Chapter 17 Areana "Aahh! Ang sakit ng ulo ko." Nakapikit ako at nakahawak sa aking ulo. Ang bigat kasi ng pakiramdam ko. Sinikap kong imulat ang aking mga mata ko pero nanibago ako sa silid na kinaroroonan ko. Kinapa ko ang aking cellphone at tiningnan. s**t! Pasado alas otso na ng gabi. Tiningnan ko ang aking sarali at mayroong nakatakip na comforter sa katawan ko. Sinilip ko ang loob at nakaroba pa rin ako. Bumalikwas ako ng bangon kahit na ang bigat ng pakiramdam ko. Lumabas ako ng silid at naalala ko na umuwi pala ako sa unit na tinutuluyan namin ni Claris dito sa Holand at nalasing ako sa ininom ko kagabi. 'Yon lang ang naalala ko at hindi ko na maalala ang mga sumunod na nangyari. Nagtungo ako sa kusina dahil may naamoy akong masarap na ulam. Parang nilagang baka. Naabutan ko si