MEG Lumipas ang dalawang araw na tuliro ako pero hindi ko ito pinahalata kay Gray. Malimit ay nakasunod ang mga mata nito sa akin at pinag-a-aralan ang kilos ko. Akala niya ay may hindi ako magandang nararamdaman at inilihim ko ito sa kan'ya. "Ma'am Celina, kanina pa po nag-riring ang cellphone mo," sabi ni Clara na inabot ito sa akin. Mabuti na lang at binigay ko ito sa kan'ya kahapon bago umuwi si Gray. Dahil sa sinabi ni Liwanag ay naging paranoid yata ako at konting kibot ay nagkaroon ako ng takot. "Hello," agad na sabi ko ng sagutin ang cellphone ko. "Hello ma'am, ako po si Mikay. Kung naaalala mo po, ibinigay mo ang calling card mo sa amin ng kaibigan ko na si Safara sa restaurant, three days ago po," paliwanag nito. Yeah I do remember them both, sila ang dalawang kasabwat ko