Chapter 14- When She Cares

3067 Words
Chapter 14- When She Cares Split Intentions to Love Conflicts “The Typical switch will probably last anywhere from 5-20 minutes, it can happen in a few seconds but it may take longer. Switching personalities often happen when the person having DID triggered by the traumatic memories they experience.” Sumandal sa kinauupuan niya si Nastia matapos niyang mabasa ang ilan sa mga ni--research niya patungkol sa kondisyon ni Maki, simula ng malaman niya kahapon na may ikalawang persona si Maki na mapanganib at nakikita niya na hindi gagawa ng maganda ay hindi niya maiwasang maawa at mag-aalala sa kalagayan ng bago niyang kaibigan. Kahit bago palang silang mag-kaibigan ay ay alam niyang mahirap kay Maki ang pinagdadaanan nito dahil may inaalala itong ikalawang persona na pwedeng agawin ang buhay niya, mawala siya ng tuluyan at palitan siya nito. Sa ngayon, walang makita si Nastia na cure sa mga ganitong klaseng kondusiyon kundi iwasan lang ang mga bagay, pangyayari o tao na pwedeng ika trigger upang lumabas ang ikalawang persona ni Maki. Kagabi pa niya iniisip kung anong pinagdaanan ni Maki para magkaroon ito ng ikalawang persona, gusto niyang malaman pero nirerespeto nito ang privacy ni Maki ukol sa nakaraan nito dahilan upang makaranas siya ng ganitong kondisyon. Hindi naging okay ang una nilang pagkakakilala, hindi rin agad sila nagkasundo agad, parehas silang nagkakainisan sa tuwing nagkikita sila pero hindi niya inakala na hindi normal ang pamumuhay ni Maki dahil sa kondisyon nito. “Gaano ba kalala ang pinagdaanan ni Giel to have this kind of condition? Hindi naman ako tsismosa pero gusto kong malaman ang dahilan ng pagkakabuo ni Ody sa isipan niya. Sa presensya palang ng pangalawang persona niya, mukhang sakit pa sa ulo.”sambit na pahaya ni Nastia na napabuntong hininga sa kinauupuan niya at tumayo sa kinauupuan niya at naglakad sa glass wall ng opisina niya kung saan makikita niya ang view ng city na kinatatatayuan ng kumpanya nila. “Odysseus Beaufort, may mapanganib na presensya pero talaga bang ganun kasama ang ikalawang persona ni Giel?” curious na tanong ni Nastia sa kaniyang sarili na may marealize siya sa pangalan ng ikalawang persona ni Maki. “Wait? Beaufort? Hindi kaya may kinalaman si Giel sa dating Gov---“ “Wala akong pakielam kung wala akong appointment sa boss mo! I demand of seeing her!” Naputol ang sasabihin ni Nastia dahil sa pabalang na pagbukas ng pintuan ng opisina niya at nakikita niyang pumasok ang masasabi niyang asungot sa buhay niya na mukhang binigyan ng perwisyo ang kaniyang secretary na kita niyang pinipigilan nito ang lalaking sisira sa araw niya. “Pero sir kasi---“ “It’s okay Willie, bumalik ka na sa table mo.”pigil ni Nastia sa secretary ng kaniyang ama na may pag-aalalang lumingon sa kaniya ganun din ang bisita niya na inayos ang sarili na naglakad palapit sa mesa niya. Walang nagawa si Willie kundi iwan ang boss niya ang rude nitong bisita na ayaw papigil at gustong makaharap ang kaniyang boss kahit wala itong appointment. Naglakad pabalik si Nastia sa kaniyang lamesa at umupo sa upuan niya at seryosong binigyan ng tingin ang unexpected visitors niya. “Do you need anything Mr.Tan?” kalmadong tanong ni Nastia dito na ikinalapag nito sa isang brown envelop na hindi niya pansing may dala-dala pala ito. “What’s that?” “Bakit hindi mo basahin, Livy.” Ngising sambit nito na buntong hiningang kinuha ni Nastia ang brown na envelop na nilapag nito sa lamesa niya at tiningnan ang laman ng loob nito na bahagyang ikinasalubong ng kilay niya. “Pull-out Investment Papers?”sambit ni Nastia na ikinabalik niya ng tingin dito na mas ngumisi sa kaniya at itinuon ang dalawa nitong kamay sa lamesa niya. “I told you, hindi pa tayo tapos Livy. Pinahiya mo ako for rejecting me, so this will be your consequences. Tingnan lang natin kung hindi bumagsak ang itinayong kumpanya ng iyong ama dahil sa pagtanggi na ginawa mo sa akin.”pagbabanta nito na ikinalapag ni Nastia sa brown envelop na hawak niya at kinuha ang signing pen niya sa may drawe niya at walang pagdadalawang isip na pinirmahan ang dokumento upang legal ng mabawi nito ang mga na invest nito sa kumpanya nina Nastia na gulat na hindi inasahan ng bisita niya. “You really signed it?”singhal nito na naguguluhang ikinalingon ni Nastia dito. “Why? I thought you’re here for my signature para ma pull-out mo na ang investment ng father mo? I signed na.”pahayag ni Nastia dito. “Do you really think what you were doing, Livy? Alam mo ba ang pwedeng mangyari sa kumpanya niyo pag nawala ang investment ni Daddy? Babagsak ang petroleum company niyo at maghihirap kayo, and you signed that documents na parang wala lang?” may inis na singhal ni Cain sa kaniya na ikina cross-arms ni Nastia dito. “I already told you Mr. Tan, hindi mo ko masisindak sa pag-pull out mo sa kumpanya ng Daddy ko. You want to pull it out then I signed it, ano pa bang inaangal mo diyan? Kung wala ka ng sasabihin, you may now leave in my office.”pahayag ni Nastia na masamang tingin ang ibinigay ni Cain sa kaniya. “You’re going to regret what you did, Livy! You will see, after this mababalitaan ng buong mundo ang pag-guho ng pinakamalaking Petroleum Company sa bansa and you’ll beg my help Livy.”bantang pahayag ni Cain na balewalang ikinatitig ni Nastia dito. “Then, I’d like to see if that’s will happen. Baka nakakalimutan mo Mr. Tan, yes isa ang pamilya mo sa may pinakamalaking investment sa kumpanya ni Daddy but kahit mawala ang investment niyo makakatayo parin kami because of our loyal investors and for sure maraming papalit sa slot na inalisan niyo.”pahayag ni Nastia “Huwag mo kong yaba---“ “Excuse me, boss.” Hindi natuloy ni Cain ang sasabihin nito ng pumasok ang secretary niya na parehas nilang ikinalingon dito. “Yes, Willie?”response na sagot ni Nastia na after nitong bigyan ng tingin si Cain ay lumingon na ‘to sa kaniya. “Mr. Verchez was here to talk about investing, boss.” Pagbibigay alam nito na hindi inasahan ni Nastia dahil wala namang sinabi ang kaniyang ama na may bago silang investors na magiinvest sa kumpanya nila. “New investor?” di makapaniwalang sambit ni Cain na ikinangiti ni Nastia. “I told you Mr. Tan, may pwedeng pumalit sa slot na pinag-alisan niyo.”sambit ni Nastia na ikinalingong muli ni Nastia sa kaniyang secretary. “Let him in, Willie.”sambit ni Nastia na ikinatango ng secretary niya bago niya binalikan ng tingin si Cain na may naiinis na ekspresyon sa mukha nito. “Please leave now, Mr. Tan. Wala na kayong part sa kumpanyang ‘to, good day.”sambit ni Nastia na galit na ikinatalikod nito kay Nastia ng makita niya ang bagong magiging investor nina Nastia na kakapasok lang sa loob at seryosong naglalakad papalapit sa lamesa ni Nastia. Napakunot naman ang noo ni Nastia dahil natatandaan niya ang bagong pasok sa opisina niya, hindi siya pwedeng magkamali at hindi siya makakalimutin. “If I we’re you, pag-iisipan ko muna kung mag-iinvest ako sa kumpanyang ‘to. Masyadong mayabang at mataas ang tingin ng anak ng may-ari ng kumpanyang ‘to.”ngising paninira ni Cain sa magiging bagong investor ng kumpanya nina Nastia na hindi napigilang ikatayo ni Nastia na akmang sisitahin ang paninira ni Cain sa kaniya ng maunahan siyang magsalita ng bagong dating. “It’s for me to decide if I’ll invest here or not, I don’t need your opinion about this.”seryosong sambit nito na ikinasimangot nito bago padabog na naglakad paalis sa opisina ni Nastia na ikinalingon nito sa bago niyang bisita na sobrang pamilyar sa kaniya. “I-ikaw ‘yung kaibigan ni Giel diba? The one who thanked me for bumping him.”sambit ni Nastia na ikinalingon nito sa kaniya. “You remembered me.” “Hindi naman ako makakalimutin, pero talagang mag-iinvest ka sa company namin? Dad didn’t tell me about this.”sambit ni Nastia na bahagyang ikinangiti ni Ruhk sa kaniya. “Yeah, I’m surprised actually that you’re the daughter of Ezekiel Landerson. May grandfather just told me to go here and invest, I’m just following orders from him.”sagot ni Ruhk kay Nastia. “Thank you, sit down Mr. Verchez, right?” “Just Ruhk, Laochecko’s new found friend. Just give me the papers I’ll sign for the investing and lend me your time for a little talk.”sambit na pahayag ni Ruhk na bahagyang ikinakunot ng noo ni Nastia dito. “Talk? Para saan?” “You already know the condition of Laochecko, right? He told you yesterday and you somehow help him to stop the switching of his other persona, that’s why we need to talk.”seryosong pahayag nito na ikinatitig ni Nastia sa kaibigan ni Maki. Matapos ang pagpirma ni Ruhk bilang bagong investor ng kumpanya nina Nastia ay na pag-desisyunan nilang mag-usap sa isang coffee shop malapit sa kumpanya nina Nastia, hindi alam ni Nastia kung anong pag-uusap ang mangyayari sa kanila ni Ruhk dahil ito palang ang pangalawang beses na nakita niya ang kaibigan ni Maki. Pumayag lang siyang makipag-usap dito dahil si Maki ang involved at ang kalagayan nito, he’s curious and somehow umaasa si Nastia na ito ang magku-kwento sa kaniya sa nakaraan ni Maki dahilan kung bakit nagkaroon ito ng ikalawang persona. “Tungkol ba sa condition ni Giel ang pag-uusapan natin?”pa-unang tanong ni Nastia kay Ruhk. “That stupid man told me that you met his other persona, Ody?” “Oh? That rude, vehement evil man with no morals? Yes, na meet ko na siya at masasabi kong mukhang sakit siya sa ulo ni Giel.”sagot na pahayag ni Nastia na bahagyang ikinatitig ni Ruhk sa kaniya. “And he did nothing to you?” “Ano naman ang gagawin niya sa akin? Well, hindi rin naman siya nagtagal at nag switch agad sila ni Giel. Nasabi nga sa akin ni Giel na may times na napipigilan ang paglabas ni Ody sa kaniya, and maybe because he’s comfortable talking to me. Don’t assume something on what I said okay.”pahayag na paliwanag ni Nastia na ikinatango ni Nastia. “I don’t assume something, Ms. Landerson. But if you really can stop Ody in getting out, on behalf of my stupid friend, gusto naming malaman kung paano at anong dahilan kung bakit hindi nakakalabas si Ody when your around. That stupid man, experienced too much in his condition.”seryosong pahayag ni Ruhk na ikinatitig ni Nastia dito. “I don’t want to invade in Giel’s personal life, but may I know what happen to him to gain other persona? If I’m aware maybe I can do something for him, bago palang kaming mag-kaibigan ni Giel at hindi man naging maganda ang umpisa ng pagkakakilala namin, I somehow pity his situation, having other personality who means danger to him.” “Physical abuse cause of his father, Laochecko experience hell in his hands. You know the former Governor who’s in jail right now, right?” “Hades Beaufort? You mean ang dating governor ang ama ni Giel?”sambit ni Nastia na ikinatango ni Ruhk. “Yes, He suffered in his father's beating and nearly died. He’s locked up to the basement and not fed for the whole day, his father leaves him to starve. His father also killed his mother right in front of him, and he sold Laochecko's older sister. He experiences s****l harassment at the hands of his father's bisexual colleagues. He suffered enough that's why his mind created Ody to defend him, Laochecko escaped at the hands of his father because of Ody. Odysseus exist as a defense mechanism of Laochecko that time, and he wants to take over Laochecko’s life and erase the existence of Laochecko.”seryosong kwento ni Ruhk na sobrang ikinagulat ni Nastia sa mga narinig niya na mas lalo niyang ikinaramdam ng awa para kay Maki dahil sa mga pinagdaanan nito sa kamay ng ama nito. Hindi siya makapaniwala na may isang ama na kayang gawin ‘yun sa kaniyang anak, DID exist if a person experience trauma when they were a childhood, at ang mga narinig niya kay Ruhk ang nagpalinaw sa mga tanong ni Nastia tungkol sa kondisyon ni Maki. Hindi niya maiwasan na sumikip ang kaniyang dibdib sa mga pinagdaanan ni Maki, hindi niya alam pero nasasaktan siya maisip niya lang ang mga nangyari dito. “H-how a-awful…”mahinang sambit na kumento ni Nastia. “Every time he heard the name of his evil father, Ody takes over and we need to take him down. I know that DID last for a minutes but when the host drown in the pain of his past and thinks of not getting back, the alters will take over for long or maybe forever. That’s least we don’t want to happen to him, Laochecko maybe a pain in the ass sometimes but he deserve to have a normal life. It’s hard for him to cut ties with his father’s memories, but if you can help him, as his friend, please help him.”pahayag ni Ruhk na tumayo sa kinauupuan nito at bahagyang yumuko sa kaniya. “Help him to control his alter, or even his emotion to avoid the comings of Ody.”sambit pa ni Ruhk na hindi alam ni Nastia kung paano siya sasagot dito. Matapos ang pag-uusap ni Nastia at Ruhk tungkol sa kondisyon at nakaraan ni Nastia ay nagpaalam na ito sa kaniya, bumalik si Nastia sa opisina niya na tulala dahil walang iba na nasa isip niya kundi Maki at ang mga nalaman niyang pinagdaanan nito. Pumasok pa sa isipan ni Nastia na kung nabuo si Ody upang ipagtanggol si Maki sa panga-abuso ng ama nito, naisip niya na baka hindi ito ganun kasama. Siguro ay may kagustuhan itong manatili dahil alam nito ang paghihirap ni Maki at ayaw nitong mahirapan pa pero alam niyang ayaw ni Maki na mawala. Sa buong araw ay walang ibang iniisip si Nastia kundi si Maki at ang ikalawang persona nito, hindi siya nakapag focus sa meeting niya with the staff para sa mangyayaring exportation nila ng petroleum sa Europe. Kahit ang mga sinasabi ng kaniyang secretary na magiging schedule niya para bukas ay hindi niya masyadong naintindihan. Hanggang sa pag-uwi ay ito ang laman ng kaniyang isipan na ikinabuntong hininga niya, hindi niya alam kung bakit naapektuhan siya sa kondisyon ni Maki, siguro dahil naawa siya para dito dahil sa mga pinagdaanan nito na hindi niya akalain na mararanasan ng kagaya ni Maki. Nang maiparada na ni Nastia ang kaniyang kotse sa paradahan ay agad siyang bumaba doon, hapon na ng mag-out siya sa opisina niya at malapit ng mag-dilim. Palakad na si Nastia papasok sa loob ng bahay nila ng matigilan siya at mapakunot ang noo ng may isang di pamilyar na Ducati motorbike ang nasa paradahan nila. Mabilis ang kilos na agad pumasok si Nastia sa bahay nila, hindi niya dinaanan si Cathy sa day care ng teacher nito para sunduin dahil alam niyang susunduin ito ni Jacob, at alam ni Nastia na hindi gumagamit ng motor ang body guard ng kapatid niya. Nang makapasok siya sa loob ng kanilang bahay ay nakita niya si Cathy na naglalaro sa may sala at ng makita siya ay agad itong tumakbo palapit sa kaniya. “Ate! Welcome home.” Ngiting bati nito na ngiting ikinahaplos ni Nastia sa buhok ng kaniyang kapatid. “Mukhang nag-eenjoy ka sa paglalaro mo ah, binili ka ba ni Jacob ng bagong toy?”sambit ni Nastia na ikinailing ni Cathy sa kaniya. “No, hindi siya ang nag buy ng toy for me, si Kuya Pogi.”ngiting pahayag ni Cathy na ikinakunot ng noo ni Nastia ng mapalingon siya sa isang bulto na tumayo sa pagkaka-upo nito sa sofa at humarap sa kaniya. “Oh? Gie---“ hindi natuloy ni Nastia ang sasabihin niya ng agad niyang marealize na hindi si Maki ang nasa bahay nila at nasa harapan niya na nakangising nakatingin sa kaniya. Nakasuot ito ng itim na leather jacket at nakataasa ang buhok nito, para itong bad boy sa itsura nito na nakangising nakatingin sa kaniya. Naglakad ito palapit sa kaniya habang si Cathy ay binalikan ang pinaglalaruan nito at iniwan si Nastia at ang taong kakakilala niya lang kahapon. Ang presensya nito at ang klase ng binibigay na ngisi nito, hindi pwedeng magkamali si Nastia sa nararamdaman niya sa nasa harapan niya ngayon. “O-Ody?”sambit niya sa pangalan nito na mas ikinangisi nito sa kaniya. “That’s me, now you know the difference between me and Maki.”pahayag nito na hindi ni hindi mapaniwalaang ni Nastia na nasa harapan niya ngayon hindi si Maki kundi ang ikalawang persona nito. “H-how d-did y-you…anong ginagawa mo sa bahay namin?”agad na sita ni Nastia dito with matching turo pa kay Ody na ngising ikinahawak nito sa kamay niya na akmang aalisin niya pero hindi niya magawa dahil hinigpitan nito ang pag-kapit sa kamay niya na ikinatitig niya dito. “You can see yourself as a lucky woman, Livy, right?”sambit nito na pilit na kumakalas si Nastia sa pagkakahawak ni Ody sa kaniya na bahagya niyang ikinagulat ng hilahin siya nito palapit sa kaniya na aksidenteng ikinatuon ng isang palad niya sa dibdib nito at ramdam niya ang pagpulupot ng isang braso ni Ody sa bewang niya dahilan upang ilang inches nalang ang layo ng mukha nila sa isa’t-isa. “A-ano bang g-ginagawa mo, bitawan mo nga ako!”sitang singhal ni Nastia na hindi napaghandaan ang ginawa ni Ody, pero handa na sana niya itong gamitan ng pagiging karate champion niya ng magsalita itong muli. “I like a tough woman like you, and you’re the only one who slap me right on my freaking handsome face. So be my woman.”deretsahang  pahayag nito na ikinatigil ni Nastia at dumbfounded na napatitig kay Ody. “Be mine, right now.”sambit pa nito sa kaniya na unti-unting ikinalaki ng mga mata ni Nastia. “Eh?!!!!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD