Chapter 19 Gabriel Pagkatapos naming kumain nila Claris at Miss Belmonte ay pinauna ko na silang pinabalik sa opisina, nag-ikot muna ako sa mall. Gusto kong i-check ang mga items kung may dapat na idagdag o ibawas lalo na sa Queen Botique. Habang nag-iikot ako ay nasalubong ko si Crystal; ang kaibigan ni Allysa. "Mr. Moore!" alanganin niyang tawag sa akin. "Oh, Crystal! Kumusta na!?" nakangiti kong bati sa kaniya. "Heto, okay lang. May gusto akong bilhin, ‘yong design ni Miss Areana. Baka kasi mayroon kayo rito para hindi na ako mag-order sa ibang bansa.” “Marami sa Queen Botique. Gusto mo samahan na kita," alok ko sa kanya. Natuwa naman ito sa alok ko. "Talaga?” “Oo, naman! Hali ka at pupunta din ako roon," nakangiti kong yaya sa kaniya at naglakad na kami. "Kumusta na pala an