Naglalakad ako kasama ang mga ugok pauwi sa amin. Kung nagtataka kayo kung bakit kasama ko sila ngayon ay dahil pinuntahan nila ako sa school. Sinundo nila ako para kumain sa labas kasama nila. Celebration daw ito dahil magsisimula na sila ng work next month. Syempre libre nila, alangan naman ako ang gagastos. Dakilang tambay nga ako ngayon kung susumahin. Hindi kami nagtagal sa labas dahil plano rin nila na pumunta sa amin. Malaki pa ang chance na mag-o-overnight na naman ang mga ‘to sa amin. For a short amount of time, my mind has been emptied from the thoughts bothering me. May mga sasakyan naman ang mga ‘to ngunit mas pinili nila na hindi ito gamitin. Mas masaya kami sa paglalakad lamang maliban na lang kung malayo talaga ang pupuntahan namin. It’s not new to us. Palagi namin itong