"Arisse !!! Oh my god !!!" Hindi padin ako makapaniwala sa sinabi ng doctor kanina ... parang nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang saya na nararamdaman ko .
"I know !! Congratulations ! I'm so happy for you !" Muli nya akong niyakap bago muling itinulak nya ang cart
"Grabe risse .. hindi padin ako makapaniwala .. akala ko talaga negative .. thank you thank you! Buti nalang at sinamahan mo ako kundi siguro hangang ngayun hindi ko padin alam"
"Nako relax ka dyan masama din ang sobrang tuwa .. hinay hinay lang ... so ano ? Sasabihin mo na ba kay dj mamaya ??" Tanong nya bago inilagay sa cart ang loaf bread
"Oo kaya nga gusto ko mag pa dinner mamaya .. gusto nandun ka din . Tawagan din natin sila Trina .. sakto nasa bahay yung mga tropa din ni dj .tapos tatawagan ko nadin sila mama at tita K na doon nalang sa bahay mag dinner mamaya .. sasabihin ko magpapadinner lang ako since hindi pa tayo nagdinner ng magkakasama since nung ikasal kame ni daniel .".
"Good Idea yan .. can I took a video mamaya ?? Ilalagay para may remembrance tayo sa reaction nya."
Napangiti ako tama kailangan memorable ang surprise ko .. this is our first baby at syempre curious din ako sa irereact ni dj pag nalaman na nyang buntis ako
"Risse help naman . I want to surprise him.. should i take a pt again then put it in a box or yung sonogram nalang ?.. binabalak ko kasi is to give him a gift tapos yun ang laman"
Napaisip sya "yes just like doon sa mga naka post sa tumblr .. hmm pwede naman yung sonogram nalang then may baby onesie sa loob . Or baby mittens or socks ..ganun ."
"Oo nga pwede nga yun .. hmm pero I want it special . Yung tipong mapapuzzle sya .. or yung tipong hindi nya ineexpect .. "
Nanlaki ang mata ni arisse ."I know a place !! Nadaanan ko yun last time na shop dito din puro pang couple yung binebenta nila pero i know pwede tayo magpapersonalized .. we can ask them din for suggestions"
"Sige sige .." after namin mag grocery nag decide kame ni arisse to go dun sa store na sinasabi nya and pagpunta namin doon ay halos lumapad ang ngiti ko ng makita ang mga cute na cute couple items .. meron din yung pang family .. bukod sa mga na search namin ni arisse online ay mga suggestions din ang mga staff ng store kaya madali lang akong nakapag decide . At ng nakuha na namin yung item ay halos hindi ko mapigilan ang sarili ko sa sobrang tuwa at excitement para gawin yung plano ko mamaya ..
"Ako na mag buhat nyang mabigat . Ito nalang yung sayo" kinuha ni arisse yung isang paper bag na medyo mabigat habang yung binitbit ko naman ay yung isang paper bag na puro gulay at tinapay lang ang laman .
"Thank you risse.." ngumiti sya bago isinara ang sasakyan at nagsimulang maglakad papasok ng bahay .. sa bungad palang ng pinto ay rinig na namin ang ingay nila daniel na mulang nasa entertainment room . Mukang nagtatawanan sila at malakas yung sound nung tv kaya hindi na narinig yung pag dating namin .
"Hahahah yun bro !!! Sabi ko sila mananalo sa game ngayun eh !" Masayang sabi ni marco bago binatukan si pat
"Hahaha wag ka ngang pabago bago dyan . Madaya ka eh . " sabi naman ni daniel at mukang napansin kame ni arisse .
agad syang tumayo at sinalubong ako .
Natahimik naman ang mga kaibigan ni daniel at binati ako kaya nginitian ko sila .
"Hi Love " bati nya sakin bago kinuha ang mga bitbit ko at humalik sa labi ko .. hindi ko naman napigilan ang mapangiti ng maalala ang secret ko "hi love ko"sagot ko bago hinapit ang leeg nya at diinan pa ang halik ko sa kanya .. sa sobrang saya ko
Lumalim ang halikan namin at nawala sa sarili ko na nasa paligid pala ang mga kaibigan namin .
"Wooooh guys! Get a room !" Sigaw ni marco kaya parehas kameng natawa . Pinisil ko naman ang ilong nya bago napatingin sa mga kaibigan nya .
"Nagmeryenda na kayo ?" Tanong ko sa kanila kaya nag hiyawan sila
"Kath ayaw kameng pakainin nyan .. sige nga pengeng meryenda .. kanina pa kame nagugutom dito" sabi ni pat
"Oo nga kath baka daw magalit ka kaya ayaw nya pagalaw yung ref" sumbong naman ni marco kaya tiningnan ko si daniel . Umiling sya bago sinamaan ng tingin ang mga kaibigan .
"Gago kakakain nyo lang ng pizza tantanan nyo nga ang misis ko!"
Hinapit nya ang bewang ko bago hinalikan ang pisngi ko .
"O sige .. hmm ah dito nalang kayo mag dinner magluluto ako "
"Yun oh !!! Ganyan ba kapag may misis na?? Parang gusto ko nadin tuloy mag settle down"
Binatukan sya ni pat "tumigil ka nga dyan . Papano ka mag sesettle down eh walang tumatagal sayo"
"Grabe ka bro .. ang sama mo talaga sakin .. bakit kung hindi magiging ganyan kaalaga kay kath yung mapapangasawa mo di mo ba gugustuhing magpakasal .? Asar ni marco kay pat
"Syempre .. gusto no .. pero syempre maghahanap muna ako ng ganyan din"
"Kath nailagay ko na yung groceries doon sa kitchen nyo I'll just get the drinks nlng sa car and susunduin ko si trina to help us .. do you need something else para mabili ko na .. ?" Napatingin kameng lahat kay arisse na ang pansin ay nasa phone nya na tila may ka text
Napalingon ako kay daniel at marco na nagngingisian habang si pat naman ay nananahimik "bro matagal mo na syang nakita... gago ka lng" sabi ni marco habang sinisiko si pat kaya napaangat din ng tingin arisse at hindi nakaimik
"Hi arisse " nginitian ni arisse si marco bago napatingin kay pat .
Ngumisi naman ako kay arisse
"Ah dj .. dito din mag dinner sila arisse saka sila trina . Tatawagan ko din sila mama at mama karla para dito nadin sila mag dinner "
"Bakit anong meron..?"pinisil ni daniel ang kamay ko bago bumulong satin "diba maaga tayo mag stretching mamaya .. pag dito sila mamaya malalate tayo sa deadline natin" kinurot ko ang pisngi nya bago inirapan sya .
"Hindi pa kasi tayo nakakapag dinner with our family and friends and since wala naman tayo sched today at available din sila kaya mas maganda na mamaya nalang tayo mag dinner with them" tumango sya at humalik uli sa noo ko .
"Sige na nga... " muli syang bumulong sakin "basta mamaya ah ??"
Tinaasan ko sya ng kilay bago tinapik ang dibdib nya "oo na nga ikaw talaga"
"Ah sige alis na muna ako nasa mall din daw si trina .. sunduin ko muna"
"Arisse hi daw sabi ni pat" asar pa ni marco kaya binatukan sya ni pat .
Ngumiti si arisse kay pat at humawak sa braso ko "sige .alis nako"
"Sige ingat ka" sagot ni pat kaya napangisi si daniel at marco .
Talaga tong mga to yung dawala nanaman ang pinagtitripan .
"Hatid na kita risse" sabi ko sa kanya bago humawak sa braso nya
"Hindi na ..okay na sus .. basta text text nalang ah?"
Ngumisi ako bago bumulong sa kanya "risse.. sa kanya yung positive na negative naman pala no??"
Nanlaki ang mata nya "isa ka pa pasalamat ka P ka kundi hinatak ko na yang buhok mo"
"Haha joke lang ..sige ingat ka daw .. " tumingin ako kay pat
Napailing naman si arisse bago tuluyang lumabas .
"Awww.. iniwan sya uli .. kawawang tropa"
"Gago ! "
"Hahaha wag kang magalala babalik pa naman daw sya eh .. diba love ?"
Asar din ni daniel kaya napailing ako
"Kayo talaga ....pinagtitripan nyo nanaman yung dalawa .."
"Yan .. sila kasi kath .. pinagtitripan ako "sumbong ni pat kaya lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat nya .
"Wag kang magalala ... di pa sya kasal . Pwede mo pang agawin" sabi ko kaya napahiyaw yung dalawa .
"Yuuuuuunnn naman!!!!!!"
.
.
.
"Wow nak ikaw talaga ng luto ng mga yan ??" Bungad na sabi ni mama karla sakin bago bumeso sakin .
"Hi mama karla .. hmm tinulungan po ako nila arisse at trina "sagot ko at sinuri pa ni nita karla ang mga pagkain na nasa kitchen island .
"Hi ate kath! "
"Ate!!"bati naman ni lelay at magui bago bumeso din sakin .
Lumapit din si carlito at bumeso sakin"Hi ate " may inilapag din syang pagkain na mukang luto ni mama karla
"Hello .. wow caldereta ni mama karla!" Inamoy ko yung ulam at nginitian sila "thank you .. sige punta na kayo sa sala nandun si kuya nyo ..aayusin lang namin yung table"
"Ay magui tulungan mo si ate kath mo ilagay na to doon sa lamesa " sabi ni mama karla bago tinulungan din kame ni trina
Kasama kong nagluto si arisse at trina habang ang mga boys naman ay nasa labas at nag babarbeque
Mag 7pm na kaya sakto na sakto din yung dinner namin at sila mama nalang ang hinihintay namin .
"Kunin ko lang yung BBQ kala marco sa labas "
"Sige risse .." inilagay ko sa bowl ang pasta na niluto ko .kinuha iyon ni magui at inilagay sa table ng may biglang yumakap sa bewang ko .
"Tita kath!!!"
"Hi babies!!!" Bati ko kay jordan at lexine na nakayakap sakin .
"Teka asan si-"
"Anak ..." napalingon ako at nakita ko si mama .. papa sila ate at kuya kasama si daniel habang buhat buhat ang isang box
Agad akong niyakap ni mama at ate .. bumeso naman ako kala papa at kuya "buti naman nandito na po kayo namiss ko kayo grabe "
"Kame din .. nakakainis nga .. di ko alam kung kelan ako masasanay na nakabukod ka na anak" malungkot na sabi ni mama bago iniabot ang box sakin "yan pinag bake kita ng favorite cake mo"
"Aahh.. thanks mama "
Naramdaman ko na hapitin ni daniel ang bewang ko bago humalik sa ulo ko . "Miss na miss na nga kayo nito ma . Minsan nananaginip hinahanap ka " asar ni daniel kaya natawa din sila .
"Naku ah .. daniel . Inaalagaan mo ba ng mabuti yan si kath? Baka ginugutom mo yan ? Parang nangangayayat ata " asar ni ate kaya napangisi si daniel .
"Ate.. ako pa ? Lagi kong binubusog to si kath .. di lang sa pagkain pati nadin sa pagmamahal" sabi nya bago niyakap ako ng mahigpit .
"Haay nako .. o sya .doon na tayo sa dinning .. daniel puntahan mo na sila pat doon sa labas at kakain na tayo "
Saglit pa nya akong hinalikan bago umalis . Humawak naman ako sa braso ni mama bago pumunta na kame sa dinning
Bago magsimula ang dinner naming lahat ay nagpicture picture muna kame syempre pang remembrance since ito ang first dinner namin as one family
Inaasar pa nga ako nila mama kasi lakas daw talagang maka house wife ang peg ko sa paluto at padinner ko kaya si dj ay dikit din ng dikit sakin habang kame naman ni arrise ay nagpapalitan ng mga tingin
Kung alam lang nila ang tunay na dahilan ng lahat ng to .
Nakaupo kame sa mahabang lamesa dito sa dinning .. lahat masaya dahil sa hapunan na pinagsasaluhan namin habang nag kukuwentuhan tungkol sa mga bagay bagay na nangyari itong mga nakaraang araw nagkamustahan sa mga upcomming projects namin ni daniel about sa business ng maganak namin. Kinamusta din kame nila mama tungkol sa bago naming buhay bilang magasawa .. yung mga bagay bagay na nagbago simula ng nagsama kame ni daniel .. na inaamin namin na medyo nakakapanibago pero at the end of the day na oovercome namin yung mga changes na dahil na oover power padin kame ng pagmamahal na nararamdaman namin para sa isa't isa .. yung tipong tama nga ang sinabi nila na mas makikilala mo pa ang isang tao pag nagsama na kayo sa iisang bubong . .
Halos ngayun hindi ako makapaniwala na may bago nanaman sa buhay namin ni daniel .. na may dadagdag sa pamilya namin at hindi na ako makapaghintay na ibalita ito sa kanilang lahat ..
Na kahit pangkaraniwang araw lang ito sa kanila ay gagawin ko itong memorable para samin ni daniel at para nadin sa mga mahal namin sa buhay ..
Pinatunog ko ang baso bago tumayo upang kunin ang pansin nilang lahat .
"Hi everyone .. alam ko nung una nagtataka pa kayo kung bakit ko kayo pinapunta ng biglaan dito to have dinner with me and daniel .. there's no occation or whatsoever .. it's just.. I want to take this opportunity to thank you all for the love and support you have given to us .. I know binigla namin kayo ni daniel sa pagpapakasal namin na nagdulot din ng kabikabilaang issues na alam namin ay naka apekto din sa inyo .. but still nandito padin kayo to guide and support me and daniel para sa bagong buhay na binubuo namin ng magkasama "
Ngumiti ako sa kanilang lahat .. nakita ko pang hawakan ni mama min ang kamay ni mama karla at bahagyang pinahid ang mga luha nila .. naramdaman ko naman na pisilin ni daniel ang kamay ko so iniangat ko yun para halikan .
"To my Family .. Mama ,Papa .. kala ate .. kuya .. Mama karla , Carlito , magui , lelay . To our friends Arisse and Trina, Marco , Pat .. sa dalawang cute na babies ng family na nandito .. hindi kame nakapag thank you ni daniel sa inyo on our wedding day dahil wala din kayo dun .. so ngayun na nandito na kayo I would like to take this opportunity to thank you on this day, that you all are marking the beginning of our life together .To our friends and siblings who have given us so much love and guidance, thank you for bringing us to this day hindi ko ineexpect na nandito kayo lahat sa isang hapag sa gabing ito .. that we are one family .kay mama at papa ko pati nadin kay mama karla You have exemplified the values of what married life should be, and you will be a source of inspiration as we begin our new life together. " napatingin ako kala mama na yakap yakap ni papa "Grabe hindi ako makapaniwala na dadating tayo sa point na to .. na ngayun nagiging malinaw na lahat ng bilin nyo sakin about life and love .. that your love and support goes beyond any we have ever seen, and more than we could have asked for. Who we have become, what we believe and our ability to look towards a wonderful future together bilang magasawa ni daniel .. You have given us extraordinary examples of how to live, love, laugh, forgive, forget and persevere. I am blessed na nakilala ko kayo lahat .. na naging pamilya ko kayo at ngayun iisa na tayo .. we our one family .. na sa nagdaang panahon kahit hindi pa kame ni daniel you have given us all that you could, and then amazingly, more. Thank you so much for making this day possible . Mahal na mahal namin kayo ni daniel " tatayo sana si daniel pero pinigilan ko sya kaya bumalik sya sa pagkakaupo .
"But i would like also to take this opportunity to tell something to all of you .. that I would like to share this special day sa inyong lahat.." may inilabas akong isang box at inilapag yun sa harap ni daniel "love this is my gift for you. pero baho mo sana bukasan yan at bago ko sabihin sa inyong lahat ang mesaage ko I would like to make a toast " lumapit si arisse at iniabot sakin ang dalawang mug na may lamang milk habang yung isa ay may wine.. habang sila naman ay wine din ang laman ng wine glass nila
Nagtaka pa si daniel kasi imbis na wine glass ang ibigay ko sa kanya ay mug katulad ng sa akin .
"Naubusan na ng wine glass tayo nalang mag adjust" sabi ko sa kanya kaya natawa din silang lahat
Tumayo ang lahat at Sabay sabay naming itinaas ang mga baso na hawak namin "One family and a Wonderful future Together"
"Cheers !"
Sabay sabay naming inimom ang laman ng basi habang ako ay hindi maalis ang tingin kay daniel ..
Ng maubos ang laman ng mug nito ay kita ko na halos manigas sya sa kanyang kinatatayuan ..
Napasapo sya sa kanyang mukha bago halos mapaupo sa kanyang upuan "Oh God ! " tumingin sya sakin na halos namumula na ang kanyang mga mata ..
Tila nagtaka din ang mga nasa paligid habang si arisse ay patuloy lang sa pagkuha ng video .
"Oh god seryoso ??"
Tumango ako bago iniabot ang box sa kanya .. inilapag nya ang mug at halos manlaki din ang mata ng mga katabi nya ng tignan ang loob nito ..

Maiiyak iyak nyang binuksan ang box at ng makita ang laman nun ay halos hapitin nya ako ng yakap
"Oh love !!!.. seryoso !!?? God !!"

"Surprise bali !! Nagpacheckup ako kanina and it's positive .. I'm 4 weeks pregnant " humigpit ang yakap ko sa kanya at halos buhatin nya ako sa sobrang tuwa .
"Aahhhhhhh oh mygod !!"
"Gosh !! Granny na tayo " nagtitilian sila mama at halos lahat sila ay lapitan ako upang yakapin .. si daniel naman ay humahagulgol habang hawak hawak ang sonogram na ibinigay ko sa kanya ..
"Magkakaron na tayo ng new family member " masayang sabi ko kaya napatingin uli sakin si daniel at mabilis na hinapit ako .
"God ! Thank you !! Thank you!!! " pinaulanan nya ng halik ang mukha ko bago tumingin sa mga mata ko "I love you tangi "
"I love you too bali ." Pinahid ko ang mga luha sa mga mata nya ."Pano bayan .. sure na to .. Tatay ka na talaga ."