CHAPTER 14 * * * * (o゚▽゚o) * Nakauwe na kami sa bahay, at hindi parin mawala sa isip ko ang mga napag usapan namin kanina. Pansin ko naman si mama na tulala parin at hindi makapaniwala na may ganung kalaking utang ang pamilya namin sa kanila. Gusto ko sana siya kausapin at tanungin tungkol sa set up nila sa akin, pero pinili ko nalang na manahimik at isang tabi nalang ang mga katanungan sa isipan ko. Pero ang isa sa hindi maalis sa isip ko, ay ang huling sinabi ni Mr sungit na. " Magpakasal nga hindi ko maatim, yan pa kayang gumawa ng bata at makipag siping sayo!." Walang gana nyang sabi sa akin at malamig niya lang akong tinignan na ikinatiklop ko talaga at ikinayuko nalang ako. Pakiramdam ko sobrang idina- down kona talaga ang sarili ko para sa lang sa pangalan ng pamilya namin