PROLOGUE
NO BOYFRIEND SINCE BIRTH for a thirty-years old?
Hindi maiwasang magpanic ni Georgia nang sumapit ang kanyang ika 30th birthday. She realized that she had been left behind dahil sa paniniwalang ang lalaki ay kusang dumarating at hindi hinahanap.
Baka mapabilang siya sa lahi nilang matatandang dalaga. Nang araw din mismo ng kanyang kaarawan ay lumabas siya ng bahay. Hinanap niya ang kanyang kapalaran.
And she found her happiness.
She gave her virginity to stranger.
Isinuko niya ang lahat. Isa lang ang alam niya. Masaya siya ng gabing iyon at dahil iyon kay David. He was the reason for her to be complete.
What she didn’t know was David bringing chaos to her life.
CHAPTER ONE
Naghuhumiyaw na ang isip ni Georgia. Gusto niya ng magwala. Paano naman kasi trenta na siya sa susunod na linggo. Malapit na siyang mawala sa kalendaryo. Mukhang susunod siya sa mga yapak ng mga tiyahin.
Ayaw niyang maging matandang dalaga tulad ng mga ito. Hindi siya makakapayag.
"Makakapag asawa pa ako!!" sigaw ni Georgia sa isip. Trenta sa siya sa susunod na linggo, malapit na siyang mawala sa kalendaryo kaya naman naghihisterikal na siya. Mukhang magkakatotoo ang mga sinasabi ng mga tsismosa nilang kapitbahay na akala mo ay nababasa ang kalaparan niya. Kung noon ay hindi siya naniniwala ngayon ay parang nakukumbinsi na siya.
Kulang nalang maiyak siya sa sitwasyon niya ngayon. Kung bakit ba kasi naging kampante siya sa sinasabi ng mga tiyahin niya na ang lalaki ang dumarating at hindi hinahahanap at siya naman si gaga namuti na ang mata sa kahihintay. Ngayon niya napagtanto na choice ng mga tiyahing ang buhay na pinili at siya ay ganoon din. Choice niyang magkaroon ng sariling pamilya o kahit anak nalang. Napabuntong hininga siya.
Kasalanan niya ba kung hindi sya naaakit sa mga lalaki?
Kasalanan niya ba kung ang mga nanliligaw sa kanya ay hindi nya gusto?
Siguro ngayon wala na siyang karapatan pang magreklamo dahil matanda na siya. Iyon yata ang katotohanan.
IT’S HER birthday again. Turning thirty pero tila binagsakan ng langit at lupa ang maganda niyang mukha. Nakatanghod lang siya sa mga tiyahing na kumakain ng handa niya. Nagtatawanan ang mga ito kasama ang mga kapitbahay nilang matatanda na rin. Ang mga team gurang. Nakakadepressed panoorin dahil pakiramdam niya kabilang na sa siya sa mga ito. Paano ba naman kasi kahit kaedad niya ay wala siyang bisita dagdagan pa na ang mga kaedad niya ay may mga kanya-kanyang asawa at busy sa kani-kanilang pamilya.
Ngayon niya lang naisip na napakaboring pala ng buhay niya. Bahay at trabaho ang routine niya. Nakakasawa na kung minsan pero ngayon niya talaga naramdaman ang pressure na napag-iiwanan. Napatingin si Georgia sa malaking cake na binili ng mga tiyahin niya. Naka-display ang pangalan niyang Georgia at katabi nun ay ang kanyang edad. Ang numerong 30! Ang sarap magwala- hindi niya lubos maisip kung bakit umabot siya sa edad na ito at hanggang ngayon ay NO BOYFRIEND SINCE BIRTH ang peg niya. As in never been touch and never been kiss.
“Magpabuntis nalang kaya ako?” desperado niyang tanong sa isip. Kung may anak nga naman siya hindi niya mararanasang mag-isa. Ano nalang ang mangyayari sa kanya kapag nawala na ang mga tiyahing niya? Mag-isa nalang siya buhay. Ang saklap naman yata. Magiging malungkot siya habang buhay.
Napabuntong-hininga siya. Desperado na nga siya
Hindi ba dapat lalaki muna ang isipin niya bago ang anak? Bigla ay nahiling ni Georgia na sana hindi lang anak ang matagpuan niya. Sana buy one take one na. Isang lalaki na mamahalin siya at alalagaan. Higit sa lahat bibigyan siya ng anak.
Nang mamatay ang mama niya ay iniwan siya nito sa mga kapatid na sina Tita Susan, Tita Claudia at Tita Carmen. Kapwa walang mga asawa ang mga ito. Wala siyang kinilalang ama dahil nabuntis lamang ang ina niya ng lalaking may asawa. Maganda naman ang buhay nila. May sarili silang patahian sa Sta. Rosa Laguna at siya mismo ang namamahala. Nang dahil sa patahian nila ay nabubuhay sila ng maayos at nabibili ang bawat naisin. Bukod doon ay may sarili din silang Botique. Mga gown at barong ang kanilang binebenta. The Georgia’s Botique. Sarili nilang gawa ang mga paninda nila.
Naging kontento siya sa mahabang panahon. Ang problema lang ay nakalimutan niyang napag-iwanan na siya ng panahon. Hindi niya namamalayan na tumatanda na siya.
Sa inis ni Georgia ay padabog siyang pumasok sa sariling silid. Pabagsak siyang umupo sa kanyang kama at muling nag-isip.
“Kailangan magkaroon na siya ng asawa sa taon na ito!” pagkakausap ni Georgia sa sarili niya. Para na siyang nababaliw na sa labis napag-iisip. Sumasakit na ang ulo niya sa labis na pag-iisip. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tinungo ang sariling closet. Halos nag-uumapaw na ang mga laman ng aparador niya. Ang masakit hindi niya naman nagagamit ang mga iyon. Paano ba naman kasi wala na siyang oras para sa sarili. Kung ano lang ang madampot niya sa loob ng cabinet niya. Kung hindi mahabang palda ang suot niya at maluwag na pantalon. Nahawa na yata siya sa mga tiyahing niya na makaluma. Manang na kumbaga.
Lihim siyang napangiti. Lumabas ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin. Tila siya batang may naisip laro.
Lalabas siya mamayang gabi. Doon sa lugar kung saan ay marami siyang makikilala. Sa lugar na maraming lalaki. Kung saan ay maikakatuparan niya ang mga gusto. Aanhin niya pa ang pagiging dalagang Pilipina kung magiging mag-isa naman siya. Walang mangyayari sa kanya kung ibuburo niya ang sarili sa bahay. Ngayon ay naniniwala na siya sa kasabihang follow what you love and it will take you where you want to go. Hibang na nga yata siya. Dasal niya lang sana ay matagpuan niya ang lalaking mamahalin siya at mamahalin niya.
Walang ginawa si Georgia maghapon kundi ang manuod ng mga tutorial sa youtube. Kung paano ang tamang paglalagay ng make-up at kung anu-ano pang kaartehan sa mukha. She wants to be perfect. Nilabas niya rin ang mga make up na halos hindi niya pa nabubuksan. Ang iba nga ay expired na. Ginugol niya ang oras na natitira sa pag-papaganda.
Napatingin kay Georgia ang mga tiyahing niya nang makita siyang bihis na bihis. Nanlalaki pa ang mga mata nito habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa. Gusto niya na tuloy magback-out sa paraan ng mga titig ng mga ito.
She smirked and rolled her eyes. She already expected their reaction. Nanonood ang mga ito ng The Legal Wife. Ayon pa sa mga ito iyon daw dapat ang panoorin niya para malaman niya kung ano ang buhay may asawa. Lahat ay pare-pareho lang. Lahat ay manloloko. Magagaya lang daw siya kay Monica, ang tinutukoy ng mga ito ay ang bidang babae na niloko ng asawa. Ganoon ka-bitter ang mga aunties niya. Basta kapag usapan lalaki lahat ng negatibo ay maririnig mo.
“At saan ka pupunta aber?” tanong sa kanya ng Tita Susan. Panganay ito sa magkakapatid. Nanlalaki rin ang mga mata nito.
“Gigimik po ako. Gusto ko lang mag-celebrate.” Sagot niyang nakangiti.
“Sa ganitong oras?” sagot ng Tita Claudia niya. Napakamot siya sa ulo dahil sa tanong nito. Umupo siya sa sofa at inayos ang bagong biling stiletto. Dasal niya lang na sana ang madala niya ng maayos ang suot. Ang huling suot niya ng stiletto ay ng kasal ng pinsan niya.
“Wala naman pong gimikan na umaga Tita, saka po mag-iingat naman ako.” Sagot niya pa. Tiyak na hindi agad siya makakaalis dahil sa mga pag-uusisa ng mga ito at kung mamalasin pa ay baka hindi siya payagan.
“At saka bakit ganyan ang ayos mo? Kulang nalang ay lumuwa yang s**o mo!” dagdag pa ng Tita Claudia. Tiningnan niya ang sarili. Tama naman ito dahil sinadya niya talagang magsuot ng medyo nakalabas ang cleavage. Isa iyon sa napanood niya sa youtube. How to be attracted to men? Mabuti nalang at hindi nakikisawsaw ang isa niyang tiyahing na tutok na tutok ang mga mata sa palabas at panay ang nguya ng chips.
“Magpalit ka ng tshirt at magpantalon ka. Ang iksi ng damit mong yang kulang nalang ay magpanty ka!” wika ng Tita Susan kaya napataas ang kilay niya. Ang iba nga kung manamit ay hanggang singit na samantalang natatakpan pa naman ang mapuputi niyang legs.
“Gigimik ako nan aka-tshirt? May makakapansin kaya sa akin?” tanong niya sa sarili.
Hinayaan niya nalang ang mga tiyahin na magsalita ng magsalita. Kung magpapaapekto siya ay baka hindi pa matuloy ang plano niya. Mabuburo na talaga siya. Ngayon na nga lang siya nagkalakas loob na gawin ang mga hindi niya na naman ginagawa. Desperada na talaga siya at wala ng makakapigil pa sa kanya. Nagretouch siya ng kanyang make up sa harapan ng mga ito. Nabibigla man ay walang magawa ang tatlong tiyahin niya.
“Gusto mo ako na ang mag-ayos ng make-up mo?” alok sa kanya ng Tita Carmen na ikinagulat niya. Nagkatinginan ang Tita Susan at Tita Claudia.
“Marunong po kayo? Gulat niyang tanong. “Pero di bale na Tita Carmen. I can manage, baka mamaya magmukhang bangkay ako.” Natatawa niyang sagot.
“Kunsintidor ka talaga!” inis na sabi ni Tita Susan.
“Hindi ako kunsintidor. Kung gusto niyo pa ay samahan ko itong pamangkin natin.” Wika pa ni Tita Carmen. Muntikan niya pang mabitawan ang make up na hawak sa sinabi nito. Kahit hindi pa siya tapos sa pag-aayos ay agad siyang tumayo at nagpaalam. Naloloka na siya sa mga Tita niya. Baka mamaya nga ay sumama pa ang Tita Carmen. Wala naman itong gagawin sa bar. Baka mamaya yayain pa siya nitong magdasal.
ALAS NUWEBE ng gabi na nakarating si Georgia sa naturang bar. May kalayuan din iyon sa bahay nila, mabuti nalang at may sarili siyang sasakyan. Medyo marami ng tao sa rtloob ng Disco Bar naang pumasok siya. Napaubo siya ng malanghap niya ang mga usok ng sigarlyo. Napansin niya rin ang iba na halos ay lasing na. Ang ibang babae naman ay sumasayaw na kalasingan. Kinakabahan siya lugar na pinuntahan pero pinilit niyang alisin ang kaba at tuloy-tuloy na pumasok.
“Kaya ko ba itong ginagawa nila?” tanong niya sa sarili. Halos hindi siya makapasok sa loob ng bar dahil natatamaan siya ng mga sumasayaw. Pakiramdam niya ay pinapauwi na siya.
Naghanap siya ng bakanteng mesa dahil halos lahat ay okupado na. Inikot niya ang paningin sa loob ng bar, nahagip ng mga mata niya ang bakanteng mesa. Agad siyang nag-order ng wine para mawala ang nerbiyos na nararamdaman niya. Pinagmasdan niya ang paligid. Hindi niya nagugustuhan ang mga lalaking nakikita sa loob. Parang mga drug addict ang karamihan. Ang iba naman ay ang papayat at parang walang mga sustansiya sa katawan pero kung makipaghalikan sa ay parang wala lang bukas.
Paano niya magugustuhan ang mga ganoong tao? Parang mga nakawala sa hawla. Napalingon siya sa kabilang table. Napataas ang kanyang kilay nang makita ang isang lalaking payat na may kahalikan. Tiningnan niya ang babae. Maganda ito at mukhang may-edad na rin. Tulad niya ba ay desperado na rin ito kaya kung sino-sino nalang ang pinapatulan niya? Kahit naman trenta na siya ay hindi niya papatulan sa lalaking kahalikan nito. Ibuburo niya nalang ang sarili kung dito lang naman siya mapupunta. Lalo pang napaangat ang kanyang kilay nang humarap sa kanya ang lalaki, bungi pala ito. Ngumiti ito sa kanya sabay kindat. Mukhang type pa yata siya ng kumag. Kulang nalang ay batuhin niya ito ng stiletto niya pero nagtimpi siya. Iniwas niya ang tingin sa mga ito.
Napalingon si Georgia nang may nagsalita sa likuran niya. Natigilan siya. Pinagmasdan niya itong mabuti. The man in her dream was in front of her. Gusto niyang kiligin. Lalo itong nagiging gwapo kapag pagmasdan mo ng mabuti. Tiningnan niya rin ang katawan nito. He was perfect. Even though she couldn’t touch his body, she knew he had a tough abs. It is like a fall from heaven.
Napatunganga siya sa harapan nito na akala mo ay ngayon lang nakakita ng lalaki sa tanang buhay niya.
Hindi niya mabasa ang iniisip nito pero alam niyang natatawa ito sa reaksiyon niya. For the very first time her heart was beating fast. Para siyang teenager na kinikilig sa kanyang crush.
“Hello beautiful.” Pukaw sa kanya ng lalaki. Bigla ay nag-alangan si Georgia. Hindi yata siya bagay sa lalaki. Hindi niya mapigilang kiligin nang muling marinig ang boses nito.
Nabigla tuloy siya at ininom ang wine sa harapan niya.
Naubo siya dahil hindi naman siya sanay uminom ng alak. Gumuhit ang tapang ng alak sa lalamunan niya. Agad na inabutan siya ng lalaki ng panyo. Kahit sa panyo nito ay kinilig siya.
“Are you okay?’ tanong sa kanya. Umupo ito sa bakanteng upuan.
“I’m sorry. Hindi kasi ako sanay uminom.” Namumula ang mukha niyang sagot.
“Would you mind if I join you?” tanong sa kanya ng lalaki.
Sunod-sunod ang naging pagtango niya. Mag-iinarte pa ba siya? Halata naman na attracted siya sa lalaki.
“Can I dance with you?” tanong pa sa kanya ng lalaki. Inabot nito ang kamay sa kanya. Natigilan siya. Namalayan niya nalang ang sarili na tinatanggap na ang kamay nito at sumasabay na sila sa kanta. Lahat ng pangamba ay inalis niya na muna sa isip at pinagbigyan ang sarili.
“By the way I’m David.” Pakilala ng lalaki sa kanya habang bumubulong sa tenga niya. Pakiramdam niya ay nagtayuan ang mga balahibo niya dahil sa hininga nito. Bahagya niya pang naamoy ang hininga nito at aminado siyang tila may binuhay ito sa pagkatao niya. Bigla ay parang gusto niyang halikan si David pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang isipin nito na nagpapakita siya ng motibo. Napatingin siya sa mga labi ni David. It was natural red lips. Kaysarap sigurong mahalikan ng mga labi nito at makulong sa malapad na katawan.
Napailing siya sa naisip. She was attracted to David.
“I’m Georgia.” She whispered.
Hinilig niyang mukha sa dibdib ni David. Pakiramdam niya ay sarili nila ang mundo at tanging ang t***k ng puso lamang nito ang naririnig niya. Ang swerte niya naman yata dahil sa unang gabi niya sa disco bar ay nakilala niya si David. Narinig niya ang abnormal na pagtibok ng puso nito at maging siya ay ganoon din.
“Attracted kaya siya sa akin? Mutual kaya ang feeling namin?” tanong niya sa isip. Umiiral na naman ang pagiging assuming niya. Asa pa siya. Sanay na si David sa ginagawa nito samantalang baguhan lang siya. Kumbaga batikan na si David at siya ay amateur palang. Malay niya ba kung palaging ginagawa ito ni David at nagkataon lang na nakita siya nito.
“I like you Georgia.” Wika ni David sa kanya kaya napatingin siya sa mukha ni David. Hindi yata siya magsasawang pagmasdan si David and yes, she likes David too. She was surprised when David kissed her. Nagulat siya sa ginawa ng lalaki pero hindi niya ito pinigilan. Tinugon niya ang halik ni David. The kissed that they shared became passionate. David hugged him tightly. His hands travelled as well in her body. Gusto niya itong itulak pero nadadala na rin siya. Naging mapusok ang halik ni David sa kanya. She sighed as David touched his breast. Pinigilan niya ang kamay ni David at pinutol ang halik na pinagsaluhan. Mukhang nakakalimutan ni David na nasa loob sila ng bar.
“I’m sorry kung naging aggressive ako.” Hingi ng paumanhin ni David. Nginitian niya ito. Gusto niya rin naman ang nangyayari. Hinawakan niya sa kamay si David pabalik sa mesa niya. She ordered wine. Hindi niya mapigilang kiligin dahil hindi binibitawan ni David ang kanyang kamay. May pagkakataon din na hinahalikan nito ang kamay niya. Pakiramdam niya ay siya ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa. For the first time naranasan niyang maging masaya at iyon ay dahil kay David. Nahiling niya tuloy bigla n asana wala ng bukas. Na sana noon niya pa nakilala si David.