Alexandra Chloe Sarvantes
"Tita! Tita wake up"rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses ng batang babae.
"Hmm"antok na sabi ko dito at hindi ito pinansin pero nagulat ako ng may biglang tumalon sa tiyan ko kaya napamulat ako bigla.
"Yeheyy! Gising kana po tita"sabi sa akin ng pamangkin ko kaya napangiti naman ako ng masilayan siya.
"Anastacia"bulong ko sa pangalan niya sabay ngiti dito.
"Good morning Tita Lexi"masayang sabi nito sa akin sabay halik sa mukha ko. Manang mana talaga siya sa mommy niya.
"Good morning sweety"sabay halik sa pisngi nito. Ngumiti naman ito sa akin at niyakap ako habang nakahiga pa din ako.
"Tita bangon na po ikaw nasa baba po sila mommy at mama"habang nakahiga pa din at nakatingin sa akin hinaplos ko naman ang mukha nito at tinitigan ko ang mata niyang kulay pula.
Namana niya kay Venus ang lahat lahat at hindi ko mapigilan mangamba para sa kanya dahil alam kong pipilitin nilang makuha sa pamilya namin ang may matang kulay pula.
"Sweety i'm wash my face okay, wait me here"sabay halik ulit sa chubby face nito.
"Yes Tita Lexi"sagot nito sa akin at nakita kong gumulong g**o ito sa higaan ko, napailing na lang ako sa kakulitan nito.
Mabilis na ginawa ko ang morning ritual ko at ilang sandali lang ay paglabas ko nakita ko si Anastacia na may hawak na silver dagger.
"s**t"mahinang bulong ko at mabilis na nilapitan ito.
"Sweety, akin na yan baka masugatan ka"nag aalalang sabi ko dito at inabot naman agad niya ito.
"Tita is that a dagger? I saw mama na may hawak po nung nakaraan na ganyan"inosenteng tanong nito sa akin at napangiti ako sa pagiging inosente niya.
"Yes sweety, ang talino mo talaga"sabay halik sa pisngi nito ulit. Kinarga ko na ito at lumabas ng kwarto ko pagbaba namin ay nakita namin sila Athena at Venus.
Nang makababa ay nagpababa sa pagkakarga ko si Anastacia at pinuntahan ang magulang niya.
"Good morning Ate Chloe"bati sa akin ni Venus at nginitian ako pero ang ginawa ko ay nilapitan ito at hinalikan sa pisngi.
"Morning"bati ko dito at nginitian ko naman si Athena na karga na si Anastacia.
"Ate Chloe may request pala ako sayo hehe"kinakabahang sabi nito sa akin at napataas naman ang kilay ko.
"Ano yun?"tanong ko agad dito at nakita kong tumingin pa ito kay Athena.
"Pwede bang ikaw muna mag alaga kay Anastacia"nag aalang sabi nito sa akin at napangiti naman ako.
"Sure"masayang sagot ko at nakita kong ngumiti agad ito sa akin.
Tumingin ito sa anak niya at kinausap para sabihin na aalis sila ng asawa niya.
"Baby Saoirse aalis lang kami ng mama mo at dito ka muna kay Tita Lexi mo okay?"sabay halik nito sa anak niyang nakangiti. Then si Athena naman ang nagpaalam dito.
"Be a good girl to your Tita Lexi my princess"masayang sabi pa nito sa anak niya na ngumiti dito.
Lumapit sila matapos makausap ang anak nila at pinuntahan ako.
"Thank you Alex"masayang sabi ni Athena sa akin at tinanguhan ko siya.
"Sige bye bye na Ate Chloe"hinalikan nanaman ako sa pisngi at napailing na lang ako sa kanila.
Makaalis sila ay pinuntahan ko agad ang pamangkin ko at nakita ko ito sa kitchen at kakwentuhan ang mga katulong ko.
"Sweety"tawag ko dito at napalingon naman siya sa akin.
"Look tita we made pancakes"sabay pakita nito sa akin at ngumiti ako dito dahil ang cute cute niya kamukhang kamukha ni Venus.
"Wow! I'm so proud of you sweety"proud na proud na sabi ko dito at hindi pinansin ang mga katulong ko na nakatingin sa amin.
"Ang ganda ni ma'am Alex kapag ngumiti noh?"
"Sobrang sweet pa lalo na sa pamilya niya pero pag hindi niya kilala isnob at tinatarayan niya lang"
Rinig kong bulungan ng mga maid ko at kinarga ko na ang pamangkin ko.
"Gusto mo puntahan natin si Tita Persephone mo?"nakangiting tanong ko dito nakita kong bigla nag twinkle ang mga mata niya. Yung mata niyang kulay pula at parang naging kulay dyamante na ruby.
"Yes! Yes! Tita i want to see Tita Jane"masayang sabi nito sa akin.
Mabilis na binihisan ko at nag ayos naman din ako ng sarili ko. Pinasuot ko sa kanya ang salamin niya para hindi mapansin ng iba ang mga mata niya.
"Cute cute ng baby girl namin"ngumiti naman ito at hinalikan ako sa pisngi.
"Hihihi! Really tita?"bibong tanong pa nito sa akin mas lalo naman ako napangiti.
"Yes promise baby"sabay buhat ko ulit dito at naglakad papunta sa kotse ko.
Pinasok ko siya sa loob at sumakay naman ako sa driver seat, sinenyasan ko naman yung security guard at naintindihan naman niya agad ito.
Pinaandar ko agad at hindi ko gaano pinabilis ang pag andar dahil kasama ko ngayon ang cute na cute kong pamangkin.
"Tita Lexi i miss my other titas and tito"nakapout na sabi nito sa akin.
"They miss you too sweety"sagot ko dito at ilang sandali lang ay nakarating na kami sa model agency ni Ate Persephone.
Pinark ko yung kotse ko at binuhat ulit si Anastacia. Pagpasok namin ay napapatingin sa amin lalo na sa hawak ko bata.
"Si Ma'am Alex yun ah"
"May kasamang bata, sino kaya yun?"
"Anak yan ni Ma'am Venus yung kakambal ni Ma'am Alex"
"Waah ang cute naman ng bata"
Mga bulong bulungan nila hindi ko sila pinansin at pumasok kami sa elevator.
Nakarating din kami sa floor ni Ate Persephone napansin kami ng secretary niya.
"Ma'am Alex may kausap lang po si Ma'am Persephone"nakangiting sabi nito sa akin at tinanguhan ko ito.
"Hi baby Ana"bati nito sa pamangkin ko at ngumiti naman dito ang pamangkin ko.
May lumabas na pamilyar na tao na kasama si Ate Persephone.
"Nathalia"bulong ko sa pangalan niya at napansin kong napatingin ito sa akin na nagulat ng makita ako pero ngumiti pa din.
"Hi baby"bati nito sa akin at hindi ko siya pinansin dahil nangyari nung nakaraang araw sa mall.
"Tss"sabay tingin ko kay Ate Persephone at napatingin ito sa batang kasama ko.
"Waaah! Babyheart you here i miss you my little princess"sabay karga niya dito at hinalikan sa labi. My pamangkin just giggled to her tita.
"I miss you too Tita Jane"sabay halik din nito at pinaulanan ng halik ang tita niya.
Nakita kong nakatingin pa din sa akin si Nathalia at hindi ko maiwasang mamula.
Yung way kasi ng titig niya tagus tagusan at yung puso ko bumibilis nanaman ang t***k.
Nathalia i hate you!
-----