Introduction

2315 Words
“30 minutes left,” the proctor reminded.   I looked at the questionnaire on my table. Sh*t! Lagpas kalahati pa lang ang nasasagutan ko. Napatingin ako sa loob ng room. Marami na ang nakatapos at nakapagpasa ng kanilang mga answer sheets, habang ako nandito pa rin nakatunganga nang ilang minuto na sa nakaharap na papel sa akin.   This is the last day of the examination. My doomsday. Magkasama kasi sa isang araw ang dalawang subjects na kahit anong gawin ko ay ayaw talagang makipagkaibigan sa akin. I’m just thankful na may nasagutan pa rin ako kahit papaano kaninang umaga na sigurado ako. Buti nga’t naiahon ko pa iyon. Tapos ito naman ngayon, kahit niisang tanong ‘di ko masabi na sigurado ako sa sagot ko. I don’t understand a single thing here.   Napahilamos na lamang ako sa mukha ko. What am I gonna do? Hindi ako pwedeng bumagsak dito, sa subject na ‘to, lalong-lalo na sa exam na ‘to. One failed subject means failed in the whole examination.   “20 minutes left!”   Minadali ko na ang pagbabasa ng mga situational problems at mga tanong nito. Kung hindi ko ‘to bibilisan, baka hindi na ako umabot sa oras at hindi na tanggapin ang paper ko. My nerves started to eat my presence and confidence I had in day one.   Nagsimula na ring umingay ang labas ng classrooms ng  testing area dahil sa mga nagsilabasan nang mga examinees. Dahan-dahan nang nanginginig ang mga kamay at paa ko, at pinagpapawisan na ako habang sini-shade ang mga sagot ko sa answer sheet.   “10 minutes left! Finalize your answers.”   Tiningnan ko ang answer sheet ko kung may kulang o nakaligtaan ba akong item. And I am right. I still have some numbers left unanswered. Napabuntong-hininga na lamang ako at sinimulan ang pagshade ng random na letter choice habang pinapanalangin sa loob ng isip ko na sana tama ang pinagsasagot ko’t umabot sa minimum ang score ko rito.   “5 minutes left!”   I closed my eyes and took a deep breath. Bahala na. Whether I’m ready or not, wala na akong magagawa. At this moment, I did my best and everything that I can. I just hope that it would be enough for me to pass. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko if I fail. I need to prove that I can because everyone set their hopes high on me especially the ones who know me. One more thing, hindi ko kaya at matatanggap na ako ang makakasira sa legacy na naipundar ng pamilya namin. I don’t want to become the black sheep of the family.   Hawak ang lahat ng gamit ko, tumayo na ako’t nagsimulang maglakad palapit sa table ng proctor para magpasa. My hands were still shaking. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko – kung matutuwa ba ako dahil tapos na ang exam o matatakot sa possibility na maaring negative ang magiging result. It felt like one wrong entry could change everything.   With eyes only focused on my paper, I placed my answer sheet on the table.  In a blink of an eye, I noticed something’s off in it.   ***   Everyone was having the time of their life. I could see it on their faces as smiles formed together with their eyes. They’re celebrating. Mayroong mga busy sa pagkanta sa videoke na nasa harapan, ang iba naman ay kanya-kanyang sulat ng kanilang mga pangalan na may kadugtong nang tatlong letra sa freedom wall na nasa bandang likuran ng room. Masaya namang nakikipag-usap ang iba sa mga reviewers namin.   Nakaupo lamang ako malapit isang table kasama ang ilan sa mga kaibigan ko na pagkain naman ang trip. Ginutom daw sila ng exam kanina. Hindi ko mapigilan ang mag-isip kung paano nila nagagawang magsaya pagkatapos ng exam. Kahit ano kasi ang gawin ko para maging masaya ngayon ay hindi ko magawa. Iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina sa exam at sa dadating pa na mga araw para sa results. Ang hirap maging masaya kung alam mo sa sarili mo na pasan mo sa balikat ang mga salita na dapat mong isabuhay – ang pressure at mataas na expectation ng mga tao sa iyo.   “Oyy, Xavier! Ano ba iniisip mo? Kanina ka pa tulala diyan,” sabay tapik nito sa balikat ko.   Bigla akong napatingin sa katabi ko. Hindi ko na namalayan na kanina pa pala ako nakatulala. “Ha? Wala naman. Pagod lang siguro ako.”   ”Alam mo, huwag mo na isipin ang exam. Tapos na ‘yon. At saka siguradong pasado ka naman,” inakbayan ako ni Neil na tila sinasabi niya na okay lang ang lahat. “Hindi na nga namin iniisip iyon na kahit alam namin na dehado kami. Diba, mga ugok?” tanong niya sa ibang kaibigan namin na nasa table rin. Tinawanan lamang ng iba ang sinabi ni Niel. I know that he’s just making the mood lighter like he always does but I can’t help it. Naiisip at naiisip ko pa rin talaga.   “Just forget what you’re thinking of, Xavier. Heto baso oh! Let’s enjoy this night,” inabot ni Ian ang basong may lamang alak. Napailing na lang ako’t kinuha ang iniaabot niya. I really envy them. Nagagawa nilang magsaya kahit na pressured din sila. Well, understatement naman na ang pressure kapag nasa accountancy ka. It’s not new at all. People will even assume that you’re smart and good in math once they find out you take accountancy, the most common misconception of others.   Halos pagbabalik-tanaw ang naging usapan namin sa mga karanasan namin sa undergrad lalong-lao na ang mga kalokohang ginawa namin sa loob ng limang taon, maging ang iyakan scenes namindati na parang daig pa ang broken hearted sa love life na pinagtatawanan na lang namin ngayon. Who would have thought that we’ll survive this course? Mga loko-loko kaya ang mga ‘to tapos umiiyak pala kapag hindi nakakaabot ng cut-off grade kaya todo sunog ng kilay para makabawi sa finals.   “Nag-i-enjoy ba ang lahat?” tawag pansin ni Sir Mark sa lahat. Siya ang pinakabibong reviewer rito sa review school at sumasabay talaga siya sa aming mga reviewee. Halos sabay naman ang lahat sa pagsagot sa kanya ng oo bilang pagsang-ayon.   “Para mas mag-enjoy tayo, at dahil alam niyo naman na palaging may free concert kapag ako ang nagtuturo, kaya ngayon, kayo ang magcoconcert. Dapat may representative ang bawat school,” paliwanag ni sir. Lalong umingay ang silid dahil sa sinabi ni sir. Nagtuturuan pa ang ibang reviewees from other schools. Ganoon din ang mga kaklase ko, lumilinga pa nga ang iba na tila ba may hinahanap.   I immediately took the way towards the nearest door the moment I realized what sir Mark just said and what my classmates were doing. Alam ko na ako ang hinahanap ng mga mata nila. Ilang pulgada na lang ang layo ko sa pinto’t pipihitin ko na ang doorknob nang may naramdaman akong humawak sa aking braso. Slowly, I turned my head to the person holding my arm. Agad kong nakita ang malaking ngisi sa labi ni Neil. I’m dead.   “Sir, si Xavier na sa amin!” sigaw ni Neil sabay turo sa akin gamit ang kabilang kamay niya. Naghiyawan naman ang barkada pati ang mga schoolmates namin sa inanunsyo ni Neil. I face palmed mentally. Wala talaga akong lusot pagdating sa ganito.   “Nako, sir, panlaban talaga namin ‘yan,” gatong naman ni Junel.   “Talaga? Manang-mana naman pala talaga sa akin itong foster son ko, talented.”   Wala na akong nagawa pa kundi ang sabayan ang kalokohan ng gago kong mga kaibigan. Ako na naman ang nakita nila. Grabe na ang cheer nila kahit nasa mesa pa lang ako. Tinutulak na rin ako ng mga katabi ko na pumunta sa harap kung saan nakatayo si sir malapit sa videoke. Ako na lang ang nahihiya sa pinaggaga-gawa nila.   Pinatayo lang muna ako sa may tabi ni sir habang hinihintay ang magiging representative ng ibang schools. Mostly galing ng CARAGA, region 10 at 11 schools ang mga nandito since ito ang malalapit dito.   Pinaliwanag agad ni sir kung ano ang mangyayari nang sa tingin ni sir ay na kumpleto na lahat at representated na ang bawat school na may reviewee rito. “Ang gagawin niyo lang ay pumili ng best song niyo, kakantahin niyo ito. Pagalingan. Kung sino ang sa tingin namin, mga reviewers, ang pinakamagaling ay may matatanggap galing sa amin. Isa-isa kaming may ibibigay.”   Napa-wow kaming lahat sa sinabi ni sir. Hindi kami makapaniwala na sobrang galante nila ngayon. Kapag may review class kasi kami at binibiro namin sila na manlibre ay puro jokes lang ang nakukuha namin. Pero ngayon, isang bagsakan ata ang mangyayari. One time shot ika nga nila.   “Pero, naka-depende pa rin sa gagawin at ipapakita niyo ang ibibigay namin. Kaya galingan niyo, mga bata.” Tiningnan ako ni sir. “Lalong-lalo na ikaw, anak, huwag mo akong ipahiya,” pahabol pa niya’t gumawa ng hand gesture na I am watching you. Dahil sa ginawa ni sir ay nakarinig kami ng mga biro mula sa ibang reviewees na may bias daw na nagaganap na tinawanan ko na lang.   Pinauna ko muna ang iba sa pagpili at paghanap ng mga kanta nila habang nag-iisip pa ako kung ano ang pwede kong kantahin. Umupo ako sa bakanteng monoblock katabi ng kaklase ko na malapit lang sa harapan. Medyo matagal na rin kasi ang huling beses na kumanta ako. I need to choose the right and perfect song that will fit my vocal condition as of the moment. Hindi ko rin naman gusto ma-compromise ang performance ko at mapahiya dahil sa wala na akong practice.   “Ano kakantahin mo?” tanong ni Angel na nasa tabi ko.   “I’m still thinking.” Natawa ako sa sagot ko. Sa katunayan, wala talagang pumapasok na song title sa utak ko ngayon. I don’t know why pero ganito palagi ang nangyayari sa akin kapag impromptu, nakakalimutan ko lahat ng mga kantang alam ko.   “Kung i-repeat performance mo kaya ang sa JVoice mo?” she suggested. “Since marami sa mga kaklase natin ang gusto marinig ‘yon kaso walang nakapagvideo noon sa convention.”   Napaisip ako. Pwede rin naman iyon. But that song was very complicated in terms of technicalities. Muntik ko na ngang hindi mairaos iyon during my previous competition. I can vividly remember that moment. Muntik ko na ipahiya ang sarili ko sa harap ng maraming tao, my fellow accounting people. Sa katunayan, kaya ko naman ang kanta talaga, nag-aalangan lang ako sa ngayon na baka hindi ko maabot lalo na’t palaging puyat these past months especially the week before the CPALE.   Hindi nagtagal ay may naglagay na ng mga kanta nila. Hindi muna pinapa-play ni sir ang mga ito. Dapat makapaglagay daw muna lahat bago magsimula para walang lamangang maganap. Kaya dagli akong pumunta sa kung saan ang song book at hinanap nga iyong sinuggest sa akin ni Angel. Hinanap ko agad ang number nito. Mabuti nga’t mayroon na rito. Medyo bago pa kasi ang kantang ‘yon at nahirapan pa nga akong humanap ng instrumental nito noon.   Nahiya ako bigla nang sinimulan agad patugtugin ang naunang kanta pagkatapos kong mailagay ang akin. Ako na lang pala ang hinihintay nila para makapagsimula na.   Habang nagsisimula na ang so-called concert according kay sir Mark ay namigay naman ang ibang reviewers ng tig-isang bottle ng flavoured beer. Pinatong ko lang muna sa table ang sa ’kin. Mahirap na, baka mag-iba condition ng lalamunan ko kapag nakainom ako. Baka hindi ko maabot ang kanta’t maging manok pa ako kapag pumiyok. Magagaling pa naman ang mga nauna sa akin. Mahahalata mo na mga panlaban din sila ng local chapter nila. Iyong iba nga hindi ko inakala na magaling pala kasi mga low-key lang during our review time.   When it’s my turn already, Neil suddenly shouted, “Beware! Ayan na ang halimaw!”   Tiningnan ko siya at tinaas ang kaliwang kamay ko, but instead na dirty finger ay hintuturo ang itinaas ko na tinawanan lang nila. Kahit kailan talaga, attention stealer ang gago.   Nagsimula na ako’t ini-enjoy ko na lang ang pagkanta. Naging maingat pa rin naman ako para hindi ako mapahiya. Todo sigaw naman ang mga ugok kong mga kaibigan sa hindi kalayuan. Mga walang-hiya talaga ang mga ito. Ako ang huling kumanta kaya sakto lang pala talaga na ito ang pinili ko. Pang-finale.   Narinig ko ang palakpakan ng mga taong nandito lalong-lalo na ng mga ugok na sobrang saya. Akala mo kung ano ang napanalunan, daig pa ang naka-jackpot sa lotto.   “Ang gagaling ng mga representatives natin ah! Walang nagpapatalo, manang-mana talaga sa akin,” simula ni sir Mark na ikinatawa ng lahat. “Kanina pa kami nag-uusap-usap sa likod dahil ang hirap pumili sa ating mga representatives kung sino nga ba talaga ang karapat-dapat. Kaya,” tumigil si sir at saka nagbigay ng malapad na ngiti, “napagkasunduan namin na lahat kayo ay may makatatanggap mula sa amin.” Isa-isa niya kaming binigyan ng exclusive and limited shirt ng review school at isang maliit na envelope na sa tingin ko ay may lamang pera.   Marami pang palaro ang pinangunahan ni sir na sinalihan naman ng iba na hindi pa nakakasali. Hanggang sa pakunti nang pakunti ang natitira’t napag-usapan kung ano ang plans namin after ng results. Doon na ako hindi pa nakapagsalita. Everything in my life is already planned which should be followed accordingly. If not, I don’t know what will happen to me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD