Nette POV PAGPASOK KO SA silid ni Ate Tam ay tanging si Julio lamang ang aking nadatnan. Inilapag ko ang mga dala kong prutas at mga pagkain. "Oy dami naman niyan." Pansin sa'kin niya Julio, ngumiti ako at lumapit sa kanya. "Nasaan po si Ate Tam?" Inayos niya ang mga gamit niyang pangmake up. "Nagwalk out ang bruha pero nandiyan lang 'yan nagpapahangin." Tumango ako bago inayos ang higaan ni ate. Isinalansan kong mabuti ang mga libro sa maliit na mesa at iba pa niyang gamit. "Ang dami niyang dala mo nakajackpot ka na naman ba?" Nakatingin siya sa mga dala ko kaya alam ko na ang tumatakbo sa kanyang isipan ngunit hindi ko iyon pinagtuonan ng pansin. "Medyo nakaswerte lang po." Masama ang magsinungaling at sa isang tulad ko ay siguradong kakainin ako ng aking konsensya ngunit hindi d