Four days after I came back home, nandito ako sa harap ng school gate namin, hinihintay ang mga gago kong kaibigan. As always, ako na naman ang naunang dumating sa nakapagsunduan namin kaya habang naghihintay sa kanila ay naki-tambay muna ako sa guard post, mabuti nalang ay kakilala at close ko na ang guards dito noong nag-aaral pa lamang kami rito.
Ewan ko nga kung ano ang pumasok sa isip ng mga kaibigan ko’t biglang nagyaya kagabi na bumisita raw kami rito. Tutal ay wala naman akong ginagawa sa bahay kundi tumunganga at panay stream lang sa internet kaya pumayag na rin ako. One week after the exam pa kasi ang release ng results ng exam namin. Ganito pala iyong sinasabi ng mga seniors na waiting game. Nakaka-kaba na nakaka-excite sa pakiramdam. Hindi mo maunawaan kung ano ang dapat na maramdaman.
Kinuha ko ang mobile phone ko sa side pocket ng suot kong shorts. Binuksan ko ang group chat namin. More or less ten minutes na akong nandito pero wala pa rin ang mga ugok. Baka tulog pa ang mga ‘yon, or worst, nakalimutan nila.
“Asan na ba kayo? Kanina pa ako nandito sa entrance.”
Agad na lumabas ang seen by everyone pagkatapos ko itong ma-send. Mabilis din na lumabas ang typing icon.
“Nandito na kami sa department. Kanina pa kami rito, Xav. Hahaha!”, reply ni Neil. Hindi ko napigilan ang pagkunot ng noo ko. Mga gago talaga. Kanina pa pala sila, hindi man lang nagsabi. Akala ko tuloy hindi pa rin sila nagbabagong-buhay.
“Gago kayo! Ba’t ‘di niyo sinabi?”
Agaran akong tumayo at nagpaalam sa guard na aalis na ako. Dahan-dahan akong naglakad sa hallway habang nakatingin sa screen ng cellphone.
“Akala kasi namin na nauna ka na rito sa amin. Alam naman natin na ikaw palagi ang early bird sa atin”, si Ian.
“Oo na. Papunta na ako. Ang gago niyo talaga kahit kailan.”
Nag-reply lang sila ng iyak-tawa na emoticon kaya binalik ko na sa bulsa ko ang cellphone. Kahit kailan talaga, wala pa ring pinagbago sa kanila. Wala na akong magagawa kundi ang sumunod sa department. Kung sinabi lang sana nila agad kanina pagkarating nila sa department, hindi na sana pa ako naghintay sa may gate at nagsayang ng oras.
“Xavier!" rinig kong pagtawag ng pangalan ko mula sa likuran kaya napatingin ako kung sino ang tumawag sa 'kin.
Hindi ko napansin na may nakasunod pala sa akin na naglalakad ng mabilis kaya nabangga ko ang balikat niya na naging sanhi para mahulog ang dala niyang mga folder at libro. Kumalat ang mga papel mula sa loob ng folder.
Hindi ako nag-aksaya ng oras pa at tinulungan siya sa pagpulot ng mga ito. Kasalanan ko rin naman kung bakit nagkagulo ang mga gamit niya lalo na’t mukhang nagmamadali rin siya. Saglit kong tiningnan ang mga papel na hawak ko sa aking mga kamay bago ako lumapit sa kanya. Napangiti ako bigla sa aking nakita. Hindi na kasi ito bago sa paningin ko -- mga review materials mula sa iba’t-ibang review schools.
Nakita ko na inaayos na niya ang hawak niyang mga reviewers kaya humakbang na ako palapit sa kanya. Nakababa ang tingin niya kaya hindi ko masyadong nakita ang mukha niya. Sa tingin ko, halos magkasingtangkad lang kami, may kaputian siya, at medyo malaman ang pangangatawan iyong matatawag mong cinnamon. Dumako naman ang tingin ko sa ID niya, hindi ko masyadong mabasa ang mga nakasulat kasi hindi ako nagsuot ng glasses. I just noticed na bago ang design ng ID at lanyard nito. Malamang first year siguro siya kasi hindi naman ganoon ang design ng ID last year. Possible rin na transferee kasi marami ang lumilipat dito. Ngayon ko lang kasi siya nakita rito. Halos kilala ko kasi lahat ng mga naging juniors ko rito either by name or by face.
“Pasensya na. Hindi kita napansin. Heto pala", hingi ko ng paumanhin sabay abot ng mga hawak ko.
“Thank you!” Kinuha niya ito agad at madaliang pinasok sa folder. Maglalakad na sana siya nang nakababa pa rin ang tingin at inaayos ang laman nito nang tinawag ko ulit ang pansin niya.
“Sorry ulit!” Hindi na siya sumagot pa at nagmamadaling naglakad palayo. Late na rin siguro siya kaya ganoon. Nakaabala pa tuloy ako for not minding na may tao pala na nakasunod sa likod ko.
“It’s really you, Xavier", tawag pansin ng kakarating lang sa gilid ko.
“Oyy, Kim, ikaw pala. Nagmamadali ka yata?” Kapansin-pansin ang pawis sa noo at leeg niya, bahagya rin siyang hinihingal.
“Oo eh. May quiz kami. Pupunta ka ba ng department?” habol hingi niyang sabi.
“Oo. Nandoon na nga ang mga ugok.” Natawa siya sa sinabi ko. Alam niya rin kasi kung gaano kaloko ang mga kaibigan ko kaya ganoon ang tawag ko.
“Gusto ko pa sanang makipag-usap sa ‘yo kaso malapit na magsimula quiz namin. Sabay na tayo maglakad papunta sa building natin.”
Gaya nga ng sabi niya ay sabay kaming mabilis na naglakad para mahabol niya ang oras. Nag-chat na nga ang mga ugok kung bakit ang tagal ko raw makarating sa department. Kanina pa raw ako nagsabi na papunta na, gayong hindi naman malayo ang department mula sa gate.
Isa si Kim sa mga juniors ko at naging kaibigan rito sa school. Currently, graduating na siya. Naging close kami dahil sa activities ng JPIA lalo na’t parehas kaming competitive. Isa siya sa mga hindi nagpapatalo. Isa siya sa palaging present sa mga tutorials namin na isa sa mga activities ng JPIA. Sa tutorial namin, ang mga seniors o mga graduating students ang nagtuturo sa mga lower years. Walang pinipili kung anong year level basta ay magsabi lang kung anong topic para mapaghandaan ng seniors. Ang nakaganda rito ay nakakapagreview na ang seniors sa past topics, may natutunan pa ang mga juniors. It’s a win-win situation.
“Dito na lang ako, Kim,” sabi ko nang makarating sa may department na malapit lang sa hagdanan. Nasa third floor pa kasi ang rooms ng higher years. “Good luck este God bless sa quiz! Hindi mo na pala kailangan ng luck,” natatawa kong sabi. Nagpaalam na rin siya’t nagmamadaling umakyat.
Bahagya muna akong sumilip sa bintana ng office. Tiningnan ko kung nasa loob nga ba talaga ang mga gago. Baka kasi gino-good time lang ako. Almost two seconds pa lang nang pagkakasilip ko ay napansin agad ako ng dean namin na napatingin sa gawi ko. Lightly tinted kasi ang windows ng department office kaya kailangan ko pang takpan ang gilid ng mga mata ko’t lumapit talaga sa glass para makita kung sino at ano ang nasa loob.
“Oh nandito na pala si Xavier,” tawag pansin ni ma’am dean.
“Sa wakas dumating na rin ang sure CPA natin,” anunsyo ni Neil sabay akbay na pagsalubong sa ‘kin. Giniya niya ako niya ako sa isang upuan.
Binati ko naman ang mga teachers na nadadaanan namin doon habang naglalakad kami ni Neil. Parang nakaupo ako sa hot seat pagkaupo ko pa lang, nagtanong kasi agad ang mga teachers namin about sa exam. Tila ba nasa isang interview ako. Sa aming lima, ako talaga ang tinatanong nila na mas lalong nakadagdag sa pressure sa akin.
“Kamusta naman ang exam? Kayang-kaya lang, hindi ba?” tanong ni Sir G. Siya ang pinakaclose kong teacher dito kasi siya ang palagi kung nalalapitan kapag may hindi ako maunawaan na topic o kaya sa problem na sinasagutan ko sa review materials noong nag-aaral pa ako rito.
“Okay naman, sir. Kaso ang taxation at business law talaga, parang ayaw talaga makipagkaibigan sa ‘kin,” I confessed. To tell you the truth, ito talaga ang weakness subjects ko kahit noong nasa undergraduate pa ako at pinaglaanan ko pa ng mas maraming oras pagdating ko noon sa formal review.
“Nasagutan mo naman, ‘di ba?” halata sa boses nito ang paghingi ng assurance. Heto na naman tayo.
“Oo naman, sir. May choices eh.” Natawa ang mga ugok pati na rin ang ibang teachers sa sinabi ko. “Pero seryoso, sir, may nasagutan naman ako kahit papaano. Hindi lang ako sure kung sapat na iyon hindi tulad sa ibang subjects. Hindi naman kasi ako kasing galing nitong mga gago pagdating sa taxation at business law,” pilit kong pagpapatawa kahit na nagsisimula na naman akong makaramdam ng mabigat na expectation sa akin. Ayaw ko talaga ng ganito.
“Ang importante, nasagutan mo pa rin,” singit ni ma’am dean. “At saka confident kami sa iyo. Ikaw kaya ang nakikita namin na may pinakamalaking chance maging CPA sa batch ninyo.”
And there, I am lost for words. I slightly closed my eyes and took a deep breath. Ayon na nga. Ito ang pinakaiiwasan ko. Ang mataas na expectation ng mga nakakakilala sa akin. It’s not that I’m saying na hindi ko kaya o hindi ko gusto ang accountancy, pero, pinanindigan ko na lang ito para matapos na. Hindi kasi ako pinayagan na sa malayo mag-aral kung saan nandoon talaga ang course na gusto ko. I was left with no choice but to take BS Accountancy and do my best for my parents para hindi sila ma-disappoint. It’s just that, kahit anong gawin ko ay may something na palaging kulang sa ginagawa ko. Tumahimik na lang ako.
“Ah sir, ‘di ba may quiz ka po ngayon? Kami na magpo-proctor,” biglang singit ni Neil.
“Oo, meron nga. Sure kayo na kayo na bahala?”
“Oo naman, sir. Lagot sa amin ang mga cheaters na ‘yan. Balita namin grabe ang nangyayaring cheating ngayon,” dagdag ni Junel na ngayon ko lang napansin na lumalantak ng Piattos.
Napansin siguro nila ang pananahimik ko kaya sumingit na sila. Ito ang isa sa gusto ko sa kanila. Marunong sila makiramdam kahit na minsan ay mukha silang hindi maaasahan.
“Okay. Sige. Iiwan ko na sa inyo. Ito pala ang questionnaires,” may binigay si sir sa kanila. “Five sets ‘yan kaya ayusin niyo ang pag-alternate.”
“Grabe naman ang five sets, sir. Ganoon na ba talaga kalala ngayon? Three sets lang last year sa batch namin,” si Ian.
“Parang ganoon na nga. May tiwala naman ako sa inyo kaya kayo na bahala magproctor muna sa ngayon. Total nandito naman kayo, para hindi rin masayang pagpunta niyo rito.”
“Makaka-asa kayo sa amin, sir,” nakasaludong sagot ng apat na gago. Natawa na lang si sir sa ginawa nila, pati ako hindi ko napigilan ang tawa. Mga magagaling talaga sa kalokohan. Buti ay sanay na si sir sa amin kaya parang barkada na lang kami kung mag-usap.
Sinabi ni sir kung saan ang room ng quiz at sinabihan kami sa new quizzes and exams rules niya. Hindi rin nagtagal ay lumabas na kami ng department office.
“Salamat guys. You saved my a*s in there,” sabi ko pagkalabas namin ng office. Parang nakahinga ako ng maluwag pagkalabas namin ng office.
“Naman. That’s what friends are for, right?”
***
Pokerfaced silang pumasok habang nakasunod lang ako sa kanila. Huminto ako sa doorframe at sumandal. Hinayaan ko na ang mga ugok ang kumilos. Sila naman ang may gusto nito’t damay lang ako. Pero kung hindi rin dahil sa ginawa nila ay malamang, kinakain na ako ngayon ng mabigat na pakiramdam.
Tumahimik ang silid nang makita nila ang pagpasok namin at naglingunan sila. Kilala na naman kami ng karamihan bilang senior. Nagulat lang siguro sila kung bakit kami ang nandito. Marami akong nakita na mga bagong mukha, na hindi naman nakaka-pagtaka kasi tumatanggap ang school namin ng transferees kahit na higher year na basta maibigay lang ang required grades at pumasa sa qualifying exam.
Pumunta sila sa gitna. Seryoso pa rin ang mga mukha, nananakot. Pero alam ko na pinagtitripan lang nila ang mga ito. Panigurado natatawa na silang apat sa loob-loob nila. Alam ko na kung paano mag-isip ang mga iyan pagdating sa kalokohan.
“Okay, listen everyone. I will only say this once,” panimula ni Neil. “Sir G let us handle this quiz, so, we will be your proctors for now. Since you already knew the rules set by sir G, we’ll expect that you’ll follow all those rules or else,” he smirked, “you already know the consequences.”
“And lastly, if we caught someone cheating, we’ll give you a warning for the first offense but on the next offense, sorry not sorry, we’ll get your answer sheet once and for all, finished or not,” singit ko. May nakita akong iilan na nag-react base sa mukha nila pero hindi na nagsalita. Ayaw namin talaga sa cheating dahil nangyari na rin ito sa batch namin. May nagcheat, binigyan ng chance ni sir na umamin sa kanya in private kaso hindi nito ginawa. Alam naman ni sir kung sino, ang kanya lang ay umamin iyong kaklase namin. Kaso ayon nga, hindi umamin, damay kaming lahat sa consequence, lahat nagsuffer. Our grades were put on hold. Akala nga namin na hindi kami makaka-graduate dahil sa nangyari.
May mga sinabi pa si Neil at si Ian regarding sa seating arrangement bago nila inayos ang front line seats na sinunod naman nang mga nasa likod. Si Junel naman ay nakatayo lamang katabi nila habang nilalantakan pa rin ang Piattos. Nakaka-pagtaka lang kung saan galing ang hawak niya, wala naman siyang dala na bag at kanina pa siya kumakain nito. Ibang flavour na nga ang kinakain niya ngayon. Si Bill naman, ayun at prenteng nakaupo sa teacher's table sa front, as usual, nagpapapogi.
Nang maayos na ang lahat, binigay na nila ang questionnaires. Lumapit naman na ako sa table sa harap pagkatapos nilang magdistribute ng questionnaires. Nag-uusap lang kami sa harap, as if na hindi namin sila binabantayan, iyong aakalain nila na hindi namin napapansin mga ginagawa nila.
Lima kami sa barkada, ako, si Neil, Ian, Junel at Bill. Since first year pa kami magkakilala ni Neil habang iyong tatlo ay noong fourth year na namin naging kaibigan, they were transferees that time. Halos magkapareho kasi ang mga schedules namin lahat kahit na regular kaming dalawa ni Neil at irregular naman silang tatlo.
Thirty minutes later, wala pa naman kaming nakikitang kakaiba. Usually, wala pa talagang kababalaghan na nangyayari kapag first hour, nasa last hour na ‘yan nagaganap. Kaya naisipan na rin namin na maglaro ng mobile game muna, pampalipas oras lang. Masasabi mo talaga na hindi na namin pinapansin ang sumasagot ng quiz ngunit disguise lang talaga namin iyon. Gaya ng sabi ko, sa last hour talaga may mga nagaganap, saktong pag-scan ko sa mga nagsasagot ay may nahuli ako. I smiled evilly na napansin naman ng mga ugok.
“Warning!” nakaka-intimidate na sabi ko. Nilakasan ko pa talaga para marinig ng mga nasa bandang dulo sa likod. Nilipat ko ang tingin ko sa kanila. I stared at the student I just caught a minute ago. Nakayuko na siya ngayon at calculated na ang mga galaw. Masyado kang halata, boy.
Napansin ko naman na nakatingin na sa akin ang iba. Hindi siguro sila makapaniwala na ganoon kabilis ang mata ko. Kahit na malabo ang paningin ko ay alam na alam ko ang mga ganyang galawan. Hindi mo masisisi kung bakit naging mapagmatyag ang mga mata ko sa ganyang bagay dahil nga sa nangyari sa batch namin. Lahat sa amin noon ay todo bantay sa paligid para malaman kung sino iyong naging sanhi ng pagtawag ko ng warning.
“Kung mahuli ko pa kayo ulit, pasensyahan na lang tayo,” paalala ko sa kanila.
“Ang harsh mo naman, sir,” pabirong usal ng apat. Mahina lang pagkakasabi nila noon.
“Wow. Coming from you four?” balik ko sa kanila.
We decided to roam around the room. Kanya-kanya kaming hanap ng spot para walang makalusot. Nadaanan ko pa nga si Kim na nagpa-finalize na ng mga sagot niya kasi black ballpen na ang ginamit niya sa pagsulat sa answer sheet at nasa last item na siya.
“Submit mo na ‘yan,” pabirong sabi ko. Agad naman niyang tinakpan ang mga sagot niya na ikinatawa ko.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad papunta sa may gitna at doon ko nakita iyong nakabanggaan ko kanina sa hallway. So, graduating din siya. It only means that he’s a transferee. He’s staring at my direction. Problema nito? Matagal siyang nakatitig sa akin, magkasalubong ang mga kilay, bago humarap at nagtipa sa calculator niya.
Okay. I get it. He was just remembering something kaya nakatingin siya sa kawalan at nagkataon lang na nandoon ako sa direction na tinitingnan niya. Natuon ang pansin ko sa kanya. He looks cute with the way he moves and his gestures. Mahahalata mo ang dedication sa kanya na wala ako. I wonder what his name is.