CHAPTER TWO
---
"That's not true, Tanya!" Si mama kasunod ng butil ng luhang naglaglagan mula sa mga mata nito. Tiningnan ko si Mico humihingi ng saklolong maipaliwanag ko ang lahat ng ito sa mga magulang ko.
"Anak naman! Hindi ba sabi ko sayo mag-iingat kayo--- na kailangan alamin niyo kahahantungan ng maling actions niyo!" Napahagulhol ako sa balikat nito sa sulok ng mga mata ko kitang-kita ko si papa--- nanatiling nakatayo sa tabi ng pinto ng silid ko.
"Wala na tayong magagawa nandiyan na 'yan, Tessa!" narinig kong sinabi ni papa. Kumuwala ako kay mama naghihintay sa iba pang sasabihin nito.
"Pero Samuel--- mga bata pa sila kailangan pa nila mag-aral."
"Ma! Magtatapos pa rin ako magtatapos pa rin kami ni Mico." Ningon ko si Mico habang tahimik lang ito sa isang sulok.
"Anong balak mo, Mico?" tanong ni mama. Pinagmasdan ko ito naghihintay ng isasagot nito kay mama.
"She need to marry, Tanya!" maawtoridad na sabi ni papa.
"Pero, Tito?" si Mico alam kong labag sa loob nito ang gustong mangyari ni papa.
"Kailangan namin makausap ang parents mo sa lalong madaling panahon you need to get married or else parehong malalagay sa kahihiyan ang pamilya niyo maging ang pamilya namin!"
"Pero, Pa!"
"It is final Tanya! Magpahinga na kayo!"
Tumayo si mama muli kong hinawakan ang kamay nito natatakot ako sa posibleng muling gawin sa'kin ni Mico.
"And one more thing h'wag na wag mong sasaktan ang anak ko!" banta ni papa rito. Tuluyang lumabas ang mga ito ng silid ko. Napasuntok si Mico sa sofa bahagya akong nakaramdam ng kaba sa galit na nakikita ko sa mga mata nito.
"Nakita mo na kong ano ginawa mo, Tanya? Nilagay mo sa alanganin ang pamilya natin because you're selfish sarili mo lang ang iniisip mo!" bulyaw nito sa'kin nang masiguradong wala na si mama at papa.
"Sa tingin mo ba mapipilit ako ng tatay mong magpakasal sayo, huh!"
Hinawakan ako ng mahigpit nito sa braso ko.
"Nasasaktan ako!"
"Hindi lang yan ang mangyayari sayo kong ipagpipilitan niyo gusto niyong magpakasal tayo!"
"What wrong about that idea Mico? Napag-usapan na rin naman natin 'diba? Darating rin tayo sa point na 'to!"
"But not now, Tanya! Marami pa akong pangarap."
"At ako ba wala? Ako ba walang pangarap? Mico, kung sa tingin mo sira na ang pangarap mo dahil sa anak natin mas sira ang pangarap ko dahil ako ang magdadala sa kanya!"
"Kahit ano pa sabihin mo hindi ko matatanggap na maagang maging ama at maikasal sayo!"
"Mico!"
Nahiga ito sa kama kasabay ng pagtalukbong ng unan sa teynga nito. Ilang minuto pa bago ako nagpasyang tumayo para ayusin ang sarili--- ayaw kong maramdaman ni mama at papa na labag sa kalooban ni Mico ang lahat ng maaaring mangyari.
Kinabukasan maaga akong nagising para pumasok sa university wala na si Mico mas maaga pala itong nagising sakin. Tiningnan ko bedside table ko wala man lang itong notes na iniwan tulad ng dati pag maaga itong umaalis ng bahay.
"Senyorita?!"
"Yaya!"
"Pinaghanda ka ng makakain ng mama mo."
"Yaya, si Mico?"
"Maaga siyang umalis, Anak."
"Kumain ba siya, Yaya?"
"Nagmamadali si Sir Mico, Tanya." Hindi na ako tumugon tumayo ako para tingnan ang hinanda ni mama fresh milk prutas oatmeal ang hinanda nito.
"Salamat po."
"Kumain ka na para healthy kayo ng anak mo."
"Alam niyo na po?"
"Sinabi sa'min ng mommy mo alam mo naman 'yon walang tinatago. Atually anak marami siyang pinapahandang pagkain para sa pamilya ni Mico mamaya."
"Po?"
"Nabanggit ng mama mo na kailangan magtipon ang pamilya ni Mico rito para pag-usapan ang pagpapakasal niyo." Hindi na ako nabigla sa kwento ni yaya alam kong hindi ko mapipigilan ang parents ko sa gustong mangyari ng mga ito ang mabigyang pangalan ang anak namin ni Mico.
"Maiwan na kita ubusin mo yan ha."
"Opo, Yaya! Salamat po."
pagtalikod ni yaya agad kong hinagilap ang cellphone ko para tawagan si Mico pero tulad ng inaasahan ko nakapatay ang phone nito. Tumayo ako para mag-ayos ng sarili kailangan kong puntahan si Mico.
MICO POV
Nasa central kami ng university kasama ang mga kaibigan ko we doing video call sa prinsesa ng barkada kay Faye dahil sa Italya na ito nakatira.
"Faye, ha don't forget pag nagshopping ka size eight ha." tudyo ko dito--- tawa nang tawa ang magandang kababata niya sa screen ng laptop niya nagtawanan ang lahat.
"Ikaw pa rin talaga si Mico you're still buraot." Mas lalong lumakas ang tawanan sa sinabi ni Faye.
"Umuwi ka na kasi Faye wala na kaming bangko dito." si Dred.
"Ganyan na ganyan kayo," aniya ni Faye natatawa.
"No, faye! Seriously speaking we miss you," seryoso kong sinabi dito. Tumahimik ang tatlo tiningnan ko sila isa-isa nagtatanong napalingon ako sa tinitingnan nila si Tanya.
"May dumaan bang anghel diyan, Guys?" narinig kong tanong ni Faye--- sinirado ko ang laptop ko without saying goodbye kay Faye. Nagpaalam ang mga kaibigan ko sa'kin ganoon rin kay Tanya.
"What are you doing here?"
"Breakfast mo." Abot nito sa'kin ng isang eggpie at chocolate drink from fastfood chain.
"Sabi ko anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat na sa inyo ka taking rest."
"Paano ako makakapagpahinga kong ang isip ko na sayo kung ano ba nangyayari sa'tin, Mico?"
"Why don't ask yourself? Pumasok ka sa sitwasyong hindi natin alam kong magagampanan natin Tanya!"
"Mico, magagampanan natin 'to ikaw lang nag-iisip na hindi, ikaw lang nag-iisip na mahihirapan ka."
"We are young, Tanya!"
"Alam ko, alam ko 'yon! Alam ko hindi ka handa kasi may mga bagay kang gusto gawin kabilang na ang makipag-usap kay Faye knowing na mag-aasawa ka na!"
"Asawa? Narinig mo ba ang sinasabi mo, Tanya? Hindi ako magpapakasal sayo!"
"Wala ka ng magagawa Mico dahil sa ayaw at sa gusto mo kakausapin na ng magulang ko ang magulang mo and I know hindi mo masusuway si tito and tita."
Malakas kong nasipa ang plastic bottle sa paanan ko sabay pinakawalan ang mura sa sitwasyong nangyayari sa'min ni Tanya.
"See you later my dear husband-to -be!"
aniya ng dalaga--- lalong sumidhi ang nararamdaman kong sama ng loob sa mga ito lalo na sa pamilyang nagpupumilit na ikasal kaming dalawa na alam ko malakas ang kutob kong sasang-ayunan lang ni mommy at daddy. Muli kong binalikan si Faye wala na ito naglog-out na sa skype ang kaibigan ko nanginginig ang mga kamay na napasabunot ako sa sarili kong mga buhok habang sinusundan ng tingin si Tanya.
---