Chapter 24- He Stay Split Intentions to Love Conflicts Pagkarating na pagkarating ni Ody sa tapat ng bahay nila Nastia ay agad siyang bumaba sa kaniyang motorbike, inayos ang sarili at naglakad na palapit sa pintuan. Nang makarating siya tapat ng pintuan ay agad siyang kumatok dito, ilang Segundo ang lumipas ay walang nagbubukas ng pintuan kaya muli siyang kumatok nang ilang beses pero wala pa din nagbubukas ng pintuan sa kaniya kaya bahagyang nainis si Ody kaya sa muli niyang pagkatok ay nilakasan niya ang pagkatok sa pintuan pero wala pa ding nagbubukas sa kaniya ng pintuan kaya bahagyang umatras si Ody at akmang sisipain ng malakas ang pintuan ng bigla naman itong magbukas at tumambad sa harapan niya ang bunsong kapatid ni Nastia na si Cathy na nakatingin sa kaniya. “Kuya Pogi?”sambi