Malayo pa si Georgia ay tanaw niya na ang maraming tao sa labas ng kanilang bahay at may mga patrol car pa. Ang lakas ng t***k ng kanyang puso. Kung anu-ano ang pumapasok sa kanyang isip. Ang unang pumasok agad sa kanyang isipan ay baka may nangyari sa mga tita’s niya. Nang huminto ang kanyang sasakyan sa tapat ng kanilang bahay ay agad na nilapitan siya ng mga kapitabahay. Mabuti nalang talaga at dumaan muna siya sa boutique para maligo at magpalit ng damit. Agad siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo sa loob ng kanilang bahay. Agad niyang hinanap ang tatlo niyang tiyahing. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili kung may nangyaring masama sa kanyang mga tita’s.
“Nandito na pala ang inaanak ninyo Ninang.” Narinig niyang sabi ni Manuel. Inaanak ito ng Tita Susan niya at isa rin itong pulis. Napatingin siya kay Manuel niya. Nagtataka. Sa tantiya niya anasa thirties na rin ito at tulad niya ay wala pa ring asawa.
Napangiwi siya ng bigla siyang kurutin ng Tita Susan sa singit. Ang nakakahiya pa ay nakatingin sa kanila ang lahat ng tao.
“Saan ka ba galing? Alam mo bang kagabi pa ang mga pulis dito? Singit naman ng kanyang Tita Carmen na nanlilisik ang mga mata sag alit. Mukhang hindi pa natutulog ang mga ito. Mabuti nalang at hindi na nakisali ang isang tiyahin niya dahil kung hindi dagdag kahihiyan niya pa.
“Nagpaalam ako sa inyo kagabi diba? Sabi ko pa nga gigimik ako.” Sagot niyang napapakamot sa ulo. Kulang nalang pala ay halughugin nito ang buong Laguna dahil hindi siya nakauwi.
“Pero hindi mo sinabi na uumagahin ka! Akala naming kung ano na ang nangyari sayo diyan sa labas. Alam mo naman sa panahon ngayon marami ng masasamang tao.” Sabat ng Tita Claudia.
“Sa Botique na kasi ako natulog isa pa po ang tanda ko na mga, Tita. Trenta na ako oh! Kaya ko na ang sarili ko kaya wag na kayong mag-alala. Ito na ako, buong-buo na nakauwi.” Katwiran niya pa. Namumula na ang mukha niya dahil pinag-uusapan na sila ng mga kapitbahay.
“Nag-aalala lang sila sayo.” Singit ng Manuel sa usapan kaya tinaasan niya ito ng kilay. Hinarap niya si Manuel. Noon pa man ay inis na siya sa lalaki. Bukod kasi feelingero ito ay ubod pa ng presko. Mabuti sana kung kagwapuhan. Pa-bida ito kumbaga. Tiyak niyang kung hindi dahil sa patrol car nito ay hindi siya mapapahiya ng sobra. To the rescue agad samantalang wala pa naman siyang twenty hours na nawawala.
“Salamat sa paghahanap sa akin. Makakaalis ka’na dahil nandito na ako. Matutulog pa ako.” Nakaangat ang kilay niyang sabi dito. Bago siya tumalikod ay narinig niyang humingi ng paumanhin ang kanyang mga Tita’s sa lalaki.
Papasok na sana siya ng sarling silid ng tawagan siya ni Tita Carmen.
“Umupo ka at mag-usap tayo.” Utos nito kaya natigilan siya. Ito na ang sermon na inaasahan niya.
“Saan ka ba natulog kagabi ha?” kalmado na ang boses nito kaya napanatag siya. Umupo ang tatlo niyang tita’s sa malaking sofa kaharap niya.
“Alas onse palang ay nasa boutique na ako. Inayos ko lang mga sales kaya na-late ako ng gising.” Pagsisinungaling niya. Alangan naman kasing aminin niya na nakipag-one nightstand siya.
“Matanda ka’na Georgia. Siguro naman alam mo na ang tama at mali.” Dagdag pa ng Tita Carmen kaya natigilan siya. Tahimik siyang nagpaalam sa mga ito. Tila nahimasmasan siya sa mga nagawa. Ang ibigay ang sarili sa lalaking hindi niya naman lubusang kilala.
PABAGSAK na humiga siya sa kama. Pagod na pagod ang kanyang katawan. Gusto niyang pagsisihan ang mga nagawa pero wala siyang makapang pagsisisi. Bina-balik-balikan pa rin niya ang mga oras na kasama si David. Parang wala ng bukas ang mga paglalambing nito. Si David ang tipo ng tao na walang sinasayang kapag magkasama. Nahiling niya ay sama nga hindi ito ang huli nilang pagkikita ni David. Ipipikit niya na sana ang mga mata ng biglang may pumasok sa kanyang silid. Ang mga tita’s niya. May dalang kanya-kanyang unan.
“Pwede ba kaming tumabi sayo?” tanong sa kanya ng Tita Susan. Nakangiti ang mga ito. Lumapit siya sa mga ito at niyakap. As usual, nag-iyakan sila.
“Sorry na. Malaki naman na ako. I can take care of myself.” Wika niyang yakap ang mga ito.
“Baby ka pa rin kasi naming.” Sagot ni Tita Carmen.
Inayos niya ang higaan at pumagitna na siya sa tatlong tiyahin. Sabay-sabay silang matulog. Alam niyang mahal na mahal siya ng mga ito at siya ang buhay ng mga ito. Wala naman siyang ginawa kundi suklian din ang pagmamahal ng mga ito. Sa mga ito lang din umiikot ang buhay niya.
************************
BAGSAK ang katawan ni David nang umuwi siya pagkatapos ihatid si Georgia. Nang una ay hindi niya ito pinapansin sa bar. Napansin lang ng mga kaibigan niya na mag-isa lang ang babae kaya inasar siyang lapitan ito.
He’s an architect. Thirty-three years old. Ikakasal na sana siya sa kanya nobyang si Belle nang matuklasan nilang may sakit ito. Nang ma-detect ay stage 4 na agad. Labis niyang dinamdam ang pagkawala ng nobya. Tatlong taon na ang nakakalipas ay hindi pa rin mawala sa isip niya si Belle. Kasama ng pagkawala nito ang buhay niya. Hindi na siya nagseryoso sa buhay. Pati ang trabaho niya ay napabayaan niya. Si Belle ang kanya childhood sweetheart. Nang inampon siya ng ama nito sa edad na sampung ay itinuturing din siyang tunay na anak. Unang kita pa lamang niya noon kay Belle ay agad na siyang nain-love dito. Inamin niya iyon sa Papa Morgan nila. Hindi nagalit ito bagkus ay ito ang naging gabay nila ni Belle upang maging matatag ang kanilang relasyon sa mahabang panahon.
Four years ago
Hindi maalis ang ngiti ni David habang pumipili ng singsing para kay Belle. Kasama niya ang amang si Morgan habang pumipili.
“Hindi ako makapag-decide pa.” natatawang wika ni David sa ama. Si Morgan ang kinilala niyang ama. Napakayaman nito sa larangan ng negosyo. Ito ang idolo niya kaya naging architect siya.
Tinawanan siya ng Papa Morgan niya.
“Kung sinabi mo kasi na magpro-propose ka kay Belle eh di sana wala ka ng problema ngayon. At sa tingin ko naman kahit ano pa ang ibigay mo sa anak ko basta galing sayo ay tatanggapin nun. Ganun ka kamahal ni Belle.” Wika pa ng ama niya.
Napatingin siya sa ama.
“Halika.” Niyaya siya ng ama palabas ng jewelry store.
“Pero pa, hindi pa ako nakakapili.” Pigil niya dito.
“Trust me.” Nakangiting sagot ni Morgan. Wala siyang nagawaa kundi ang sumakay nalang sa sasakyan.
“Saan po tayo?” tanong ni David.
“Sa bahay.” Nakangiting sagot ni Morgan kaya hinayaan niya nalang ito. Malaki ang utang na loob niya sa Papa Morgan niya. Nang maulila siya ay hindi ito nagdalawang-isip na ampunan siya. Dating katiwala ng resthouse nito sa Tagaytay ang mga magulang niya. Agad nitong inasikaso ang papeles niya kaya naging David Morres siya. Legally adopted siya nito. Hindi nagkulang ang kayang Papa Morgan sa kanya. Lahat ay ibinigay nito. Kung gaano nito kamahal si Belle ay ganoon din sa kanya. Kahit nang aminin niya dito na mahal niya si Belle ay hindi ito tumutol. Sinuportahan siya nito.
“Salamat pa sa lahat.” Wika niya sa ama. “Hindi mo ako pinabayaan kahit hindi mo ako tunay na anak.” Dagdag niya pa.
“Lahat ibibigay ko sa inyo ni Belle. Mahal ko kayo at hindi ako magiging hadlang sa pagmamahalan ninyo.” Sagot sa kanya ng Papa Morgan. Mahina na rin ito dahil diabetic ito. “Kayo lang ni Belle ang naging buhay ko. Sa inyo ko lang pinaikot ang buhay ko at naiintindihan ko ang pagmamahal mo kay Belle. Nagmahal din ako dati. It was infidelity love.” Pag-amin sa kanya ng ama kaya napatingin siya dito. Ngayon lang ito nagkwento tungkol sa buhay nito.
“Ano pong ibig niyong sabihin?” tanong niya.
“Ang akala ni Belle ay tunay niyang mama si Sonia.” Dagdag pa nito. Ang tinutukoy nito ay ang dating asawa na matagal ng patay. “Hindi ko pa rin naipagtatapat kay Belle na si Helen ang kanyang tunay ina.” Pag-amin ng Papa Morgan niya. Nabigla siya sa inamin nito. Patuloy pa rin siya sa pagmamaneho at hinayaan lang ito na magkwento. “Hindi lingid sa dati kong asawa na hindi ko siya mahal. Naipagkasundo lang kasi kami ng mga magulang namin. Alam ko rin na hindi ako mahal ni Sonia pero nakatali ako sa kanya. Hindi ko maipaglaban si Helen. Hindi rin alam ni Helen na may asawa ako. Nagsama kami ng patago ni Helen at nagkaroon ng dalawang anak. Kasama ko noon si Belle sa trabaho at pagbalik ko ay wala na si Helen. Lumayo ito kasama ang isa ko pang anak. Lumayo si Helen dahil nasundan pala ako ng Papa ko. Nalaman nito na may asawa na ako at kabit lamang siya.” Mahabang kwento ng Papa Morgan niya. Napansin niyang lumuluha ito.
“Nasaan na sila ngayon?” hindi niya mapigilang tanong.
“Simula nun ay wala na akong balita sa kanya. Isang taon palang ang kapatid ni Belle noon. Hindi ako tumitigil hanggang ngayon na hanapin sila. Kailanman ay hindi ako nabuo dahil sa pangungulila ko sa kanila.” Umiiyak na wika ni Morgan.
“Hayaan mo pa at tutulong ako na mahanap ang mag-ina po ninyo.” Pagpapagaan niya sa pakiramdam nito.
“Sana buhay pa ako kapag nakita ko sila.” Malungkot ang boses na wika nito. Hindi niya alam na may itinatago pala itong problema sa mahabang panahon. Kahit minsan kasi hindi ito nagpakita na may malungkot ito. Palagi itong masaya kapag kaharap sila ni Belle. Ang totoo pala ay nangungulila ito sa babaeng minamahal at sa isa pa nitong anak. Inabot niya ang kamay ng ama ay pinisil.
“Magtiwala lang po kayo Pa, makikita rin natin sila. Nangangako ako sa inyo.” Wika ni David.
Tumango ang ama at ngumiti.
“Kaya mahalin mo ng mabuti si Belle. Mawala man ako ay kampante ako na ikaw ang magiging kasama ng anak ko. Saksi ako kung gaano mo siya kamahal. Sana walang magbago sa pagmamahal mo sa kanya.” Dagdag pa ng Papa niya.
“Don’t worry Pa kahot hindi mo sabihin ay mahal na mahal ko si Belle. Siya lamang ang buhay ko.” Matamis ang ngito na sagot niya sa ama.
Niyaya si David ng ama niya sa sarili nitong silid. Nagtataka man ay sumunod siya dito. May kinuha ito sa volt nito at inabot sa kanya ang isang maliit na kahon. Binuksan niya iyon. Isang napakagandang singsing ang laman nun. May malaking diamond pendant iyon.
“Hindi ba mas maganda kaysa sa mga naka-display dun sa estante kanina?” tanong sa kanya ng ama.
Manghang-mangha siya sa singsing.
“Pinasadya ko yan para sana kay Helen. Kung pumayag lang sana noon si Sonia na maghiwalay na kami ay pakakasalan ko agad si Helen. Pangarap kong ibigay sa kanya yan.” Wika pa ng matanda. “Yan ang gusto kong ibigay mo sa anak namin ni Helen. Hindi man natupad na ibigay ko kay Helen atleast sa anak man lang namin.” Dagdag pa nito.
“Sigurado po kayo Dad?” tanomg niya pa.
Tumango ang kanyang Papa Morgan.
“Your proposal will be perfect. Hindi pa yan nakikita ni Belle.”
“Thank you Pa.” Niyakap niya ang ama.
“Make her happy.” Bulong sa kanya ng ama. Tinapik-tapik nito ang likod niya.
ABALA si David para sa proposal na gagawin niya kay Belle. Nasa trabaho pa rin ito. May sarili itong Italian Restaurant at mismong ito ang namamahala. Nag-hire pa siya ng mag-aayos para maging perfect ang lahat para sa gabing iyon. Tulad ng inaasahan niya ay masayang-masaya si Belle. Nagulat ito ng lumuhod siya sa harapan nito.
“What is this?” naluluhang wika ni Belle.
Dahan-dahan niyang binuksan ang kahon ng singsing. Tulad ng pagkamangha niya kahapon ay manghang-mangha din ito sa singsing.
“I want to spend the rest of my life with you.” Wika niya sa babae. “Marry me.” Dagdag niya pa. Inabot ni Belle ang kanyang kamay at pinatayo siya nito. Niyakap siya ng mahigpit ng babae.
“Yes, love. I will marry you.” Bulong sa kanya ni Belle. Niyakap niya ito ng mahigpit. Wala na siyang mahihilinhg pa. Ito na ang simula ng buhay nila ni Belle. Bubuo siya ng pamilya. Isang malaking pamilya. Siniil niya ng maalab na halik si Belle. Kung hindi pa umubo ang Papa Morgan nila ay hindi mapuputol ang halik na pinagsaluhan nila ng babaeng minamahal.
Si Belle ang rason kung bakit masaya siya. Ito ang buhay niya.
Akala ni David ay tuloy-tuloy na ang kasayahan nila. Hindi pala.
Sinugod nila si Belle sa ospital pagkatapos itong apuyin ng lagnat. Akala nila ay normal na lagnat lamang ang nararamdaman nito pero hindi pala. Pagkatapos ng ilang test ay lumabas na meron itong Stage 4 leukemia. Sa isang iglap ay gumuho ang buhay ni David.
Hindi magawang kumibo ni David nang magising si Belle. Tinawag siya nito na lumapit. Nasa isang tabi din ang Papa Morgan niya. Tulad niya ay hindi rin matanggap ang sinabi ng doctor. Kahit pa raw mag-chemotherapy si Belle ay hindi na nito kakayanin. Binigyan lamang ito ng six months to live.
“Love, hindi pa ba tayo uuwi?” Mahinang tanong sa kanya ni Belle. Hinang-hina ito. May mga pasa din ito sa katawan. Sa ilang araw nito sa ospital ay bigla itong pumayat.
Tumikhim muna siya bago sumagot. Pakiramdam niya ay pasan niya ang mundo. “H-indi pa love, may ilang test pa kasi na gagawin sayo.” Sagot niyang pinipigilang wag umiyak.
“Marami pa tayong gagawin. Aayusin ko pa ang kasal natin.” Dagdag pa ni Belle. “Pa?” tawag ni Belle sa amang umiiyak sa sulok. “Bakit ka umiiyak?” tanong ni Belle. Tiningnan siya ng nobya pagkatapos ay tumingin sa ama. “May dapat ba akong malaman?” nag-histerikal na tanong ni Belle.
Niyakap ni David si Belle. Hindi niya kayang sabihin sa nobya na may taning na ang buhay nito. Maging siya kasi ay hindi niya rin kayang matanggap. Natatakot siya sa maaring mangyari.
Lumapit ang Papa Morgan sa kanila at niyakap si Belle.
“May Stage 4 leukemia ka.” Wika ng ama. Natigilan si Belle. Ilang sandali lang ay sumigaw ito at nagwala kaya tumawag sila ng doctor para pakalmahin ito. Awang-awa si David sa nobya, Bakit ito pa? Bakit kailangan na mawala ito sa kanya kung kailan na may bukas na naghihintay sa kanilang dalawaa. Bakit si Belle pa?
Nakatulog si Belle dahil sa gamot na nilagay ng doctor. Pinauwi niya na rin ang ama dahil ilang araw na itong walang pahinga. Hawak-hawak niya ang kamay ng nobya. Kung pwede lang na siya nalang ang makaramdam ng sakit. Kukunin niya. Ganun niya kamahal ang babae. Handa niyang itaya ang sariling buhay para sa babae. Hinalikan niya ang kamay ng nobya.
“Hindi ko kakayanin Belle kung mawawala ka sa akin. Ikaw ang buhay ko. Iniisip ko palang na mawawala ka sa akin ay gusto ko na ring mamatay. Paano na ako kapag nawala ka?” hindi niya mapigilang pagkakausap sa nobya. “Lumaban ka para sa akin, please.” Dagdag niya pa kahit alam niyang malabo na ang sinasabi niya lalo pa at aggressive ang cancer nito. Hindi niya lubos maisip na sa isang iglap ay maglalaho nalang ito sa buhay niya at isang araw magigising siya na hindi na ito kasama.