Dedicated to nathanlancemariano01
Alexandra Chloe Servantes
Inuwi ko na ang pamangkin ko sa condo ko dahil susunduin sya ni Venus at athena. Mahimbing ito na natutulog sa kama habang tinitignan ang kanyang inosenteng mukha. Ang cute cute talaga ng pamangkin ko.
Nong time kase na buhay pa si Thor ay humingi sya ng tawad sa amin dahil sa pagbaril nya kay Venus na dapat ay kay athena. Pero sinalo iyon ng kakambal ko.
Oo pinatawad na namin sya. Nagawa lang nya iyon dahil sa matinding selos kay athena.
Bago sya nagpakamatay nag donate sya ng sperm cell production para maisagawa ang IVF at ito nga ang naging resulta si anastacia baby pamangkin iyon.
Kay baby venus nya din namana ang pulang mata kaya maingat din namin na protektahan ang may ganitong mata.
Pasimple ko itong hinalikan sa pisnge at kinumutan. Pumunta ako sa sofa para umupo katapat lang ng hinihigaan nya.
Snob ako sa iba pero pagdating kay venus at anak nya ay nanlalambot ako. Mahal na mahal ko talaga sila.
Calling..
"Meron kang dapat patayin sa loob ng 24 hrs. Bukas na yon" napangisi naman ako sa sinabi nya dahil kating kati na ang mga dagger ko.
"Pakibilisan dahil nangangati na ang mga kamay ko" nangangati na para pumatay.
"Oo na excited lang? I will send you his name." At binaba na nya ang tawag at napatingin ako sa phone ko at binasa.
"Manuel Hilardo". Napangisi na naman ako. Sya ang may ari ng mga disco bar sa antipolo at isa ring hamak sa bawal na gamot para ibenta sa mga customers nya.
Nilapag ko ang phone ko sa center table at kumuha ng tubig sa ref.
Dingdong!!!!
May narinig akong nag dodoorbell sa labas baka sila Venus na iyon at agad ko silang pinagbuksan ng pinto.
"Hi baby sis" bati ko kay Venus at hinalikan ito sa pisnge at niyakap.
"Hi athena" bati ko naman dito at napangiti.
"Where she is?" Tanong ni Venus kung nasaan ang anak nila.
"Nasa kwarto sya" at agad na pumunta kami sa kwarto para puntahan si Anastacia.
"Oh' I miss my baby" bigla itong nagising at hinalikan si Venus sa pisnge.
"Mama,Mommy I miss you" sabay yakap sa kanyang magulang.
"I miss you too both baby" habang buhat ito.
"Nagbehave ka ba dito?" Tanong nya sa anak. At agad naman na sumagot ito at kumunot ang noo.
"Yes mama. Pero si tita alex masungit don kay tita Nathalia. I like her mama"isumbong daw ba ako hahaha. Natawa naman sila venus sa pinagsasabi ng anak.
"Bye bye na kay tita alex". Venus.
"Bye bye tita alex I love you". Hinalikan na naman nya ako sa pisnge at hinalikan ko din sya.
"I love you too baby".
Umalis na sila venus sa condo ko at kailangan kong maghanda para sa mission ko bukas.
Naligo ako dahil nanlalagkit ang katawan ko. Ginawa ko ang ritual routine ko.
Maaga akong nagising ng 4am para maghanda sa aking mission. Naligo at ginawa ang ritual routines ko at pagkatapos ay sinuot ko ang all black na damit.
Inayos ko ang buhok ko at tinali ito. Inayos ko ang mga gamit ko na gagamitin ko para mamaya at hindi papahuli ang dagger ko at sinuksok sa loob ng binti ko.
Kinuha ko ang jacket ko at nilagay ko ang cap na kulay itim sa ulo ko at lumabas na ng condo.
Pagdating ko sa kotse nilagay ko ang mga gamit ko sa likod at pinaandar na ang sasakyan papuntang antipolo.
Unknown pov
"Ready na ba ang lahat?" Tanong ko sa mga tauhan ko sa aking loob ng opisina.
"Yes boss. Nagkalat na ang mga men black natin sa labas at loob ng bar para abangan sya.
"Good". Napangisi naman ako sa sinabi nya at tinungga ko ang natitirang alak sa baso ko sabay hithit ng sigarilyo ko.
"Siguraduhin nyo lang na mahuhuli nyo sya dahil ayokong sirain nya ang negosyo ko". Maotoridad na sabi ko sa kanila.
'Yes boss. Marami tayong nagkalat na cctv camera sa loob at labas ng bar" kinakabahang sambit nya. Pero kinakabahan ako sa mangyayari ngayon.
"Alam ko. Pero talasan nyo mga mata nyo baka nasa paligid lang ang papatay sa akin". Yes alam kong may papatay sa akin at sisiguraduhin kong sya ang unang papatayin ko.
Alexandra Chloe Sarvantes
Nandito na ako sa antipolo while park my car sa tabi ng walang masyadong tao. Naghintay pa ako ng ilang oras para pasukin ang bar.
Maraming nagkalat na tauhan sa labas at mukhang pinaghahandaan ng pagdating ko. Napangisi naman ako. Halatang hindi mapakali ang ilan sa kanila.
Mag 7pm na ng magsimula akong lumabas ng kotse at sinuot ang jacket ko at salamin ko para pang disguise at di ako mahalata.
Malapit na ako sa entrance ng harangin ako ng isa sa kanila.
At kinapkap kung may dala ba akong gamit at wala naman silang nakapa at pinapasok nila ako. Napangisi talaga ako ng todo sa mga tanga nyang alagad.
Dahil madilim sa loob at masyadong maingay madali na para sa akin lumusot pero sadya talagang maraming bantay sa loob kaya maingat parin akong kumilos.
Hinanap ko ang office ng taong iyon at pagdating ko mas madami syang bantay dito kaysa doon sa labas at hinanap ko ang breaker ng ilaw para patayin at naghiyawan ang mga tao sa loob kaya madali na sa aking kumilos nagpanic ang mga tao.
"Anong nangyari buksan nyo ang mga ilaw mga gonggong" naririnig kong bulyaw nya.
"No need dahil mamamatay ka na ngayon" nasa likod nya ako at tinutok sa leeg nya ang dagger ko.
"Paano ka nakapasok d-dito" nanlalamig na sagot nya. Well ganyan nga matakot ka.
"Well,hindi ako tangang katuad ng mga alagad mo at tinawanan ko silang lahat"at tinarak ko sa ulo nya ang dagger ko at mabilis na umalis sa lugar na yon. Isa isa ko silang tinarak ng dagger sa ulo palabas bago pa magka ilaw.
Pagkabukas ng ilaw ay pinuntahan ng mga alagad nya ang amo nila at nanlumo sila sa nakita. Patay na ang amo nila at nakita nila ang nakatarak sa ulo nito.
"The silver huntress is back" at napaluhod ang mga ito.
Pagkalabas ko ay agad na sumakay ako ng kotse ko at umalis sa lugar na iyon.
Kinuha ko ang phone ko at may tinawagan.
"Mission complete" at binaba ko na ang tawag.
******