Alexandra pov
Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko at naramdaman kong parang may nakayakap sakin. Tinignan ko naman kung sino ito at nakita ko na si nathalia pala ito.
Humarap naman ako sa kanya at nakatitig sa maganda nitong mukha at mahimbing paring natutulog. Napangiti nalang ako sa kawalan ng maalala ko ang mga nangyari kagabi.
Yups! Nasa katinuan pa naman ako that time kaya alam ko pa ang ginagawa ko pati don sa-- s**t bigla yatang namula ang mukha ko.
^________^
Siguro nga mahal ko na ang babaeng nakayakap sakin. Masaya ako kapag nakikita ko sya at kasama. Addict na ba ako sa pressence nya? Hmm.. Maybe :).
Sa pagmumuni ko ay bigla itong gumalaw at nakadilat na ang mga mata at nakatingin ito sa akin ng nakangiti. Nilapit naman nito ang mukha sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Alex I love you simula noong makilala kita. Sana ganun ka din sa akin. Sana lahat ng sinabi mo sa akin kagabi ay totoo." Bulong nito habang sinisiksik ang mukha sa leeg ko.
"Totoo naman ang lahat ng sinabi ko sayo kagabi . I love you Nathalia." napatingin ako sa kanyang mga mata and I kissed her forehead. Napapikit naman ito sa ginawa ko at napangiti.
"I love you Baby Alex.."
"I love you more Nathalia. Masyadong mabilis pero mula ng makita kita mayroon na akong kakaibanh feeling para sayo." hinalikan ko ito at pinagsaluhan ang mainit na halik.
---------
Kasalukuyan naman kaming nagtotooth brush saloob ng banyo at sabay kami.
"Woah ang bango" inaamoy amoy ko kunwari yong hininga ko pero malapit sa leeg nya hahaha ^__^
"Alin ang mabango?" Takang tanong naman nito. Napangiti naman ako sa itsura nya na nakakunot ang noo nito.
"Ito oh" sabay amoy ng leeg nya hahaha.
"Alex" bulong nya. Humarap naman ako dito at hinalikan sya sa labi at sa noo. Napapikit naman ito sa ginawa ko.
"I love you Nathalia" niyakap ko sya sa beywang at hinalikan ulit sya sa labi. Addict na talaga ako sa halik hahaha. Ang snob huntress ay addict sa kiss.
Lumabas na kami sa banyo at pumuntang living room. Mag momovie marathon sana kami kaso biglang tumunog ang phone ko at agad ko namang sinagot.
"Yes hello?"
"Baby lexi help us" sagot sa kabilang linya na parang hinihingal.
"Anong nangyari? Nasaan kayo?" Tanong ko.
"We need back up. Nandito kami sa blahh blahh blahh building- s**t!"at biglang naputol ang tawag.
Dali dali akong nagbihis at nagpalit ng damit. I wear my all black suit. I dont care kung nadyan man si Nathalia.
"What's happening? Saan ka pupunta Alexandra?" Tanong nya na nag aalala.
" Pack your things and change your clothes faster Baby" dali dali naman itong nagbihis at ako naman ay nilagay ko ang mga dapat kong gagamitin para sa bakbakan pagdating namin doon. Nasa panganib sila ate persephone.
"Let's go" agad kaming sumakay at pagbaba namin pinaandar ko na agad ang kotse papunta sa location.
"Marunong ka bang mag drive?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman ito at nagpalit kami ng position. Sya ang magda drive dahil tatawagan ko ang iba kong mga kapatid.
"Ano bang nangyayari?"
" nasa panganib sila ate persephone at ang kaibigan mo. Kailangan nating bilisan". Tinawagan ko ang mga kapatid ko at thanks because nasagot nila agad at sinabi ko ang exact location kung saan sila ate persephone.
Puro kakahuyan ang bawat nadadaanan namin kaya dapat paring mag ingat. Abandonadong building ang kinalalagyan nila ate persephone. s**t! Paano sila nahuli? Sino ang gumawa non sa kanila.
Pinaparada ko kay nathalia medyo malayo sa building at pinatay ang ilaw ng kotse.
Sobrang dilim kaya biglang napayakap sakin si Nathalia. Hinihintay lang namin saglit ang mga kapatid ko para iligtas sila sa loob.
"Nakakatakot dito alex" napahigpit naman ang yakap nito sakin kaya niyakap ko sya papalapit sa akin. " Dont scared Baby I'm here" pag aalo ko sa kanya.
Maya mayat pa ay dumating na rin ang mga kapatid ko. Bumaba na kami ni Nathalia at nakita ko sila ate Aphrodite at ate Hera wearing a black suit. Pati si Ate leycat yong pinsan ni Samantha. Ganun din si Venus at Samantha ay nandito din. Same suit attire.
"Oh Hi Nathalia.." bati nilang lahat sa kanya. Tumingin naman ito ng nagtataka sa aming lahat.
"B-bakit kayo naka over all black suit? Anong meron sa inyo?" Tumingin naman ito sa akin ng naghahanap ng sagot.
"Baby lexi,sabihin mo na sa kanya nakita na nya tayo eh" sabi nilang lahat.
"Ahm... Nathalia... Lahat kaming magkakapatid ay mga assasin. Si Samantha ay isang mafia boss" sagot ko. Napanganga naman ito at kinabahan.
"Dont scared. Hindi ka namin sasaktan" sabi nila sa kanya ng nakangiti. "This is my true Identity Nathalia. Okay lang kung hindi mo matatanggap ang totoong ako." At bigla nalang akong tumalikod sa kanya.
"No! I mean nagulat lang ako tinatanggap naman kitang buo eh. Tss mamaya nalang natin pag usapan to. Wd need to help my friend and Ms persephone." Tumango naman kami sa kanya. Kaya agad kaming pumunta don sa building.
"Don kayo sa kabilang side ate ley. Don naman kayo ate hera at dito naman kami ni Nathalia" tumango naman sila at agad na pumunta kami sa kabilang side ng pader.
Oh f**k! Ang daming bantay. Mukhang napaghandaan ata nila.
Tumingin ako kay Nathalia" Wag kang bibitiw sa kamay ko ok?" Tumango naman sya dahil sa ginagawa namin.
Pumunta kami sa bandang likod ng building at may naririnig kaming nag uusap.
"Pare ang ganda nong babae na kasama nong sarvantes"
" oo nga eh kaso pag ginalaw natin yan magagalit si boss pati yong babaeng kasama nya."
"Ang ganda pa naman masarap sanang ikama hahaha"
Putakte naman ang mga ito. Tss bastard. Idiot eggs. Naramdaman ko nalang na nanginginig si Nathalia sa aking tabi. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya. At naririnig ko ang mahinang paghikbi nya sa tabi ko.
"Dont crying. Maliligtas natin sila." Pag aalo ko sa kanya.
Maya maya ay tumayo ang dalawang lalaki at aakmang lalabas mula sa kinaroroonan namin. Kaya hinanda ko ang gamit ko at nilagay ko sa may likod ko si Nathalia.
Bigla kong hinatak yong isang lalaki at sinipa sa mukha kaya knockout. Yong isa naman sinipa ko sa ibaba at sinuntok ang mukha. Agad naman kaming pumasok sa loob para puntahan ang dalawa.
Shit! May paparating! Agad kaming nagtago sa isang sulok. Putsa ang dami naman nila. Buti nalang at dala ko ang silent guns ko.Hinalikan ko sa noo si Nathalia.
"Ang kinis nong babae" sabi nong isang lalaki.
"Umayos ka dadating si boss ngayon dito"
Sino kaya ang tinatawag nilang boss? Napaisip naman ako. Naghintay kami ng ilang sandali kung wala na sila.
At lumabas kami para hanapin kung nasaan sila ate. Peste ang baho naman dito.
Ay lintik! May bantay na naman.
Bang!
What the!!?? s**t mukhang may nagpaputok sa mga kapatid ko dahil nagpapakitan sila ng putok.
"Boss! Mukhang nandito ang mga kapatid ng sarvantes!Ano pong gagawin namin?"
"Yes boss. Dalian nyo kunin nyo ang dalawang bihag bilis!"
Takte mukhang itatakas na naman sila ate. Hindi kami papayag. Hinanap namin sila sa loob ng building na ito at s**t nakita kami ng mga bantay.
At pinaputokan kami. Kaya nagtago kami. Napasigaw naman si Nathalia. Pinaputokan ko ang lalaki at bang! Natamaan ko kaya hinatak ko si Nathalia para tumakbo. Ang dami nila kaya wala akong magagawa kundi makipagpalitan ng putok.
Bang!Bang!Bang!
Natamaan ko ang isang lalaki sa binti kaya natumba at sinakal ko ito kaya napa ungol. "Nasaan ang dalawang binihag nyo! Sagot!" May diin na sabi ko. Umiiling iling naman ito at talaga nga namang...
"Nasaan sila!!??Sagot sabi eh?!" Sinakal ko ulit sya at diniinan ko sa bandang binti kung saan ko sya nabaril. Napaungol na naman ito.
"S-sa second floor sila.." at binaril ko ito sa ulo at agad kaming pumunta sa second floor.
Pagdating namin sa pangatlong palapag nadatnan namin ang ibang mga bantay na tinatakas sila ate. Dahil sa inis at galit ko pinaputokan ko silang lahat.
"Magtago kayo ate!" Sigaw ko. Agad akong nagtago sa pader. Nakita ko si ate Hera sa isang sulok at sinenyasan nya ako. Si ate Aphrodite naman sa kabilang side habang tahimik na wag gumawa ng ingay.
'Sumuko na kayo mga gago!" Sigaw ko. Sign iyon para madistract ang mga kalaban. Lumipat kami ni Nathalia papalapit sa isang kalaban at nakita ko si Ate Persephone sa isang sulok at may kasama silang bantay.
Bibilang ako ng tatlo tumakbo kayo ok" senyales ko ng pabulong. Eye contact ko naman ang ibang mga kapatid ko sa paligid.
1
2
3
Takbo!
Bang!
Bang!
Bang!
Tsaka kami nagpaputok sa side ng mga kalaban at well natamaan silang lahat. Agad naman naming nilapitan sila ate para tulungan dahil may sugat sua sa binti at ang isa naman ay walang malay.
Dali dali naman kaming lumabas sa building na iyon at wala ng bantay dahil sa tulong nila venus at athena at ng iba.
"Oh my god ate persephone!" Napasigaw na sabi ni Venus.
Agad naman namin silang inakay pabalik ng kotse at yong kaibigan ni Nathalia ay kasama nila ate Hera at ate Aphrodite . Si ate persephone naman ay sa kotse ko.
Pinaandar ko agad ang kotse at umalis sa lugar na iyon.
*****