Chapter 12- She Meets the Other Persona.

4589 Words
Chapter 12- She Meets the Other Persona. Split Intentions to Love Conflicts  Tahimik lang si Maki sa kinauupuan niya habang ginagamot ni Irish ang kamao niyang puro sugat dahil sa mga bubog ng salamin na sinuntok niya, dinadampian ito ni Irish ng alcohol pero para itong mahid dahil hindi nararamdaman ang hapdi ng bawat pagpahid ni Irish sa kamao niya. Nakikita nina Paxton ang pag-aalala ni Irish sa ginawa ni Maki at bakas sa mga mata nito ang pagtataka kung bakit nagawang suntukin ni Maki ang salamin. “Ano bang nangyari sayo Maki? Bakit sinuntok mo ang salamin?” nag-aalalang tanong ni Irish kay Maki na ikinalingon niya dito dahil parang hindi siya nito naririnig dahil tahimik lang ito at nakatulalang nakatingin sa sugatang kamao nito na akmang tatawagin muli ni Irish ng napalingon siya kay Ruhk na humawak sa balikat niya. “Let me wake up the f*cking senses of this idiot.” Sambit ni Ruhk na dinampot ang lagayan ng alcohol at binuksan iyon na ikinatingin lang ni Irish sa gagawin ni Ruhk habang si Paxton ay seryoso ding nakatingin kina Maki. “Anong gagawin mo Ruhk?” nagtatakang tanong ni Irish na ikinahawak ni Paxton sa braso niya at inalalayang itong lumayo sa tabi ni Maki. “Paxton…” “Don’t worry Tanya, gigisingin ko lang ang tangnang diwa ng isang ‘to.”pahayag na sagot ni Ruhk na walang ano-ano ay ibinuhos ang alcohol na hawak niya sa kamao ni Maki na puno ng sugat na bigla nitong ikinaigtad at ngiwing napasigaw dahil sa sobrang hapding nararamdaman niya dala ng pagbuhos ng alcohol. “SH*T! TANGNA VERCHEZ! AHHHHH.” Sigaw ni Maki sa hapdi na nararamdaman niya na napatayo pa sa kinauupuan nito na hindi naman naiwasang ikangiwi ni Irish dahil alam niyangsobrang hapdi ng nararamdaman ni Maki dahil sa ginawa ni Ruhk. “Are you already awake, Laochecko? Tell me kung kulang pa, may natitirang alcohol pa oh.”pahayag ni Ruhk na masamang ikinatingin ni Maki sa kaniya habang hinihipitan niya ng hangin ang kamao niyang mahapdi dahil sa pagpapaligo ni Ruhk ng alcohol sa kamao niya. “Tangna! Anong akala mo sa alcohol Verchez, tubig?! Holy water ha?! Eh gago ka pala kung sayo ko gawin ang ginwa mo?!”singhal ni Maki na ikinangisi ni Ruhk sa kaniya. “You can do that if you find me wounds in any parts of my body, but as of now, you need the splash of alcohol so you can wake up. Tanya is so worried to what you did Idiot.”pahayag ni Ruhk na ikinatigil ni Maki sa kinatatayuan niya at agad siyang lumingon kay Irish na nasa tabi ni Paxton at inaakbayan ito. “She was the one who saw what you did in the sh*ty mirror, Laochecko. Nasiraan ka na ba ng ulo at ginawa mong punching bag ang salamin ng c.r ha?”pahayag pa ni Ruhk na parang ikinatuyo ng lalamunan ni Maki dahil sa pag-iisip na baka alam na ni Irish ang kalagayan niya. “B-brokenhearted ka ba Maki?” tanong ni Irish na ikinabaling ng tingin ni Maki kay Paxton na umiling sa kaniya na nagpapahiwatig na wala paring alam si Irish sa sakit niya na kahit papaano ay ikinabuntong hininga niya bago ngumiti kay Irish. “Ako brokenhearted? Hindi nga ako interesado sa pag-ibig na ‘yan kaya paano ako mabo-brokenhearted. N-nagulat ka ba sa nakita mo, Ate Tanya? G-ganun lang talaga minsan nagiging reaksyon ko pag masyado na akong napopogian sa sarili ko.”pagdadahilang paliwanag ni Maki na rinig niyang ikina-ingos ni Ruhk na ikinalingon niya dito. “Huwag mong sabihin Ruhk palaboy may kumento ka sa sinabi ko?”singhal ni Maki na parang inosente na ikinaturo ni Ruhk sa kaniyang sarili. “Should I commented your reason to Tanya? I didn’t say anything right? Panindigan mo na lang, Laochecko. Don’t worry pag nabaliw ka dahil sa kagwapuhan na sinasabi mo, I’ll lend my precious time to visit you on mental hospit---“ hindi natuloy ni Ruhk ang sasabihin niya ng batuhin siya ni Maki ng throw pillow na agad niyang nasalo at napangisi nalang. “Hindi ko kailangan ng precious time mo Verchez, at kung mabaliw man ako ipapa ban kita sa mental hospital na paglalagyan ko dahil baka mas lalo akong mabaliw ng dahil sayo, gagong to!” napipikong singhal ni Maki kay Ruhk na ikinahagis ni Ruhk sa throw pillow na binato niya dito pabalik sa kaniya na sinalo naman niya. “Hindi naman nakakabaliw ang kagwapuhan ko, Laochecko.”sambit ni Ruhk na siya namang ikinangisi ni Maki ng makaisip siya ng pambalik na pang-aasar kay Ruhk. “Hindi nga, kaya nga hanggang ngayon hindi mapasayo si Liana eh, kasi walang dating sa kaniya ang mukha mo.”bawing pang-aasar ni Maki na biglang ikinasimangot ni Ruhk sa kaniya. “Pwede ba manahimik na kayong dalawa, parehas niyong pinagmamalaki ang mga mukha niyo eh kung ikukumpara sa akin mga average lang mga itsura niyo. Mas gwapo ako sa inyo kaya huwag na kayong mag-asaran diyan at naririndi na ako mga peste kayo. Aalis na ako miya-miya hindi man lang ako nakakain ng maayos, bwisit.”punang sita at sermon ni Paxton sa kanilang dalawa na bahagyang ikinalungkot ng awra ni Maki na lumingon kay Paxton. “Pasensya na Kuya Paxton, h-hindi ko naman alam na mangyayar---“ “Don’t do that again Laochecko, understand? Alam kong mahirap ang kalagayan mo lalo na at nagpupumilit ang isang ‘yun pero ang saktan mo ang sarili mo tulad ng ginawa mo kanina, hindi ‘yun ang solusyon.”seryosong putol ni Paxton sa sasabihin ni Maki na ikinatango nito sa kaniya habang si Irish ay naguluhan sa sinasabi ng kaniyang asawa. “A-ano bang nangyayari kay Maki? Bakit parang may hindi kayo sinasabi sa akin, Paxton?” sambit na tanong ni Irish na nakatingin na kay Paxton na napatingin na din sa kaniya. “It’s nothing serious wife, why don’t you go upstair and look if Spade is still sleeping, hmm.”malambing pahayag ni Paxton na seryosong ikinaharap ng ayos ni Irish sa kaniya. “Asawa mo ko Paxton, masasabi kong kilala na kita kaya alam ko kung may tinatago ka sa akin o wala. Alam ko na may dahilan si Maki kaya niya sinaktan ang sarili niya. Di’ba walang lihiman sa ating dalawa?”pahayag ni Irish na hindi alam ni Paxton kung paano lulusutan ang asawa. “Kasi Irish, hindi mo naman kasi kailangang mala---“ “So itatago mo sa akin ang nangyayari kay Maki? Nag-aalala ako para sa kaniya dahil ito ang unang beses na nakita kong ginawa niya ‘yun sa sarili niya. Kung wala kang balak na sabihin sa akin ang nangyayari, you better start practicing how to sleep alone in the couch.”pahayag na singhal at banta ni Irish na akmang iiwanan sina Paxton ng agad siyang harangan ni Paxton at hawakan ang dalawa niyang kamay. “Nagbibiro ka lang sa huli mong sinabi diba, wife?” ngiwing ngiting tanong ni Paxton na seryosong ikinataas ng kilay ni Irish na mahinang ikinamura ni Paxton. “A-ate Tanya w-wala lang naman tala---“ “Gusto mo bang alisin kita sa listahan ng mga magiging ninong ni Spade? Ayokong may ninong siyang malihim, ikaw din Ruhk, alam kong may alam ka kasi iisa ang bituka niyong magkakaibigan. Kung wala kayong balak sabihin sa akin, huwag niyo muna akong kausapin, lalo ka na Paxton.”seryosong pahayag ni Irish na akmang aalis ulit ng yakapin siya ni Paxton. “Teka lang naman Irish, walang ganiyanan. Alam mo namang hindi ako makakatulog ng maayos pag di kita katabi eh, ayokong matulog sa couch mag-isa.”angal na lambing ni Paxton na bahagyang ikinatulak ni Irish sa kaniya upang mahiwalay ito sa pagkakayakap niya. “Kung hindi mo sasabihin sa akin ang problema niyo nina Maki, talagang matutulog ka sa couch at hindi ko ipapahawak si Spa---“ “Aish! Hindi na magandang biro ‘yan Irish ah. Gusto mo ba akong mabaliw sa mga sinasabi mo.”angala na putol ni Paxton na kitang-kita sa mukha ang kaba sa mga sinasabi ni Irish sa kaniya na nagpamewang sa harapan niya. “Hindi ako nagbibiro Paxton, may usapan tayo na walang tayong ililihim sa isa’t-isa. Kung hindi mo rin lang sasabihin sa akin mabuti nag magh—“ “HIwalay agad?! Tangna magkamatayan na Irish pero hindi ka makikipaghiwalay sa akin!”putol na angal ni Paxton na ikinasimangot ni Irish sa kaniya. “Magkahiwalay matulog ang ibig kong sabihin, bakit naman ako makikipag-hiwalay sayo? Teka? Don’t tell me Paxton gust----“ Hindi muling natuloy ni Irish ang sasabihin niya na biglang lingunin ni Paxton si Maki na bahagyang nagulat sa nakikita nitong klaseng titig ni Paxton sa kaniya habang si ruhk ay natutuwa sa napapanuod niya. “Tangna Laochecko sabihin mo na! Binabawi ko na ang sinabi ko kanina, dapat wala tayong nililihim sa asawa ko.”singhal ni Paxton na bahagyang ikinakunot ng noo ni Maki. “Pero Kuya Paxt---“ “Sasabihin mo o hindi ka magiging ninong ni Spade?!”singhal ni Paxton kay Maki “This is a good sight to watch.”ngising pahayag ni Ruhk na sinamaan ng tingin ni Paxton. “Gusto mo ng popcorn, Verchez? Peste ginawa mo pa kaming panuorin na gago ka!”sita ni Paxton sa kaniya na ikinangisi ni Ruhk sa kaniya. “Instead of lecturing me Ignacio, better start to explain to Tanya everything. Baka ka couch ka talaga matulog.” “F*ck you, Verchez!”mura ni Paxton na ikinabalik ng tingin ni Paxton kay Irish. “Ako na ang mag-eexplain sayo wife, kaysa naman sa couch ako matulog. Gumagaling ka sa pananakot mo ngayon Mrs. Ignacio ah.”pahayag ni Paxton na bahagyang ikinangisi ni Irish sa kaniya. “Siguro kasi asawa kita. Mr. Ignacio.”sambit ni Irish na ikinabuntong hininga ni Paxton bago niligon si Maki. “Umalis ka muna sa pamamahay ko Laochecko, ako na ang magpapaliwanag sa asawa ko. Ayokong sa oras na magkwento ka eh bigla siyang lumabas sa harapan ng asawa ko. Mag-gala ka muna kahit saan, mag reflect ka munang gago ka sa ginawa mo o better yet Laochecko, palitan mo ‘yung mamahalin kong salamin na binasag mo.”utos na pahayag ni Paxton na ikinalingon ni Maki kay Ruhk na prenteng umupo at sumandal sa kinauupuan niya. “Wala ako sa mood lumabas, besides, ikaw ang nakabasag ng salamin ni Ignacio kaya ikaw ang maghanap ng kapalit.”ngising sambit ni Ruhk na ikinasimangot ni Maki kay Ruhk na ikinabato niyang muli sa throw pillow dito na inalagan lang nito bago nagsimula ng maglakad palabas ng bahay ni Paxton na rinig niyang nilalambing nito si Irish. Nang makalabas si Maki sa bahay ni Paxton ay napabuntong hininga nalang siya at tiningnan ang kamao niyang may mga sugat at namumula na dahil ilan sa mga sugat na nakuha niya sa pagkasuntok niya sa salamin ay malalim ang hiwa. Panaginip man o namamalikmata lang siya kanina, nararamdaman niya ang kagustuhan ni Ody na palitan siya sa katawan niya. Hindi niya ‘to pinapansin dati dahil matagal na panahon na rin simula ng hindi lumalabas si Ody sa katauhan niya pero alam niyang hindi niya maiiwasan ang nakaraan niyang naging dahilan kung bakit may ikalawang persona siya ngayon. Hindi niya alam kung matutulungan talaga siya ni Nastia na mapigilan ang gusto ni Ody pero napapadalas na ang pagpaparamdam ni Ody na hindi niya maiwasan ikakaba. Ayaw niyang makuha ni Ody ang katawan niya at siya ang mawala, pero alam niya sa sarili niya na mahihirapan siyang burahin si Ody sa katauhan niya gayong sobra-sobrang pagkamuhi ang meron siya sa kaniyang ama dahilan kung bakit naghirap siya noong bata pa siya at nangulila siya sa ina at kapatid dahil dito. Buntong hiningang ibinaba ni Maki ang kaniyang may sugat na kamao at agad naglakad sa kaniyang kotse upang makaalis na at makahanap na ng salamin na ipapalit niya sa nabasag niya. Agad niyang inilabas ang susi ng kotse at hindi pa niya nabubuksan ang pintuan ng driver seat ay natigilan siya ng may naramdaman siyang tumama sa may ulunan niya na isang bilot na papel na bumagsak sa may paanan niya na ikinalingon niya dito bago lumingon sa nagbato sa kaniya nito. “Kung nagbago ang isip mo Ruhk palaboy at sasama ka, hindi mo na ako kailangang batuhin ng papel na gago ka.”singhal na sita ni Maki na ngising ikinasandal ni Ruhk sa pader. “I’m not coming with you, Laochecko. Sinundan lang kita para sabihing mag grocery ka na din, wala ng stock sa cabinet at refrigerator ni Ignacio.” “Wow ha! Iba ka din, Verchez. Ginawa mo pa akong tagapamili na for sure ikaw ang inutusan.”singhal ni Maki na naiiling nalang na binuksan ang pintuan ng kotse niya. “Come back here that you are still in your person. I will kill you myself when you let your second persona out in you.” Muling ibinaling ni Maki ang tingin niya kay Ruhk na wala na sa pagkakasandal nito sa pader at wala na sa harapan niya. Hindi napigilan ni Maki ang mapangisi sa pagbabantang bilin ni Ruhk sa kaniya. “Magbibilin lang kailangan pang magbanta, stupid Verchez.” Sambit ni Maki na sumakay na sa kotse niya at nagsimula na siyang umalis para makahanap ng pamalit sa salamin at makapag grocery na rin tulad ng bilin ni Ruhk. Nang makakuha na si Maki ng salaming kapalit ng nabasag niya na bahagyang ikinabagsak ng balikat niya sa mahal ng klaseng salamin na katulad ng salamin na nabasag niya. Napapamura nalang siya dahil hindi niya inakala na ganun kamahal ang klase ng salamin na hindi naman niya sinasadyang mabasag. Nang maayos na niyang nailagay sa compartment ang nabili niyang salamin ay agad siyang dumaretso sa groceries store upang mamili na ikinamura niya kanina habang nasa biyahe siya dahil nakalimutan niyang hingian ng pang grocery si Ruhk kaya wala siyang choice kundi ang mamili gamit ang pera niya. Nang makarating na siya sa grocery store ay agad niyang ipinarada ang kaniyang kotse sa parking lot at lumabas narin. Deretso siyang naglakad papasok sa loob at kumuha ng cart at nagsimula ng mag-ikot para makapaglagay na ng sa tingin niya ay kailangan ng kusina ni Paxton. Nangangalhati na ang cart na dala niya ng mapamura siya ng may bumangga sa may pwetan niya na muntik niya ng ikasubsob sa cart niya na rinig niyang ikinahingi ng paumanhin nito sa kaniya na akmang susungitan niya ang may ari ng cart na nakadanggi sa kaniya ng makita niya kung sino ang nasa likuran niya na natigilan din ng makita siya. “Oh? Giel?” bahagyang gulat na tawag nito sa kaniya na hindi niya napigilang ikatitig dito. DAHIL SA hindi inaasahang muling pagkikita nina Nastia at Maki sa grocery ay after nilang mamili ng mga bibilhin nila sa grocery ay nasa isang parke sila di kalayuan sa grocery store na pinamilhan nila. Nakaupo sila sa isang bench na meron doon at may iilang mga tao na naroon, may ilang distansya parin ang layo nila sa isa’t-isa sa pagkakaupo nila sa bench. “Grabeng maglaro ang tadhana, parang kanina lang sa company mo ay magka-usap tayo tapos ngayon hindi ko akalaing magkikita tayo dito sa isang grocery store. Hindi kaya we’re meant to be Giel?” ngiting pahayag ni Nastia na kunot noong ikinalingon ni Maki sa kaniya. “Anong meant to be ang sinasabi mo diyan?” sambit ni Maki na biglang ikinatawa ni Nastia na lumingon sa kaniya. “Meant to be as friends, ikaw ha Giel, ano bang iniisip mo na meant to be?” birong pahayag ni Nastia na ikinaingos ni Maki sa kaniya. “Tapos na ba ang launching mo kaya wala ka na sa kumpanya mo?”pag-iibang tanong ni Nastia sa kaniya. “Patapos palang siguro, pagka-alis niyo ng kapatid mo ay umalis din ako dahil may urgent akong pinuntahan.”sagot ni Maki na nakakalokong ikinangiti ni Nastia sa kaniya. “Urgent? You mean ang mag grocery?”sambit nito na ikinapoker face ni Maki na lumingon sa kaniya. “I already told you, talo ang laging pikon.”ngiting pahayag ni Nastia “Bakit hindi mo kasama ang kapatid mo?”tanong ni Maki na ikinasandal ni Nastia sa kinauupuan niya. “Iniwan ko siya sa bahay with Jacob, wala na kasing stock sa kusina namin kaya naisipan kong mamili. Hindi ko naman inaasahan na magkikita ulit tayo.”sagot ni Nastia ng may maisip si Maki na ikinatitig niya kay Nastia. Biglang pumasok sa isipan niya na subukan kung talagang nagagawang mapigilan ni Nastia ang paglabas ni Ody sa kaniya pagkasama niya ‘to. Alam niyang risky ang naiisip niyang pagte-testing pero hindi niya malalaman at mapapatunayan kung hindi niya susubukan. “K-kilala mo ba ang d-dating Governor na nakakulong ngayon?” nahihirapang tanong ni Maki na ikinalingon ni Nastia sa kaniya at ikinasalubong ng kilay nito. “Ang dating governor? You mean the Former Governor Hades Beaufort? ‘Yung nakakulong ngayon for killing his family members and some illegal stuff while his in the position as governor?” sambit ni Nastia sa pangalan at kasamaang ginawa nito na ikinalunok ni Maki at hinihintay ang reaksyon niya sa pagkakarinig niya sa pangalan ng taong kinamumuhian niya. Pinakiramdaman ni Maki ang sarili niya ng bahagya siyang magitla ng tapikin siya ni Nastia sa balikat niya na ikinatitig niya dito. “Okay ka lang Giel? Bakit mo ba tanong ang tungkol sa dating governor?” takang tanong ni Nastia na ikinaalis ng tingin ni Maki sa dalaga at ikinatayo niya sa pagkaka-upo niya dahil walang sign ni Ody ang nararamdaman niya sa sarili niya. Binanggit ni Nastia ang pangalan at mga kasamaang ginawa ng kaniyang ama sa harapan niya pero hindi tulad ng dati na parang dumidilim ang paningin niya na parang kinakain siya ng dilim at biglang mawawalan ng malay not physically but mentally. Mas lalong hindi makapaniwala si Maki na talagang hindi lumalabas si Ody sa katawan niya pag kasama niya si Nastia na muli niyang ikinalingon dito na naguguluhang nakatingin sa kaniya. “You know Giel, your right. Ang weird mo, sure ka bang hindi ka takas mental?” pahayag ni Nastia na hindi napigilang ikinangiti ni Maki. “Ako takas mental? Sa gwapo kong ‘to magiging baliw lang? Maraming babae ang maghihinayang sa kagwapuhan ko Livy kung matatago lang sa mental.”natutuwang pahayag ni Maki na bahagyang ikinatawa ni Nastia sa kaniya. “Hindi ka lang weird, makapal din pala ang mukha mo. But we’re friend, fine I’ll support your delusion.” Pahayag ni Nastia na ikinatayo nito sa pagkaka-upo nito. “A-anong delusion? Sadya namang gwapo ako ah, ikaw na din nagsabi kanina sa kumpanya ko na gwapo ako.”angal na singhal ni Maki na ikinatapik ni Nastia sa balikat niya. “Ang mga bata lang ang hindi marunong magsinungaling pero sa edad natin, marunong naman akong magsinungaling kahit papaano Giel.”nang-aasar na pahayag ni Nastia na bahagyang ikinasimangot ni Maki na hindi napigilang ikatawa ni Nastia dahil sa reaksyon ng mukha ni Maki na binibigay sa kaniya. Hindi inaakala ni Nastia na ang naging kasungitan niya ay magiging kaibigan niya, wala siyang kaibigan na lalaki dahil si Athena lang ang nag-iisang kaibigan nito pero hindi niya inakala na masaya ang may kaibigang lalaki lalo na at katulad ni Maki. “Odysseus Beaufort!” Sabay na natigilan si Maki at Nastia sa malakas na boses na umalingawngaw sa park na kinalalagyan na kahit ang ilang mga tao na naroon ay napalingon sa taong sumigaw ng malakas na ilang metro ang layo sa kinatatayuan nina Maki na ngisi sa mukha ng lalaking nakapamewang na may kasamang sampung sa tingin ni Maki ay tauhan nito. “Tangna! Sa tagal-tagal ng paghahanap ko sayo dito lang pala kita makikita, akala mo ba nakakalimutan ko pa ang atraso mo sa akin ha? Dahil sayo ilang taon din akong nakulong sa selda!” sigaw nito sa kanila na ramdam nina Maki ang galit sa boses nito na parehas ikinakunot ng noo nilang dalawa ni Nastia na ikinalingon nila sa isa’t-isa. “Is he referring to you?” tanong ni Nastia na agad na ikinailing ni Maki. “Tangna bakit ako? Hindi ko nga kilala hilatsa ng mukha ng mga ‘yan.”tanggi ni Maki na rinig na rinig ng lalaking hindi alam ni Maki kung bakit parang may galit sa kaniya dahil sa binibigay na titig nito sa kaniya. “Iba ka din naman eh ano! So ano? Kinalimutan mong may ipinakulong ka na dapat ay parehas tayong naburo sa kulungan dahil sa parehas tayong gumagawa ng pera gamit ang mga droga. Lumaki lang ang transaction mo sa blackmarket eh iiwanan mo ko sa ere?!”galit na sigaw nito sa kaniya na mas lalong ikinagulo ng isipan ni Maki sa mga sinasabi nito. “Pare ano bang pinagsasasabi mo? Naka drugs ka ba? Baka nagkakamali ka lang ng sinusugod mo.”sita ni Maki na naiinsultong ikinatawa nito sa sinabi niya. “Umamin ka nga Giel, dati ka bang sindikat---“ “Sa tingin mo mukha akong sindikato?” poker face na baling ni Maki kay Nastia na hindi nito ikinatuloy ang sasabihin nito. “Okay, I was just asking lang naman.”sambit ni Nastia. “Tangna! Nagkakalokohan ba tayo ha? Sa tingin mo makakalimutan ko ang hilatsa ng mukha mo, Odysseus!” sigaw nito sa kaniya na ikinatulos ni Maki sa kinatatayuan niya ng marinig niya ang pangalan ng ikalawang persona niya na kung kanina ay naguguluhan siya sa sinasabi ng galit na lalaking nasa harapan niya ay agad niyang naunawaan ang pakay nito sa kaniya. “Odysseus?”kunot noong sambit ni Nastia sa pangalan na itinawag ng lalaki kay Maki. “T-teka lang dude, n-nagkakamali ka eh. H-hindi ako ang taong hinahanap m----“ “Mahanimik ka?! Wag mong sabihin na kambal ka ni Odysseus dahil alam kong wala kang kapatid gago! Ngayon nagkita na ulit ang landas natin, pagbabayarin kita sa pagta-traydor mo sa akin.”pahayag nito na ikinasensyas nito sa sampung tauhan na nasa likuran nito upang sugurin si Maki. Bahagyang napaatras si Maki ng makita niyang nagsimula ng sumugod ang mga tauhan ng lalaking may galit sa ikalawang persona niya na ikinamura niya sa kaniyang sarili. Agad niyang iniwasan ang pagsugod ng isang kalaban niya at malakas na sinalubong niya ng sipa sa mukha ang nasa likuran nito na agad niya muling ikinaiwas sa suntok ng sa isa pang kalaban niya na ikinasakal niya sa leeg nito at ipina-ikot para hindi makalapit ang ibang kalaban sa kaniya ng may makalusot na isa at agad siyang sinakal sa leeg niya gamit ang braso nito mula sa likuran niya. Pasugod ang isa pang kalaban sa kaniya na nagawa pa niyang sipain na patras na ikinalayo nito sa kaniya nang biglang mabitawan siya ng lalaking sakalsakal siya na malalakas na suntok ang sa sikmura ang binigay niya sa hawak niyang kalaban na paluhod na ngiwing ikinabagsak sa damuhan. Nakita nalang ni Maki si Nastia na nagpapatumba na rin ng mga kalaban niya ng may makasakal ulit sa kaniya mula sa likuran niya na ikinahawak niya sa brasong nakasakal sa kaniya at pabalibag itong hinagis sa damuhan. Alam ni Maki na kaya ni Nastia ang sarili nito nang makita niya na ang pinuno ng mga kalaban nilang pasugod sa kaniya na bahagya niyang ikinalayo na ikinasunod naman nito sa kaniya. Malayo-layo na ang pagitan niya kay Nastia na isa-isang napapatumba sa damuhan ang mga natitirang tauhan ng lalaking nasa harapan niya. “Mapagbabayaran mo na din ang pagtataksil na ginawa mo sa akin!” bulyaw nito sa kaniya “Tangna eh hindi nga kita kilala, hindi ko kilala ang Od---sh*t!” Hindi natuloy ni Maki ang paliwanag niya ng magsimula na itong sumugod sa kaniya nakayakap na sa bewang niya at malakas siyang ibinalibag na ikinagulong niya sa damuhan. Hindi pa man siya nakakatayo ng makalapit ng muli ang lalaking may galit kay Ody at tinuon ang tuhod nito sa likuran niya at pasakal na hinawakan ang leeg niya mula sa likuran niya na pilit niyang ikinapipiglas dito na narinig niya ang pagtawag ni Nastia sa pangalan niya. “Akala mo habang buhay kang makakapagtago sa akin? Hindi ako papayag na ako lang ang nagdusa ng mga panahon na nasa kulungan ako, ngayon kaya babawi ako Odysseus. Malakas ang loob mo palibhasa anak ka ng governador na may buntot at sungay din, hanggang ngayon tanong sa akin kung sinong pamilya niya ang pinatay niya gayong buhay ka pa naman. Kung paanong demonyo ang ama demonyo din ang anak, sabagay, hindi ka nalalayo kay Hades Beaufort.”pahayag nito na ikinapikit ni Maki habang nagsisimula na siyang pagpawisan at bumilis ang paghinga niya na paarang ikinasisikip ng dibdib niya. Mas dinidiinan naman ng may galit kay Ody ang pagkakahawak niya kay Maki ng bahagya itong matigilan ng hawakan nito ang kamay niya at malakas na unti-unti itong inaalis sa pagkakasal niya na gigil niyang nilalabanas nang mapahiyaw siya sa sakit ng baliin nito ang isang daliri ng kamay niya na ikinaluwag niya sa pagkakasakal dito na mabilis nitong ikinahawak sa wrist niya at pinilipit iyon dahilan upang maalis ang pagkakatuon ng tuhod niya sa likuran nito na dahan-dahan nitong ikinatayo habang hawak parin ang braso niya na mas pinipilit ang braso niya na hindi niya napigilang ikahiyaw sa sakit. “You wanted this, don’t you.”pahayag nito na may mapanganib na presensya ang naramdaman ng lalaki dito na hindi naman niya naramdaman kanina dito. Ngising nilingon siya nito at malakas na sinutok ang mukha niya na agad ikinadugo ng ilong niya nang makatanggap ulit siya ng sipa sa leeg niya na ikinabagsak niya sa damuhan ng bitawan nito ang kamay niya na ikinahawak niya dito. “But I should thank you for mentioning the bastard name of that Governor, nakalabas din ako.”ngising pahayag nito na dinampot ang malaking bato na nakita niya at ibanalik ang tingin sa lalaking namimilipit ng sakit dahil sa braso nitong pinilipit niya. Lumapit siya dito at pa squat na lumuhod malapit sa ulunan nito na ngiwing ikinalingon nito sa kaniya. “O-Ody-Odysseus…” “You called the right person, Guiller. It’s good to see you but sad to say, it will be the end too.”ngising pahayag ni Ody na napalitan na si Maki sa katawan nito dahil sa mga sinabi ng kalaban niya tungkol sa kaniyang ama. Tumayo si Ody sa pagkaka squat niya at tinapat ang hawak niyang malaking bato sa ulunan ng lalaki na biglang natakot sa gagawin ni Ody. “H-Huwag Odysseus…” “Giel no!” Agad binitawan ni Ody ang pagkakahawak niya sa malaking baton a deretsong bumagsak sa mukha ng lalaki na gulat na ikinatakip ni Nastia sa kaniyang bibiga sa nakita niyang ginawa nito na ngising humarap sa kaniya. “Oops, it slipped in my hand.”ngising sambit nito na ikinatitig ni Nastia dahil sa isang presensya na hindi pamilyar sa kaniya. Pakiramdam niya ibang tao ang nasa harapan niya at hindi si Maki. “G-Giel?” tawag niya sa pangalan ni Maki na ngising ikinataas ng kanang hintuturo nito at bahagyang ini-sway sa harapan niya. “Uh uh uh! I’m not Giel woman, Odysseus is.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD