"ANG tanga-tanga mo, Kara. How come na hindi mo naramdamang nahulog na ang band-aid na nilagay mo sa leeg mo? God! Ano, puro landi na lang, ha? Hoy, mahiya ka nga!" pagsesermon ni Kara sa sarili habang nasa harap ng isang human size mirror na nasa kuwarto niya. Hiyang-hiya tuloy si Kara ngayon. Kanina, kumatok pa si Cole sa pinto niya at tinatanong nito kung ayos lang siya. Um-oo siya kahit ang totoo'y hindi naman. Did Cole see her hickey? Oh, God! It can't be. Ano kaya ang nasabi nito? Did he judge her? Did he talk something about her? Mahinang sinampal ni Kara ang sarili dahil sa mga iiniisip. Hindi naman siguro siya huhusgahan ni Cole since he is really a nice guy. Concern pa nga ito sa kaniya, e. Dahil sa inis, binuksan ni Kara ang bintana ng kuwarto niya at luminga-linga upang i-r