"Sinaktan ka ba nya?" Umiling ako sa tanong ni mama karla sakin pagkalagay nya ng tasa ng kape sa harap ko . "Okay ka lang ba ??" Hindi ako sumagot kaya napabuntong hininga sya "Ano ba kasing nangyari ? Eh rinig na rinig kayo doon sa garden sa lakas ng sigawan nyo.. may problema ba kayo?" Umiling ako"wala to ma . Medyo .. medyo may hindi lang po kame pagkakaintindihan .. pero mawawala din po to ." "Nak pagpasensyahan mo na si daniel ah ? Di bale kakausapin ko sya" "Ma wag na po .. wala lang naman po to . Tampuhan magasawa lang . Hindi naman po yun mawawala diba ? Saka po .. mamaya tatawag din yun ..magsosorry din po yun . Hindi maman ako kayang tiisin ni dj eh" Mahal ako nun at hindi ako matitiis nun .. Naiintindiham ko din naman kasi ang aga aga dapat hindi ko sya tinalakan