Kagaya ng nakagawian. Maagang nagising si Jasmine upang maghanda sa kanyang pagpasok. Unang binuksan ni Jasmine ang kanyang cellphone, upang tingnan kong may message na sa kanya si Dylan. Napangiti pa si Jasmine, dahil mayroon na ngang message na pumasok sa kanyang phone. Agad na binasa ni Jasmine ang message ni Dylan, napangiti pa ang dalaga nang mabasa na nito ang laman ng mensahe ng kasintahan. Paglabas ni Jasmine sa kanyang Boarding house ay agad niyang nakita si Dylan na nakatayo sa labas ng kanilang Gate. May hawak pa itong bulaklak, habang malawak ang pagkakangiti. Masayang lumapit si Jasmine kay Dylan. Agad naman iniabot sa kanya ni Dylan ang bulaklak na dala niya, saka niya niyakap ng mahigpit si Jasmine. Agad din niyang isinakay ang dalaga at nang maka sakay na sila ay agad