Chapter 31- The Request. Split Intention to Love Conflicts Pumuno ang malakas na iyak ni Cathy sa bawat sulok ng kwarto na kinalalagyan ni Nastia na hindi niya magawang mapatahan habang nakaupo ito sa tabi niya at nakadukmo sa may hita niya, kanina pa niya ito pinapatahan pero patuloy parin ito sa pag-iyak. “Stop crying na Cathy, ate is okay naman eh.”pag-aalo ni Nastia sa kaniyang kapatid na mas lumakas ang pag-iyak na bahagya niyang ikinangiwi. Nagpapasalamat si Nastia na walang masamang nangyari sa kapatid niya na malala maliban sa ilang gasgas meron ito sa mga braso nito, pero hindi niya rin maiwasan na ma-disappoint sa kaniyang sarili dahil hindi niya ito naprotektahan ng maayos. Naging mabilis ang pangyayari sa aksidente na nangyari sa kaniya, hindi niya alam kung anong nangy