Mabilis na pinatakbo ni Luke ang kanyang sasakyan upang puntahan si Dylan sa Hospital na sinabi nito. Kinakabahan din siya sa kanyang nalaman at naaawa din siya sa kanyang kaibigan. Nadatnan niya si Dylan na naka tayo sa harapan ng isang hospital habang hindi mapakali. Agad naman na sumakay si Dylan sa kotse ni Luke, nang tumigil ito sa harapan niya at nasa mukha din niya ang pagka balisa. "Anong balita kay Jasmine?" agad na tanong ni Luke sa kaibigan, nag-aalala din siya kay Jasmine at gusto niyang malaman kung ano ang lagay nito. "Walang record ang hospital na ito kay Jasmine, Dude. Sa kabika tayo pumunta, baka sakaling doon siya dinala ng tumulong sa kanya." sagot ni Dylan sa kaibigan. Puno pa rin ng takot ang kanyang puso at hindi malaman ang kanyang gagawin. "Ano ba kasing nang