MEG "Ma'am magandang umaga," bati ni Clara ng lumabas ako ng silid. Medyo tinanghali na kasi ako, nauna na si Gray lumabas at nakapag-handa na ito para pumasok sa opisina ng lumabas ko ng silid. "Pinagod ka ni sir kagabi ano?" mapanukso at pabulong na tanong ni Clara na inirapan ko. Nakangiti pa ito na alam kong hindi na naman maganda ang tabas ng dila ng makitang hinalikan ako ng mapusok ni Gray sa labi bago ito lumabas sa pintuan. Tsimusa pa naman ang isang ito, kung anu-ano na lang ang tinatanong. Ang hirap kasama ni Clara dahil konting kibot ay siguradong hindi makakaligtas sa matalas na pang-amoy nito. "Grabe, kinaya mo na agad ma'am. Ang laki ni Sir Gray, tapos kalalabas mo lang sa ospital," madaldal na sabi agad nito ng isara ko ang pinto. "Manahimik ka ba o gusto mong pauw