ni Luigi ng kakambal ni gelo kung paano kumuha ng palay. Na out of balance naman ako sa katatawa kaya nadulas din ako na nagpatili sakin ng abot hanggang bahay namin. "Iiiihhhhhh!!!." Nakakaiyak palang malaglag dito. Promise. Habang madusing kaming dalawa ni megan. Nanuod kami sa dalawang kambal kong pinsan na nag bibiyak ng buko. Iba ang buko dito samin infairness.. grabe sa hustisya. Sumusuko kana sa kakainom Hindi padin ubos ang laman na juice nito dahil malalaking magbunga. Unlike sa Manila na ang liliit ng buko. 25 pesos di pa nangalahati sa plastic labo. Kung tatanungin niyo ko, favorite ko kasi ang Buko kaya ngayon halos mamatay ako sa kakainom at kakakain ng fresh buko kahit na ang dusing dusing namin. Natatawa ako sa pinsan Kong si gelo na mukhang nag eenjoy titigan ang bestie kong mukha ng pusa sa dumi pero tinataktak sa dila niya ang last drop ng buko juice.. "Gusto mo paba.. madami pa." Nahihiyang alok ni gelo. ."you're talking to me na ha.. ikaw ah.." she winked. Nakakahiya talaga tong bestie ko nato. "Uhhmmp thankyou sa buko mga hot cousins ko.." tumayo na ko sa pag kakaupo nagulat ako nang makita ko ang pamilyar na mukha ng isang lalaki. Matangkad siya at may magandang katawan. Hindi ako pwedeng magkamali ng makita ko siyang nag side view. Halos ngatngatin ko ang buko ng makita ko ang matangos niyang ilong at ang matambok niyang.. no way! Tinuktukan ko ang sarili ko. Am i being pervert.?! To this super innocent and heavenly looking guy? Nakita ko kasi siyang kausap ng lola ko at nagmano pa siya rito. Mukhang pauwi na siya sa kanila. Naka T-shirt lang kasi siyang puti. At black slacks. Pero panalong panalo ang mga braso niya. Parang ang sarap sarap niyang yumakap. No way?!! Stop stop stop?!! Urrhhgg! Nagpapadyak pako para lang mabura ang maduming ideya sa isipan ko. . . . 7pm na mukhang maaga talaga matulog ang mga Tao dito sa probinsya, mukhang maninibago ang katawan ko ngayon. Madalas kasi tanghali akong nagising. Magkasama kaming naglalaba ng underwear ni Megan sa banyo. "Hey." She said in her very serious tone. Very talaga kasi yung serious tone niya Hindi masiyadong nakakatakot. Pero this time tutok talaga siya sa mga mata ko. "Pag nagkatuluyan ba kami ni gelo ay may blessing akong matatanggap sayo." Ayan nanaman po siya. Si gelo nanaman. "Oo naman. Tinatanong paba Yan." "Hmm talaga sabi mo yan ah." She smiled. But then she let out her serious tone of voice again. "Tinamaan ka Kay Kyle ano." Shit. I said to myself. "Kilala kita Shin. Alam ko yang mga karakas mo." Again with the karakas thing. "Enough with the karakas words megan, pati ba naman ikaw?." Ginagaya niya kasi si Bryle, alam niyang ganyan ako warningan ng kakambal ko. Ang cute talaga ni megan. Mukhang batang nawala ng Barbie doll at ikaw ang suspect niya. "Kitang kita ko diyan sa mga mata mo kung pano mo balatan yung buko gamit ang ngipin mo habang nakatitig sa pwet ng lalaking yon." Walang pasintabi niyang sabi. I covered her face kahit may bula pa mula sa sabong panlaba ang kamay ko. "Uhhmmp!!!." Halos magtitili siya pero hindi niya magawa dahil tinakpan ko yung bibig niyang napakadaldal. "Wala kaba talagang pasintabi magsalita diyan ah. Ano ba yang pinagsasasabi mo!." Madiin kong sabi sa kaniya pero pabulong. Nang bitawan ko ang bibig niya ay napadura siya. "Pwe! Pwe! Yuck bestie why did you do that to me!." "Kasi ang daldal mo. Oh sige na type ko na siya happy.?" I rolled my eyes. Nag mumog siya ng tubig na malinis tyaka nag hilamos ng mukha. "You even made me eat bubbles. f**k you." Irap niya, ang cute lang niya kahit nag muMura siya, parang Hindi niya kaya gumawa ng masama. Pero wag ka madalas yan pa ang pasimuno ng away sa room. "If you like him then bakit Hindi mo kinuha ang number niya para tinext mate mo na siya." She pouted. "Do i look like too desperate to ask for his number, Hindi ko gagawin yon sa isang lalaki ano ?!." "Then what about Winston. Hindi ba siya lalaki! Sa pagkakaalam ko ikaw pa mismo ang humatak sakin palapit sa kaniya nung araw na kinuha mo~ "Ipapakain ko sayo tong buong bar kasama na ang panty ko pag itinuloy mo yang sasabihin mo." I warned her with my scariest voice. Kahit Hindi effective sana tablan siya. "Aminin mo na kasi. Natotorpe ka." Irap niya. Abat talagang ayaw manahimik ni megan.may pa irap irap pa. "Hindi ko siya liligawan. Ako ang dapat niyang ligawan , nakita mo ba kanina kung pano siyang tumingin sa kin parang firstime niyang nakakita ng ganito kagandang babae." "Gaga, tinakot mo kaya napaatras." "Urrhhgg?!!." At the end of the day, Nanalo nanaman si Megan Jana sa pang bbwisit sa kin. Kung di ko lang siya best friend ay baka ipinakain ko siya sa mga baboy nila lola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD