"Tatay!" pagtawag ni Jasmine sa kanyang ama. Hindi siya maka paniwalang buhay pa ang kayang ama. Kaytagal niyang pinangarap na magkaroon ng ama. Lagi din siyang naiinggit noon sa mga kalaro niya na may mga tatay. Wala man lang siyang matawag na tatay kapag may umaaway sa kanya noon, dahil ang buong akala niya ay patay na ang kanyang ama. "Jasmine, Anak!" patawarin mo ako anak, dahil naging duwag ako noon na ipaglaban ang Nanay mo. Kung hindi sana ako naging sunod-sunuran sa asawa ko, baka hindi kayo naghirap ng Nanay mo. Hindi sana tayo nagka hiwa-hiwalay." puno ng pananabik na niyakap ni James ang kanyang anak. Napakatagal na niya itong pina pangarap na makita at mayakap. Magmula ng ipagtapat sa kanya ni Natasha ang lahat, bago ito tuloyang nagpaalam sa mundo. Mahigit dalawang taon din