*
*
*
ლ(・ヮ・ლ)
AZRAEL LIAM POV.
Wala nabang ibang alam tong babae nato kundi pagmasdan ako palagi?!, naiinis na talaga ko sa kan'ya!, At ang isa pa sa kinaiinisan ko talaga ay yung pag ngiti ngiti niya sa akin na parang baliw.
Kung puwede lang sana hindi na pumasok gagawin ko para hindi ko na siya makita pa ulit, simula ng mag transferred siya dito sa paaralan namin palaging sira ang araw ko.
" I hate that stupid woman " Inis nitong sabi sa kanyang sarili habang nanggigil na nakatitig sa kinaroroonan ni Salistina.
Napansin naman siya agad ng mga kasamahan niya na nakatanaw sa harapan na kung saan tahimik lang na nakupo si Salistina.
" dude!.. Bakit ang sakit mong makatitig sa babaeng iyun?, don't tell me sa dinami dami ng babaeng naghahangad na tignan mo at nagpapasin sayo, mukang siya lang ang bukod tanging babae na pinagpala na nakaagaw ng pansin mo?! " Biro namang sabi ni Ashtone kay Azrael.
" She look pretty, pero mukang makulit!." Saad naman ni Clent. Na parang kapareho ni Azrael ng ugali, pero masalita naman ito minsan.
" Transferred siguro siya dito. Ngayon kulang siya nakita! " Wika naman ni Vincent. na mahilig sa babae.
Tahimik lang na nakikinig si Azrael sa sinasabi ng kanyang mga kaibigan, habang nakayuko at abala sa pag dotdot ng cellphone niya.
" Az!!..sinu ba sa ating lima ang tinitignan niya?..ikaw oh kami?, minu-mimuto kasi kung makasulyap dito, pare-pareho naman tayong mga gwapo, Im sure na ngayon lang siguro siya nakakita ng mala artistang pagmumuka natin. " Sabay tawa naman Christof.
At pasulyap siyang tumingin sa kinauupuan ni Salistina at masama niya itong tinignan sa mga mata kaya mabilis na nag iwas ng tingin si Salistina sa kanya.
" Bakit ako ang tinatanong nyo?!, hindi ko naman yan kilala at wala akong pakialam kung lumuwa nayang mata niya sa kakatitig. " Inis na Singhal naman nito sa kanyang mga kaibigan, agad naman sila natahimik ng mapansing hindi maganda ang araw nito.
*****---*-********--*-----------*********---
Habang kumakain sila ay napapansin na ni Cassandra ang pasulyap sulyap na tingin ni Salitina sa kina uupuan ng limang lalaki. bigla siya napangiti ng may maisip na itanong.
" Aham, Girl halatang halata kana oh!!.. Kanina kapa tingin ng tingin sa limang nag gugwapuhang heartthrob ng Cumpus ah, siguro type mo ang isa sa kanila noh! "
Agaran nitong tanong na nakangisi habang makulit ang mga matang nakatanaw lang sa hindi maipintang expression ng muka ni Salistina.
" Ha?!!...Teka ano Heartthrob ng buong school?! , Curious na tanong naman ni Salistina.
" Oo, binasagan silang heartthrob sa buong iskuwehalan dahil sobrang daming mga babae ang nagkakagusto sa kanila lalong lalo nayung nasa gitna yung maputi, si.. si Azrael?!!, Sobrang gwapo niya at anak siya ng may ari ng Universidad nato, at siya din ang napili ng buong school na maging ssg president." Mahabang salaysay ni Cassandra kay salistina.
Napa nganga naman si Salistina sa nalaman. At natameme nalang ito dahil hindi niya ina akala na anak pala ito ng may ari ng paaralan.
" Uy, sabihin mo may type ka sa isa sa mga yan noh?! " Pangunglit naman ulit na tanong ni Cassandra.
" Wala akong type ni isa sa mga yan!. Di baling tamaan nalang ako ng kidlat kesa magkagusto sa mga lalakeng iyan mukang mga play boy, at masyado ding mayayabang lalo nayung nasa gitna, ang sungit, at gwapong gwapo sa sarili eh, kala mo naman siya ang the most handsome in the word, kung itrato niya ang mga babae kanina parang ang baba ng tingin niya sa mga ito. " Napangiwi naman ng mukha si Cassandra sa sinabi ni Salistina.
" Ahh. si Azrael ba ang tinutukoy mo?!, Siya talaga ang pinaka cold sa kanilang lima, at pinakamasungit, at tahimik hindi mo talaga basta basta makakausap iyan, lalayasan kalang nyan at iisnabin. Ganyan na ganyan siya sa mga funs nilang babae, pero dahil sa taglay niyang gwapo kaya marami talaga ang nagkakagusto sa kanya. Pero bigo ang mga ito na mapansin ni Azh, dahil mukang wala sa bukabularyo nito ang makipag relasyon.
At naiinis siya sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya. " Mahaba na namang salaysay ni Cassandra. Na agad na tinanguhan ni Salistina.
"Bakit ang dami mong alam tungkol kay Mr sungit!!? " Taka namang pagtatanong ni Salistina,
" Matagal na kase ako sa paaralang ito apat nataon, kaya kabisado ko ang mga nagaganap dito! " Tipid nitong sabi at sumubo na ng pagkain.
Buti nalng at hindi ako nadulas kanina nung tinanong niya ako. Oo aaminin ko kahit sinung babae magkakgusto talaga sa kanya. At inaanim kong isa na ako sa loka lokang babae na nahuhulog salaking iyun, pero mukang malabo naman ata na magustuhan niya ako, kasasabi palang ni Cassandra na wala itong hilig sa babae.
Siguro hanggang pag hangga nalang ako sa kanya, gaga windowin ko nalang siyang inspiration para ganahan akong pumasok araw araw, tutal wala namang makakaalam, na may Crush ako sa kanya.
Agad na tumunug ang bell hudyat na ng simula na ng Class. Bago kami umalis sa canteen, mabilisang pag sulyap ulit ang ginawa ko kung saan nakaupo si Mr sungit, kaso ng tignan ko ito ay wala na sila, kaya nagmadali nalang akong umalis na una naman na si Cassandra dahil marami pa daw itong gagawin.
Bago ako tumungo sa classroom naisipan kong sumaglit muna sa locker para ilagay ang mga iba ko pang gamit. Tulad ng libro, at kumh ano ano pa.
Nang makarating ako sa locker erea ay nagulat ako ng makita kong nandun din pala si Mr sungit, at may inilalagay ito sa loob ng kanyang locker habang seryoso ito sa ginagawa. Nag lakas loob naman na ako maglakad papasok ng erea.
Yung kanina na mapang asar ko na ugali ay agad na, nawala bigla, at napalitan ng kaba at pagbilis ng t***k ng puso ko sa tuwing makikiga ko siya, parang humihinto agad ang ikot ng mundo ko, ano ba ito Crush lang ba talaga?!, Grabe naman isang araw ko lang nakita Crush na agad?, Diba puwedeng paghanga lang itong nararamdaman ko?!.
Agad ako napabalik sa realidad ng marinig ko nanaman itong mag salita!
Gosh, bakit pati boses ang hot, ang sarap pakinggan?, Pero yung titig juice ko, parang kakainin ka ng buhay.
" What are you doing here?, Are you following me?!, " Masungit nitong sabi na ikina ngiwi naman agad ng muka ko.
Ano daw following?, Huy kupal ka hindi kita sinusundan noh. Nagkataon lang na nandito ka ng pumunta ako.
"HA?..hindi, may ilalagay lang sana ako dito sa locker ko." Tipid kong sagot at pinili ko nalang yumuko hindi ko kase matagalan ang makamandag nitong titig sa akin eh.
" May locker kana ba dito?, Di ba ngayon pa lang ang first day of school mo, so pano ka nagkaruon agad ng locker?. For your info, isang linggo bago ka magkalocker.
Hindi naman ako agad nakasagot sa kanya, at nakatulala lang ako sa maamo nitong muka.
Nagulat naman ako ng bigla ito maglakad, at teka papalapit sa akin?, 'oh no?!,' lumapit ito sa akin na ikinaatras ko naman, napalingun-lingun pa ako sa paligid kong may mg studyante paba sa Locker erea, pero wala eh kami lang dalawa ang nandun ng oras nayun.
Nanlalaki naman ang dalawa kong mga mata ng mabilis niya akong na corner sa may locker at nakulong ako sa pagitan ng dalawa niyang braso, halos lumuwa na ang mata ko ng bigla naman niyang inilapit ang muka niya sa akin, as in malapit na malapit na talaga. At isang dangkal nalang ay maghahalikan na kame. Mabilis kong inilingun ang muka ko sa kaliwa upang makaiwas sa labi niya at mga mata niyang mapang akit, shet, yung labi my Gosh ang pula at ang bango pa ng hininga. Hala ano ng gagawin ko? Shet ka kinikilig ako at ramdam ko na parang namula ang buong muka ko dahil sa ginagawa mo ngayon. hindi ko mapigilang hindi mapakagat sa ibaba kong labi habang nakapikit.
Kahit nakapikit ako ramdam ko pagdapo ng hininga niya sa pisngi ko at ang mainit niyang titig sa akin na hindi ko maintindihan ano bang trip ng unggoy nato.
Lah... Shet Yung puso ko parang gusto ng lumabas at ang bilis ng t***k,, Napalunok nalang ako ng sarili kong laway dahil sa posisyon namin ngayon.
Bakit ba niya ito ginagawa sa akin ngayon? ano bang trip ng unggoy nato at ginaganito niya ako?, nako naman imbis na Crush lang ang maramdaman ko sayo baka ma love at first day ako sayo dahil sa mga ginagawa mo ngayon sa akin.
" Why did you bite your lip?. Are you trying to seduce me? "
Agad ako napatingin sa kanya matapos niyang sabihin iyun, at hindi sinasadya na magtama ang ilong ko sa ilong niya, (pano amg tangos eh, ) at saglit akong hindi nakagalaw dahil sobrang lapit na ng labi nito sa labi ko at napapapikit nalang ako sa tuwing ma aamoy ko ang mala mentol niyang hininga. " Ang bango." Mahina kong usal,
" Hmm, naalala mo ba yung sinabi mo sa akin kanina, na sinabihan mo akong bakla. " Malamig niyang sabi. Maslalo naman akong nawindang sa mga sumunud na ginawa niya, ng bigla niyang idikit ang isa niyang hintuturo sa may leeg ko at dahan dahan niya ito sinundan ng tingin at kasabay ng daliri niya na dumaus-us ito hanggang sa gitna ng dibdib ko.
Mabilis ko Tinampal ang kamay niya at malakas ko siyang itinulak, na agad naman din niyang ikinalayo sa akin. pwro nagulat ako ng bigla itong ngumisi, yung nakakaakit na ngisi.
Minasamaan ko siyang tignan dahil pakiramdam ko pinagtitripan lang niya ako. at hindi ako makapaniwala na gagawin niya iyun, but deep inside ng katawan ko nakikiliti ako sa ginawa niya at aminado akong nagustuhan ko yun, charot ang landi ko noh.
Huminga muna ako ng malalim bago nag salita,
" Ang bastos mo!? ", Sabi ko habang yakap yakap ko ang katawan ko.
" Next time be careful what you say! if you don't want to regret it. " Napamulagat naman ako ng mata sa mga narinig,
Seryoso?, dito niya talaga ko gagahasain!?, Aba ang kapal naman ng muka, nako kung hindi lang kita Crush baka inireport na kita, kaso pano, kung sila ang may ari nitong school may magagawa ba ako?.
Hindi na ito nag salita. pa at perteng naglakad na ito na nakapamulsa lang at hindi na ako nilingun pa.
Walang hiya yun, naturingan pa naman ssg president ng buong school, may itinatago naman palang kalandian at ako pa talaga ang napiling landiin?. kala naman niya bibigay ako, shemre hindi, hindi dito aaaccckkk!!!.. landi bhe?!!..