CHAPTER 01

1759 Words
NEW LIFE IN MANILA. { ^_^ } * * * ( Salistina-Pov ) Wala akong gana makinig sa mga dinidiscast ng Professor namin, dahil abala ako sa pag iisip at nakasubsub lang ang muka ko sa desks. Inisip ko parin ang tungkol duon sa sinabi sa akin ni Lolo kagabi na gusto nila mommy at dady na sumunud ako sa kanila duon sa Maynila at duon ko nalang daw ipagpatuloy ang pag aaral ko hanggang sa makatapos ng ng kolehiyo. Napapasimangot nalang talaga ako sa tuwing iniiisip ko iyun. Maganda dito sa probinsiya at tahimik, sila lolo at lola lang mga nakakasama ko. at lahat ng gusto ko nagagawa ko at hindi rin nila ako pinapagalitan, kaya gustong gusto ko talaga dito sa probinsiya kesa sa maynila. Hindi naman sa ayaw ko makasama sila mommy at daddy, pero hindi ko sila maintindihan minsan dahil sobrang higpit nila sa akin ngayon na nag dalaga na ako, at malapit na ako tumuntong sa 18 years old. masiyado kase silang mahigpit sa akin at palagi rin akong pinapagalitan. * * * Pasado 5pm na ng hapon ng makauwe ako sa bahay namin, tahimik akong tumungo sa loob ng bahay at nadatnan ko naman si lolo na nakaupo sa malawak na sofa kung saan may hawak itong tungkod. Lumapit ako at nag mano sa kanya. " Apo! buti naman at narito kana." Masayang bati sa akin ni lolo. " Opo lo! medyo natagalan lang sa pag uwe kase pinaglinis pa kami ng prof sa classroom." " Ang tagal mo naman Salistina, kanina pa kita hinihintay!" Agad ako napalingun at nagulat ako ng makita ko si mommy na masungit na nakatingin sa akin. "Mommy?! b...Bakit po kayo nandito?!" Gulat kong tanong kay mommy at wala man lang pasabi na uuwi. "Shempre sinadya kong umuwi para masigurong maisasama na kita papuntang maynila. Alam ko nayang karakas mo Salistina!, wala kang pinapakinggan na salita namin ng daddy mo, at ang tigas?! talaga ng ulo mo, ilang buwan na hanggang ngayon hindi ka parin pumupunta ng maynila. kaya minabuti kona uwian ka talaga dito dahil alam kong hindi ka na naman pupunta" Inis nitong sabi at pinapagalitan na naman ako. " Susunud naman po ako mommy!, may tinatapos lang na mga final exam sa subject teacher ko, at hinahabol kopo ang grades ko duon, para makapasa po ako!" " Huwag kanang magpalusot pa!. Bukas ng madaling araw na ang flight natin at mag impake kana ng mga gamit mo!" masungit nitong bulyaw sa akin na lalo ko namang ikinasama ng loob. "Nge.. nge..nge!!.." Inis ko pagmamakdol sa isip ko at pinagbibilatan ko nalang ito ng mata habang nakatalikod at naglalakad papunta kila lolo. Ako naman itong padabog na umakyat ng hagdan at nakasimangot. " Uuwi uwi pa kase dito tapos sesermonan lang ako!, Wala man lang ba pa pasalubong na kiss?" Inis kong isinara ang pinto at parang maiiyak na ako dahil sa kasungitan ni mama. " Anak ba talaga nila ako? Bakit kung pagalitan ako wagas, hindi naman ako pasaway, pero matigaslang ang ulo. Magkaiba naman ata siguro iyun ng meaning?" Pumunta naman ito kung saan nakaupo ang matandang don. at may importante silang pinag usapan. " Sharmain anak, kamusta ang negosyo natin sa maynila?!" Mababang tanong nito, sa ina ni Salistina. " Papa!, Habang tumatagal pababa ng pababa ang mga client holders natin at pati ang mga prodokto na aapectuhan na, pati ang mga investor ay unti unti ng nawawala sa atin. Malaki ang ikinababa ng ating negosyo, papa! at apektado talaga tayo nito!" Sabi niya sa kanyang ama na bakas sa mukha nito ang labis na pag aalala para sa kanilang negosyo. Huminga muna si Don Felipe bago muling nag salita. " Sobra sobra nga tayo ma aapektuhan nito at kaylangan natin ng malaking investor na makakayang i-angat ang palugi na nating kompanya para muling bumalik ito sa dati. " huwag kang mag alala papa!, May nakahanda naman na kaming plano ni dave para sa ating negosyo, at huwag mo ng problemahin pa ito kami na ang bahala, hindi din ako papayag na basta basta nalang mawala ang pinaghirapan mong palaguin at ipundar papa!," Magiliw nitong sabi na tila baay magandang naiisip. "Mukang naiintindihan kona ang ibig mong sabihin sharmain!. Tungkol ba ito sa arranged merried? nila Salistina at yung nag iisang anak ng Business partner namin dati sa negosyo!, malaki nga ang impluwensiya nila sa larangan ng negosyo at sa nag daan taon sobrang lumago ang kanilang negosyo at kalat na ito sa ibat ibang panig ng mundo. Hmm siguro binatang binata narin ang batang iyun!" Tumawa lang ito habang may nakakatuwang iniisip. " Oo papa at balita ko nandito na daw sila ulit sa bansa at kasama nila ang kanilang anak isang taon na sila dito at nag aaral ngayon ang kanilang anak sa sarili nilang universidad. Plano ko duon pag aralin si Salistina ng Collage sa pinapasukan ng kanilang anak upang ng saganun ay magkakilala sila at mapalapit ang loob nila sa isat isa, at para hindi na sila magulat pag ikakasal na silang dalawa!" Sabi naman ng ina ni Salistina na tila ba sayang saya ito dahil nalalapit na nilang makuha ang matagal na nilang pinapangarap na permanent Contract sa pamilya ng mapapanhasawa ng kanilang anak. " Hindi ko alam kung anung magiging reaction ng anak mo pag nalaman niya ang tungkol dito, tiyak na hindi yun papayag sa gusto mong mangyari. Nag alala lang naman ako para sa nag iisa kong unika iha dahil magpapakasal siya sa lalaking hindi niya pa nakikilala at hindi niya mahal, na aawa ako para sa kanya, naiipit siya sa situation na kayo rin naman ang dahilan bakit unti unting na bankrupt ang ating kompanya dahil dyan sa asawa mong sugarol!" Natameme lang naman si Sharmain sa sinabi ng ni Don felipe. " Pa huwag na nating pag usapan yan, past is past okay, nagawa naman na ni Mateo ang lahat para lang hwag lang bumagsak ang ating kompanya, pero dahil sa matindi na hina kaya hindi na ito na agapan pa!" Mag susumamo nitong sabi sa kanyang ama na puno ng pag sisi. " Ito lang ang masasabi ko para sa nag iisa kong apo anak, huwag mong ipilit pag hindi talaga puwede, ayaw kong makikitang nasasaktan ang apo ko!" Mahinahon nitong paliwanag na may kalakip na pagbabanta. " Kami na ni Mateo ang bahalang magpaintindi sa kanya ng situation ng Kompanya papa, at nasisiguro kong papayag din si Salistina sa gusto nating mangyari! para din naman ito sa kinabukasan niya" Nagagalak nitong wika at punung punu ng pag asa sa kanyang mga sinasabi. Hindi na naman na sumagot pa si Don felipe. Alas nuwebe na ng gabi at hindi parin nakakatulog si Salistina. Hindi parin kasi ma alis sa isip nito ang posibilidad na mangyayare pag kadating niya ng maynila. "Haist!! nakakainis, Hindi pa nga ako nakaka adjust sa mga bago kong mga classmates sa room, heto na naman panibago na namang adjustment sa maynila!" Alanganin nitong sabi sa kanyang sarili at tila may pag aalala. Makalipas ang ilang oras, at ginising na siya ng kanyang ina para mag agahan, dahil maaga ang kanilang flight papuntang Maynila. " Salistina huy gising!!" Pang uuyug ng kanyang ina para siya ay magising. Tatlong oras lang tulog nito kaya nahirapan ito bumangun agad, bigla nalang ito napabalikuwas ng bangun ng bigla siyang kurutin ng mommy niya sa singit. " Aray mommy!, ganyan kaba talaga manggising na ngungurut ng singit?" Makdol nitong sabi habang kinukuskus ang mata ng kanyang daliri. " Dalian muna dyan Salistina at ma-aga pa ang alis natin, maligo kana at mag agahan samahan muna akong kumain!" Mahina nitong sambit at tumalikod na. lumakad aman ito palabas ng kwarto ni Salistina. Inis na tumayo si Salistina, at nagdadabog na tinungo ang pinto. "Si mommy talaga eh, nakakainis na talaga!" Agad naman na itong naligo, matapos ang ilang minuto sabanyo, at ng makapag ayos na rin, ay agad na ito bumaba na datnan naman niya ang kanyang mommy na kumakain na. Ngumiti naman siya ng makita nito ang niluto ng kanyang mommy na hotdog at itlog at ham at may slice bread. hindi naman na naalis ang ang ngiti niya sa labi ng makita nito ang isamg tasa ng gatas. " Wow ang sweet naman ni Mommy at ipinagtimla pa talaga ako ng gatas, sana ganito nalang palagi, mabait naman talaga si mommy, kaso nangingibabaw parin talaga ang pagkatigre ng ugali nito kung minsan, at gusto lagi siya ang nasusunud!" Naupo naman na ito sa harapan ng kanyang ina. At tahimim silang kumain. Bigla naman naisip ni Salistina na kausapin ulit ang mommy niya, nagbabakasali siyang magbago ang isip nito. Bukod duon ma miss din niya ang mga kaibigan niya at ang ganda ng lugar sa kanilang baryo. " Mommy, ang bilis naman po ata ng desisyon ninyo na pumunta ako agad ng maynila, may second exam pa ako na kailngan ko maipasa mommy, sayang naman kasi iyun!" Medyo na nginginig pa niyang sabi sa kanyang ina at tila takot itong marinig ang isasagot nito sa kanya. " inayos ko na ang lahat Salistina kahapon, kinausap ko narin ang mga teacher mo at ang principal ninyo, ipapadala nalang nila sa bagong University na papasukan mo pag nandun kana sa may nila!" Maikling paliwanagng kanyang mommy na ikinabigla niya at wala nalang siyang nagawa kundi ang manahimik at ipagpatuloy ang kinakain dahil wala rin naman silang magagawa at lalong lalake lang sigalot nilang dalawa pag nagpatuloy pa siya sa pagtanggi. "Ang bilis naman ata ng pangyayare at hindi parin ako makapaniwala na duon na ako titira sa Maynila." Bulong nito sa kanyang sarili. ( FAST-FORWARD ) Payapang nakarating sila Salistina at ang mommy niya sa kanilang Bagong tirahan. Nagulat pa ng bahagya si Salistina ng makita ang bago nilang tirahan. "Mommy lumipat na pala kayo ng bahay, ni daddy! Mas maganda ito kumpara duon sa dati." Tipid nitong sabi at na e'excite na pumasok sa loob. " Ipinahanda ko narin ang magiging kwarto mo sa taas Salistina!. Ang daddy mo abala pa sa office at mamaya nandito nayun!." Mahinanitong sabi. Agad naman lumapit ang mga dalawang katulong nila at kinuha ang mga bitbit nilang mga bagahe, "Oh Salistina mag pahinga kana dyan anak, may pupuntahan pa ako!" " Saan po ang punta n'yo mommy!" Takang tanong nito. " Isa sa mahalagang client anak, at hindi mag tatagal makilala morin sila!" Naka ngiti nitong sabi, na sobrang ipinagtaka naman ni Salistina. " Ha!..Bakit naman ako nasali!? Ang gulo talaga ni mama kausap hindi ko siya maintindihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD