"MA, ayos lang po ako. Hindi niyo po ako kailangan alalahanin dahil ito nga, o, nakakausap mo pa ako. Don't worry, bibisita po ako sa inyo next week. Last week po sana kaya lang naging abala po ako, e." "Miss na miss na kita, anak. Aasahan kita sa isang linggo, ha? Sakto, debut ni Katarina sa Huwebes." Nanlaki bigla ang mga mata ni Kara. "Oo nga pala, debut na pala ni Katarina. Huwag mo na akong asahan dahil bukas na bukas, uuwi po ako riyan." "Naku, magiging masaya si Katarina nito. At ang Ate Karina mo, uuwi siya rito sa Lunes kaya tamang-tama, makakaon natin siya sa airport kasama ka." "Ako pa ba, si Ate Karina iyan, e," natatawa niyang saad. "May venue na po ba, mama?" "Oo, anak. Sa isang hotel and resort dito sa Manila. Nakalimutan ko ang pangalan. Sandali, iisipin ko lang." Sand