MEG Kumukulo ang dugo ko sa mga kasinungalingan na sinabi ni Brenda. Napakasinungaling talaga ng babaeng ito at maraming gawa-gawang kwento. Inagaw ko raw sa kan'ya si Marvin at pinilit pakasalan kapalit ng pera, gayong silang dalawa itong nangloko sa akin. Pinatunayan lang talaga ni Brenda ang kasabihan na ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw dahil ganito ang character na nakikita ko sa kan'ya ngayon. "Bweno, hindi ako magtatagal pa. May iba na naka-appointment sa akin para sa home service ko kaya maiwan ko na kayo tutal, mukha naman kayong hindi naniniwala. Isa lang sasabihin ko, isa sa mga taong nasa paligid mo ang nagbabalak sa'yo ng masama." "Excuse me, anong ibig mong sabihin? Meaning ako iyon, since tatlo lang tayo dito?" mataray na nandidilat ang mga mata na akusa ko ka