WALANG emosyong pumasok si Kara sa kaniyang apartment bago pabagsak na umupo sa sofa. Hanggang kailan ba siya kukulitin ng lalaking iyon? Bakit napakakulit nito? Bakit ayaw nitong tumigil? Ang daming tanong sa utak ni Kara ng mga sandaling iyon na wala namang makakasagot. Ilang beses na itong nangulit sa kaniya. Hindi ba ito napapagod kakahabol sa kaniya? One slap is not enough. Parang gusto niyang bumalik kay Marvin at sampalin ito ng sunod-sunod dahil bagay iyon dito. Sa totoo lang ay hindi pa siya nakakabawi rito. He hurt her feelings and she should do that too pero ipinagsawalang-bahala na lang iyon ni Kara. She's not like him, and she never will be! Tumayo na si Kara sa kinauupuan para magtungo sa kuwarto dahil nakaramdam na siya nang antok. Sinigurado muna niyang naka-lock ang pin