Chapter 1

1894 Words
Antoinette POV "Julio, hindi ko kaya." Maiyak iyak na ako habang nagmamakaawa kay Julio na sabihin sa lalaking tinatawag nilang Mr. Castillion na hindi ko gusto na isama ako nito. "Ano ka ba naman Nette ito na ang pinakamadaling solusyon sa problema mo. Nakaya mo ngang sumayaw kanina ng halos hubo't hubad." Sermon niya. Mahigpit akong napakapit sa laylayan ng bestidang suot ko. Kanina pa ako nakapagbihis pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko dahil natatakot ako sa naghihintay sa'kin palabas. "Magkaiba naman iyon, kahit immoral ang aking ginawa ay hindi ko naman pinagamit ang aking katawan." Apila ko ulit. Sa isipin palang na makikipagsiping ako sa hindi ko naman asawa o nobyo ay nangingilabot na ako sa takot. "Nakakaistress kang bata ka! Moderno na tayo ngayon kaya walang kaso ang ipagamit ang katawan mo." Iwinagayway niya pa ang namimilantik na mga daliri sa'kin habang maarting nakasapo sa kanyang sentido. "Kung ano lang ang may vijayjay naku matagal ng warak 'yon." Bigla akong napatakip sa tenga ko dahil sa mga teminong kanyang ginagamit. Hindi ko kayang pakinggan ang gan'ong mga bagay. "Moderno man ang panahon ngunit hindi ko nais na makisabay sa panahon." "Kapag ikaw talaga ang kausap ko dinudugo ang ilong ko sa lalim mong managalog." Pagtataray niya at nameywang sa aking harapan. "Hahanap na lamang ako ng ibang solusyon, hindi ko maaatim na ibigay ang puri ko sa isang estranghero." Dahil sa sinabi ko ay napapalatak siya at tila hindi na alam ang gagawin sa'kin. Mariin akong napapikit habang paulit ulit sa isip ko ang halos wala ng saplot na pagsasayaw ko sa harap ng mga kalalakihan. Napaantada ako at nagsign of a cross dahil sa kasalanang ginawa ko. Patawarin niyo po ako Panginoon. "Hindi siya estranghero, my gosh, si Fifth Castillion ang gustong maikama ka at handa siyang magbigay ng dalawang milyon para sa'kin. Napakaswerte mo, in fact kayang kaya niyang kunin lahat ng babaeng gusto niya na hindi manlang siya pinagpapawisan." Patuloy siya sa pagsermon at ang tanging ginawa ko ay pakinggan ang mga iyon. Naiiyak na ako sa sitwasyon ko. Ito ang unang pagkakataon na umapak ako sa ganitong uri ng lugar at pakiramdam ko ay isa ako sa pinakamakasalanang tao na nabubuhay sa mundo. At hindi ko nais ang gan'ong pakiramdam. Kung hindi lang ako nangangailangan ng malaking halaga ay hinding hindi papasok sa isipan ko ang umapak dito. Pinahid ko ang mga luhang tuluyang kumawala sa aking mga mata. Bago magsimula kanina ay walang humpay rin ang aking pag-iyak at gan'on rin ngayon. "Kahit sinong lalaki ay hindi ko kakayanin na makipagsiping." Humihikbing sagot ko. "Tatagan mo loob mo dahil ito lang ang pinakamadaling paraan para malutas ang mga problema mo." Hindi ako nakakibo. Tama siya, ito lang ang pinakamadaling paraan para kumita ako ng milyon sa isang gabi at para malutas ang mga problema ko. Matapang naman ako kanina pero ngayong nasa sitwasyon na talaga akong ibibigay ang aking puri at makikipagsiping sa lalaking ngayon ko lang nakilala ay umatras ang kalooban ko. "Ngunit kung gagawin ko ito ay hindi na ako muling makababalik sa kumbento." Napahagulhol ako. Siya naman ang hindi nakaimik. Hindi pa man ako nagsisimula sa pagsasayaw kanina ay malaki na ang pagkakasala ko at ayaw ko ng dagdagan pa iyon. Kapag ginawa ko ito ay masisira ang mga pangarap ko. Ang pangarap kong pagsilbihan ang Panginoon, ang pangarap kong maging madre. Kung itong pagsubok na ito ay hindi ko malalampasan na nananatili akong berhin ay wala akong karapatang magsilbi dahil may bahid ng kaimmoralan ang pagkatao ko. Susuwayin ko ang utos ng diyos na hindi makipagsiping sa hindi ko asawa. Sa isiping 'yon ay mas lalo lamang akong naluha. "Kung hindi mo gagawin ano pang silbi ng pansamantala mong paglabas sa kumbento para tulungang madugtungan ang buhay ng ate mo." Seryoso niyang tugon. Siya si Julio o mas gusto niyang tawaging Julia dahil isa siyang binabae. Matalik siyang kaibigan ng aking nakakatandang kapatid at siya rin ang nagbigay ng suhestyon na gawin ko ito dahil malaking pera ang maaari kong makuha sa mamahaling bar na ito. Siya ang manager ng mga mananayaw dito kaya madali akong naipasok. At hindi nga naman kami naghirap na tumawad ng dalawang milyon pero walang kabayaran ang isusugal ko kaya mukhang hindi ko kakayanin. "Hala na't mag-ayos ka na dahil baka mainip si Mr. Castillion, napakayaman ng taong iyon kaya hindi dapat pinaghihintay dahil masama kapag nagalit." Hinila niya ako patayo para humaram sa salimin. Tinanggal niya lahat ng kuloriteng nasa mukha ko dahil nagkalat na iyon dulot ng aking pag-iyak. Mariin akong napakagat labi upang pigilan ang pag-iyak ko. Siguro'y makikiusap nalang ako kay Mr. Castillion na kung maaari ay sa ibang paraan ko na lamang suklian ang dalawang milyong ibibigay niya. Napakalaking halaga n'on at dapat lamang na may karampatang kabayaran maliban na lamang sa aking puri. "Umayos ka, wag mong ipahahalatang galing ka sa pag-iyak at napilitan lang dahil kapag nalaman niyang sapilitan ito ay maaari niyang ipasara ang bar. Naku, kapag nagkataon maraming mawawalan ng trabaho." Tango lamang ang isinagot ko. Pinagmasdan ko ang sarili ko na nakatayo sa harap ng salamin habang suot ang isang puting bisteda na may karaniwang tabas at desinyo pero magandang tingnan. Malinis at kaaya aya sa paningin ko. Malayong malayo sa suot ko kanina habang nagsasayaw. Ipinilig ko ang ulo ko para pansamantalang waksiin sa aking isipan ang ginawa ko kanina. Hindi ko maatim na isipin na talagang ginawa ko ang bagay na iyon. "Tara na." Napipilitan man ay nagpatianod ako ng hilahin niya ako palaban. Laking pasalamat ko na lamang na nahubad ko na ang may mataas na takong na sapatos na suot ko kanina. Ilang ulit akong humugot ng malalim na hininga habang binabaybay namin ang daan palabas sa mga dressing home. Silid iyon ng mga mananayaw dito. Sa dulo ng pasilyo ay naghihintay doon si Mr. Castillion. Nakasandal ito sa pader at nakapamulsa habang humihihit at bumubuga ng usok ng sigarilyo. Malayo pa man ay nanginginig na ang mga tuhod at kamay ko dahil sa katotohanang ang lalaking ito ang pagbibigyan ko ng isang bagay na labis labis kong pinakaiingatan. Kung pisikal na anyo ang pagbabasihan ay masasabing maswerte ako sapagkat napakagwapo niya. Matipuno ang pangangatawan, maganda ang kasuot, humahalimuyak sa pagiging mayaman ang matigas na tindig. Siya iyong tipo ng lalaki na mapapalingon ka ng dalawang beses kapag dumaan sa harap mo. Ngunit sa kabila ng gwapo nitong anyo ay hindi iyon naging dahilan para maging bukal sa loob ko ang makipagsiping sa kanya at ibigay sa kanya ang puri ko. Kahit siguro'y ang pinakagwapo ng nilalang sa buong mundo ang magtangkang kunin iyon ay hindi ako magiging masayang ibigay. Naniniwala kasi akong ang pagbigay ng bagay na iyon ay sa araw ng kasal kasama ang lalaking mahal na mahal ko na siyang aking asawa. "Pasensya na po Mr. Castillion kung napaghintay ka namin." Magalang na tugon ni Julio at bahagya pang yumukod. Napayuko ako ng ngumisi ang lalaki at itinuon sa'kin ang tingin matapos patayin ang sigarilyong hawak kanina. Kung saan niya lamang iyon itinapon ngunit walang nagreklamo. Umayos siya ng pagkakatayo ngunit nasa bulsa pa rin ang mga kamay. Mula sa pwesto namin sa harapan niya ay amoy na amoy ko ang pinaghalong pabango niyang panlalaki at amoy ng sigarilyo. Lihim akong napangiwi, napakabango niya pero hindi ko talaga gusto ang lalaking naninigarilyo. "It's okay." Sagot niya, baritonong baritono ang boses niya at sa tindig ay tila pag-aari ang lahat. Hindi naman ito nagyayabang pero sa presensya palang ay nakakapanliit na. "Lets go." Napako lang ang mga paa ko sa kinatatayuan dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko. Kapag sumama ay maaring mangyari ang kinatatakutan ko. Mariin akong pumikit at mahigpit na humawak sa braso ni Julio ngunit lumayo siya sa'kin at sumenyas na lumapit ako kay Mr. Castillion. "Don't be shy honey." Nakangisi pa rin siya habang sinasabi iyon na may kaakibat na landi ng boses. "Sisiguraduhin kong mawawala 'yang hiya mo kapag nasa kama na tayo." Halos lahat ng santo ay tawagin ko na dahil sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Masyadong madumi para sa'kin ang kanyang mga salita. "Kayo na po ang bahala sa kanya Mr. Castillion." Singit ni Julio at bago ko pa man siya mahabol ay malalaki na ang naging hakbang niya papaalis. Napaigtad ako ng lumapit sa'kin si Mr. Castillion. Nanginginig ang palad ko at tila bibigay na ang tuhod ko dahil sa pangangatog. Nilulukob ako ng takot dahil bukod sa may kasalanan kaming gagawin ay ito ang unang pagkakataon na may lalaking nakalapit sa'kin ng halos dumikit na sa katawan ko. Hidni ako sanay. "Wag kang matakot hindi ako nangangagat." Bulong niya sa harap ng tenga ko. Tulungan niyo po ako. Piping usal ko kahit alam kong wala na akong kawala. "P-Pwede p-po bang mag-usap muna tayo?" Kahit nanginginig ang mga labi ko at nauutal ay sinikap kong sabihin ang mga katagang 'yon. Naikuyom ko ang mga kamao ko n hapitin niya ako papalapit sa kanya at ipinulupot ang mga braso sa maliit kong bewang. "Kahit naman nasa gitna ng pag-ungol at pwede tayong mag-usap." Palandi ng palandi ang boses niya at ang mabango niyang hiningang tumatama sa tenga ko ay nagdudulot sa'kin ng kilabot. "P-Pwede pong wag kayong maglandi?" Tugon ko habang pilit pinapatatag ang loob ko. Narinig ko ang pagtawa niya at pagtikhim ngunit mababakas na pele iyon. "Hindi naman ako naglalandi, ganito talaga ako. Sa kama ko lang ipinapakita ang kalandian na meron ako." Kung hindi pa paglalandi ang ginagawa niya ano pa kaya kapag ipinakita na niya ang sinasabi niyang landi. "G-Gusto ko po muna kayong makausap." Tugon ko. Kulang nalang ay tumili ako ng halikan niya ang noo ko at hinila ako papalabas ng lugar. Nagsisimula na namang mag-init ang sulok ng mga mata ko dahil sa nagbabadyang luha pero sinikap kong hindi iyon pakawalan. Baka kung saan niya ako dalhin at sa laki niyang tao wala akong laban kahit na magpumiglas ako. Nakarating kami sa parking lot at hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng kotseng tinapatan namin. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagarang kotse sa tanang buhay ko lalo at laki lamang kami sa hirap. "Ladies first." Tugon niya ng pagbuksan ako ng pinto ng kotse. Alanganin pa akong sumakay dahil sa kintab nito. Kulay yellow iyon at masasabi kong hindi ordinaryong klase ng sasakyan. Pumasok ako at sinalubong ako ng panlalaki niyang pabangon. Agad akong umupo habang siya at sa driver's seat. Mas lalong nanuot aa ilong ko ang napakabango niyang amoy ng pumasok siya. "Takot ka pa rin?" Bakas ang pagkamangha sa boses niya habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mga pulang labi. Hindi ako nakasagot at itinuon na lamang ang atensyon sa mga daliri ko na hindi pa rin nawawala ang panginginig. Nanlalamig ako dahil sa presensya ng lalaking hindi ako sanay. Sa buong buhay ko puro pag-aaral lang ang inatupag ko at ng tumuntong ako ng kolehiyo ay sa kumbento na ako nag-aral para napaghandaan ang pagmamadre ko kaya hindi ako sanay na may lalaking nasa paligid ko. Sa lugar na kinalakihan ko ay hindi normala ng makipaglapit sa mga lalaki. Bawal ang hindi pino at tamang pagkilos. At lahat ng mga bawal ay ginagawa ko na ngayon kahit hindi ko gusto. May malaki akong dahilan ngunit hindi iyon sapat para baliin ko ang mga prinsipyo ko sa buhay. "Anong pangalan mo, honey?" May paglalaro sa kislap ng mga mata niya dahilan para mas lalo akong panginigan ng laman. Honey? Iyon ba ang normal na pagtawag niya sa mga kababaihan? "W-Wag mo akong tawaging honey hindi iyon ang pangalan ko." Mas lalong lumapad ang ngisi niya. "So anong pangalan mo? Ayoko namang hanggang sa makarating tayo sa kama ay hindi ko alam ang pangalan mo." Panaka naka ang kanyang pagsulyap sa'kin habang patuloy sa pagmamaneho. "A-Antoinette pero pwede mo akong tawaging Sister Nette." Hindi ko alam kung may mali ba sa sinabi ko dahil nanlaki ang mga mata niya at bigla nalang inapakan ang preno dahilan para muntikan akong mapasubsob. "s**t!" Mabilis kong tinakpan ang mga tenga ko dahil sa paulit ulit niyang pagmumura. "M-May problema ba?" Bakas ang iritasyong bumaling siya sa'kin. "Bakit Sister Nette ang itatawag ko sa'yo?" Para siyang nakakita ng multo basi sa pamumutla at panlalaki ng magagandnag mga mata. Nagtataka akong sumagot. "Sister Nette, madre ako." Pagmamalaki ko dahil sa lahat ng nangyari sa buhay ko ay iyon ang nag-iisa kong ipinagmamalaki. Hindi pa man ako ganap na madre pero sigurado akong matutupad ko ang pangarap kong iyon. Ilang taon pa ang titiisin ko pero masaya naman ako. "Putanginang libog 'to." Sigaw niya kaya ako naman ang nabigla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD