CHAPTER 21 " Are you done looking at my handsome face? ?! " Nanlaki ang mata ko sa sinabe nito, habang nakatitig sa kanya at nataranta ako sa pagmulat ng mata nya. Mabilis naman ako gumalaw at aligagang naupo. " Hindi, kapal mo naman, bakit naman kita pagmamasdan!? " Pagpapalusot kong sabe at inirapan ko lang ito. Agad ko napansin ang nakakaloko nyang pag ngiti habang nakatagilid at muli ipinikit ang mata. Pero bigla naman akong napangiti sa ere, ng makita ko ang isa niyang kamay na nakayakap parin sa akin. Napaipit nalang ako ng labi ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na kilig na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anung pumasok sa isip ko at bigla ko nalang hinawakan ang mga hintuturo niya at pinagsaklob ang aming mga daliri, ang hahaba ng mga daliri nya at ang kinis halatang hindi