Chapter 12 Gabriel After 2 Months Nasa office ako noon at pinatawag ko si Miss Areana. Mamayang gabi na ang celebration ni Gabby, pero hindi ko pa rin nakikita ang gown ng anak ko. Ang gown ng mga kambal ay nariyan na at nakita na nila dahil dinala na ito ni Miss Areana, kahapon sa office. Sabi kasi niya tinulungan siya ni Miss Llanes na matapos agad ang gown ng dalawang kambal. Subalit ang gown ni Gabby ay may ipinadagdag pa raw siya kay Miss Llanes. Gusto ko na nga sibakin ang Miss Llanes na iyon dahil mas gusto pa raw niya gumawa sa isang lugar na tahimik kaysa sa opisina. Daig pa yata ng babaeng iyon si Miss Areana, dalawang buwan mula ng pumunta siya rito sa Holand ay hindi ko pa nakikita ang pagmumukha ng babaeng iyon. Pasalamat siya kay Miss Areana dahil napapakiusapan pa ako