Chapter 22 Gabriel Isang araw akong hindi pumasok sa opisina dahil may pinuntahan kami ni Liam. Pumunta kami sa San Agustin, tiningnan namin ang lugar na binibinta na puwedeng pagpatayuan ng hotel at real state namin nila Liam at Lance. Nagkasundo kami na magkasosyo sa negosyo, kaya binisita namin ang lupa rito sa San Agustin. Maganda ang lugar at puwede pagtayuan ng pabahay, hospital at paaralan. Nang mamatay ang girlfriend ni Lance ay wala itong ginawa kundi ang maglasing. Tinulungan na lang ito ni Liam na umayos ang buhay niya at tanggapin ang lahat. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Lance, dahil ang totoo ay ganiyan rin ako nang akalain kong namatay ang asawa ko. But speaking of my asawa I miss her so much. Isang araw ko pa lang ito na hindi nakikita ay nami-miss ko na agad i