"Istorbo!" sigaw ni Jackson. Kinuha ko ang suot kong roba at isinuot ko 'yon, saka ako lumapit sa kanya. "Istorbo ba 'ko?" narinig kong sambit ng isang baritonong boses. "Why are you here?" tanong ni Jackson. "I just want to surprise you, masama ba, ha?" gagad nito. "TSsk! Ba't hindi ka na lang naghintay sa baba o sa kuwarto ko at talagang dito ka pa talaga napadpad sa kuwarto ng jowa ko," gagad ni Jackson kausap. "Napadaan lang ako rito, para sabihing kumustahin mo rin sina Ate Jaida dahil namimis ka na nila. Hindi ka raw kasi tumatawag. Iyon lang. At sorry dahil naistorbo ko, kayo ng jowa," narinig kong saad nito, kaya kapatid siguro ito ni Jackson. Iyong lalaking pinuntahan namin sa building, noong nakaraang dalawang linggo. " Okay. I'll call them kung nagkaoras ako. At ka