Prologue

1293 Words
PROLOGUE   “Sure ka bang iyon lang dahilan ng pag-uwi mo?” sabay iling at ngisi ni Lyle ng nakakaloko.   Napairap ako saka binato ito ng damit na unang nahawakan ko na mas lalo nitong kinahalakhak.   “Umalis ka nga rito! Not now, Lyle.” sabay bato ko ulit nang mahawakan kong gamit.   Tumatawa naman itong tumayo at nakaangat pa sa ere ang kamay na parang sumusuko saka lumabas ng kwarto ko. Asar naman akong nagpatuloy sa paglalabas ng mga gamit ko sa luggage ko. Kauuwi ko lang galing ibang bansa at iyon ang bungad niya sa akin. I know what he meant by his question even if he didn’t mention anything.   I wonder how are they, though? Marahas kong pinilig ang ulo nang muntik na naman akong mawala sa mga naiisip ko. I continued fixing my things and shrugged the unnecessary thoughts I shouldn’t be thinking in the first place.   I didn’t come all the way here for that reason. Bumalik ako para sa isang importanteng bagay. I have no time for other agenda.   Nang hapong iyon nagising ako mula sa mahimbing na tulog sa pagod sa biyahe. I took a quick shower and wear a white tank top and maong shorts. Tinuyo ko muna ang buhok before going out of my room.   “Nagugutom ako...” bungad ko kay Lyle nang maabutan ito sa living room at nanonood.   His brow creased at glance at me.   “Wala sa akin ang ref,” he dead ass answered before drifting his eyes on the television screen again.   Napairap ako at dumiretso na lang sa kusina nila. Sinabi ko lang iyon para alam niya. Isa pa bahay nila ito at hindi akin, kahit pa na feel at home lang ako lagi rito noon nahihiya pa rin naman ako.   I sighed nang walang mahanap sa ref na gustong kainin. I feel like craving on something, I can’t explain. Marami namang laman at makakain sa ref pero may hinahanap ang sikmura at dila ko. Kumuha na lang ako ng baso at uminom bago umalis ng kusina na gutom pa rin.   “Hey, pahiram ng susi ng kotse mo,” tawag pansin ko sa kaibigan nang makalapit ako.   Mabilis pa sa alas-cuatro akong nilingon nito.   “And, where are you going?” his brow knitting in frown.   Napairap ako dahil doon, para namang ipapahamak ko ang pinakamamahal niyang kotse kung maka-intriga sa akin. In t he end, I sighed and just answer his question.   “I don’t know sa mall or kahit saan,” kibit-balikat kong saad dahil hindi ko rin alam kung ano bang gusto ng sikmura ko.   Pinanliitan naman ako nito ng mga mata at nagdududang tinitigan ako. I sighed and rolled my eyes for the nth time, nauubos na ang pasensya ko at higit sa lahat gutom na ako.   “Hindi ko alam kung saan ako pupunta, okay? I’m craving for something, I couldn’t name baka ‘pag madaanan or makita ko, iyon na,” bahagyang asar ko nang paliwanag.   I really hate it when they’re implying something on almost everything that I’ll do and decide. When I don’t even have any other reasons when I came here.   “Fine, I’ll get my keys, then. Wait for me,” bilin nito sabay patay sa pinanonood.   My brow arched in question. “Sasamahan mo ako?” hindi makapaniwalang tanong ko.   “Sa akin ka binilin ni Tita Phyllis, that means I hold accountable of you,” mataman nitong sabi na bahagyang ikinangiti ko.   “Isa pa, mabuti nang kasama ako para sigurado...” dagdag pa nito na agad kong ikinasimangot.   “Dito ka lang...” sabay tayo at nagmamadaling umakyat sa kwarto.   “Please, get my purse on my room, too!” pahabol ko pa nang maalalang wala akong bitbit na pera.   I sighed and just patiently wait while keep on contemplating if should go grab some cardigan or oversized coat to wear on top of my clothes. But, I just end up not grabbing anything.   “Let’s go,” si Lyle sabay abot sa akin ng purse ko.   Iba na ang suot nitong damit, nagbihis pa pala ito kahit na okay naman na ang suot nito kanina. Napatingin tuloy ako sa suot ko at muling napaisip kung magdadala ba ako ng pampatong sa suot ko. Sa huli, hinayaan ko na lang dahil dagdag pa sa paghihintay at umalis na lang kami.   “Ano hindi mo pa ri ba naiisip kung saan ka nagc-crave?” si Lyle sa naiinip na boses.   I understand him though, kanina pa kami palakad-lakad at halos naikot na namin ang buong mall. Nakapamili na nga kami ng ibang groceries sa hypermarket kanina.   Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga saka nahihiyang umiling sa kaibigan. Laglag ang balikat ko at bigong mahanap ang pagkain na gusto ko.   “Let’s take a break. Maupo muna tayo at isipin mo kung saan ka nagc-crave,” suhestyon nito at naupo na nga sa libreng upuan sa mall.   Natawa naman ako nang ilapag nito ang bitbit na mga plastic nang pinag-grocery-han namin saka inikotikot ang ngalay na kamay. I sighed and seated beside him. Nalingunan ko ang isang pastry shop at biglang may naisip.   “Ah! I think I know what I want!” I exclaimed and stood.   Lyle just sighed, para bang hindi na ito naniniwala sa akin dahil kanina niya pa naririnig sa akin ang mga salitang iyon.   “Dito ka lang. I’ll just go and look for something on that shop,” sabay tayo at turo ko sa pastry shop na nakita.   Hindi ko na hinintay pa makasagot ang kaibigan at tinungo na ang pastry shop. Dirediretso ako sa may mga cake at mabilisang sinuyod ang mga displayed cake. Muling nalaglag ang balikat ko sa pagkabigo nang hidi mahanap ang gusto. I pouted and left the shop, dismayed.   “Let me guess, you still haven’t found what you’re craving for, am I right?”   I pouted and nodded disappointedly because he’s right. May naiisip akong lugar kung saan makikita ang posibleng gusto ko pero ayoko rin namang pumunta roon. It’s too dangerous for me... too risky.   I was hesitant to tell, Lyle about it but I still did in the end. Nagugutom talaga ako at iyon ang hinahanap ng sistema ko.   “Let’s go to the café...”   Nagtatakha naman akong tinignan ng kaibigan na para bang hindi na niya ako mahinuha. Ngunit agad na nagbago ang ekspresyon nito nang may matanto. I just looked away at nauna nang maglakad. I know for sure he got something in mind that he wouldn’t even need my confirmation. I just don’t want him questioning me so...   “You don’t have to come with me. Hindi naman ako magtatagal sa loob,” mataman kong sabi sabay tanggal ng seatbelt. “I’ll come, bibili na rin ako,” mataman nitong sabi na tinanguan ko lang saka sabay kaming lumabas ng sasakyan.   I let out a sigh and silently prayed for a smooth time in the café. Iginaya na ako ni Lyle papasok sa loob. Walang gaanog customer kaya nakaorder agad ako ng chocolate tiramisu cake na gusto ko. I ordered 2 boxes para hindi ako babalik kung sakaling makulangan.  Si Lyle naman ay um-order din ng kan’ya.   Makakahinga na sana ako ng maluwag nang makuha namin agad ang orders. But, seems like fate has it ways on people’s lives palabas na sana kami nang makasalubong ng mata ko ang pamilyar na pares ng tsokolateng mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD