2 | Xavier

1636 Words
Walang tigil na pasok ng notifications ang bumungad sa akin pagka-online ko. Sunod-sunod ang chats mula sa group chat ng batch namin. Naghintay muna ako ng ilang minuto para matapos ang pagpa-pop out ng chats, sobrang dami kasi talaga ang pumapasok na chats. Ganito ba sila ka-excited sa pag-release ng results? Ngayon lang kasi ulit nabuhay nang ganito ang group chat namin. Parang may rumble na nangyari habang naka-offline ako. Nang sa tingin ko’y naging normal na ang pasok ng chats ay binuksan ko na ang group chat. Nag-back read muna ako para makasabay sa pinag-uusapan nila.   Tungkol sa result ng exam ang topic nila. Nawala sa isip ko na ngayon pala ang target day ng release. Excited na kinakabahan na raw sila lalo na’t almost midnight na inilalabas ang results base sa previous batches at minsan ay umaabot pa ng madaling araw ang pag-release nito kaya puyatan talaga ang nangyayari. May iba naman na nagbabatian na ng congratulations in advance na isinawalang bahala ko na lang. Ayoko mag-isip ng kahit na ano connected dito. Baka kung ano na naman ang maisip ko’t kainin ako ng mabigat na pakiramdam na palaging nangyayari sa nagdaang mga taon.   I muted the group chat after I read all the previous messages. Sigurado kasi akong sasabog na naman ito mamaya pagbalik ko na hindi malabong mangyari. I know them. Basta anything na related sa batch namin or may epekto sa batch namin ay pag-uusapan agad nila rito gaya noong sa cheating issue before we almost didn’t graduate. Nagkagulo talaga sa group chat that time.   Kung gaano kaingay ang group chat ng batch namin ay ganoon naman katahimik ang group chat ng mga ugok. Malamang tulog pa ang mga ‘yon. Alas tres ng madaling araw na kami nakatulog dahil ayaw nilang tumigil sa paglalaro hangga’t hindi raw kami nakakabawi sa lose streak ng nilalaro naming online game. Hindi talaga ako mahilig sa online games, nadala lang nila ako dahil kulang daw sila palagi ng isa kaya pinipilit nila ako. Okay lang naman sa akin lalo na ngayon na wala kaming inaalala na ibang bagay. Ngunit noong nag-aaral pa kami, palagi ko silang inaayawan. I prefer to study and review than play any mobile, online, or digital game. Sayang kasi ang oras at kailangan kong ma-maintain ang standing ko or else magiging talk of the town ako.   I checked the time nang sa tingin ko’y hindi talaga magpaparamdam ang mga gago. It’s already ten in the morning. Tumayo na ako’t lumabas ng room ko para kumain.   As usual ako na naman mag-isa ang natira dito sa bahay. Both of my parents are working while my younger brother is in Cebu, studying his chosen degree. I sighed. Hindi ko mapigilan na makapag-isip na mabuti pa siya pinayagan na  kunin ang gusto niya talagang course. No one held him back. Sa aming magkakapatid siya ang swerte, pinakaswerte.   I went back to my room after I ate alone to get some more sleep. Inaantok pa talaga ako at kaasalanan talaga ito ng mga ugok. Palaging ganito ang routine ko rito sa bahay kapag ako lang mag-isa lalo na nitong nagdaang mga araw. Well, kahit nandito ang parents ko, parang ako lang din naman ang nandito sa bahay.   ***   “Ngayon ang release ng result, tama ba?” si papa habang nasa hapag kami. He was sitting at the corner of the table, the driver’s seat as what we call in our childhood days.   “Oo,” walang gana na sagot ko. I don’t know why I don’t feel any excitement or what. Parang normal lang. Wala lang. Is this weird? Or am I just used to it?   “So, aabangan mo ang result ngayon?”   “Nope. Malalaman ko rin naman kung pumasa ako kapag maraming nag-chat and message,” sagot ko.   “Well, congrats in advance! May new CPA na naman sa family,” he said proudly.   Hindi na ako sumagot. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Hindi na rin naman ulit nagtanong pa si papa. Si mama rin ay nakikinig lang. But I know within their minds that their expecting so high from me; that, I can be like my older sister.   I can still barely remember how their expectations escalated when I chose Bachelor of Science in Accountancy and entered the most prestigious school here in our place. Iyon ‘yong araw na naging no choice na ako dahil hindi nila ako pinayagang mag-aral sa malayo to pursue my dream course. Wala kasing school na nag-o-offer nun dito sa amin.   They made me choose between engineering and accountancy. Wala talaga sa isip ko ang engineering kahit noong highschool pa at dahil na rin sa sobrang damimg students ang naka-enroll sa pinakamagandang school for engineering dito sa amin at every year tumataas ang total number ng students nila lalo na sa college. That school was where I studied high school and that was my observation before. Until now, dumadami pa ang students doon kahit na private school ito. Ayoko pa naman sa masyadong crowded, iyong halos hindi ka na makagalaw. Ganyan na ganyan ang situation sa college nila. Good thing, kaunti lang ang high school doon dahil selected lang at salang-sala before makapasok for first year as official student at hindi rin sila tumatanggap ng transferees.  Kaya ayon, no choice, I took accountancy.   Isa pa sa reason kung bakit ang taas ng expectation nila sa akin ay ang achievements ni ate at ng mga relatives namin. Both sides of our family are known for their achievements. Mas tumaas ang tingin nila sa akin kasi accountancy din ang kinuha ni ate, in which she graduated with latin honors and she almost topped it. Kunting-kunti na lang ay kasama na siya sa first ten highest scorers, point something na lang ang kulang. Because of that, they expected that I could be like her or even surpass her. That is why I’m doing everything that I can to not disappoint them.   Nagpaalam na ako na babalik sa room ko matapos kong kumain. I slammed my body on the bed. Napaisip ako. What if hindi ako papasa? I’m sure this will become their disappointment. I’ll be a big disappointment. Alam ko na medyo tagilid talaga ako sa dalawang subjects pero sa tingin ko aabot naman iyon sa minimum grade per subject. Pero what if hindi umabot? Aasa na lang ba ako for the condition status? Still, it’s a disappointment for not passing but just lesser.   Natigil lang ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. Nag-aalarm ito ng reminder ng results. Nawala na naman ako sa sarili ko bago ko napagpasyahan na magstream na lang ng random online videos. Ganoon lang ang ginawa ko nang mga ilang minuto bago nag-pop ang group chat naming magkakaibigan. Nagyayaya na namang maglaro habang naghihintay daw ng result. Napapikit ako. Result na naman. Everyone is talking about it since I woke up this morning.   ***   “Hoy, mga ugok, released na raw ang results sabi nila sa gc,” biglang anunsyo ni Bill sa gitna ng laro namin. Naka-open microphone kami kaya rinig na rinig ko ang sinabi niya lalo na’t nakasuot ako ng earphones.   Bigla akong nanlamig. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nawawala ako sa wisyo. Napatigil din ako sa paglalaro na napansin nila kasi  hindi na gumagalaw ang avatar ko’t tumahimik ako bigla.   “Oyy, Xavier, okay ka lang? Natahimik ka,” pansin ni Neil na siyang unang nakapansin sa akin.   “Oo nga, Xav, okay ka lang?” Junel seconded na rinig ko ang pagnguya niya ng chips.   “I’m okay, guys. Don’t mind me. Tapusin na lang natin ito para makita na rin natin ang result.”   Halos sampung minuto rin ang lumipas bago natapos ang game. Sa loob ng oras na iyon ay halos wala na ako sa sarili, hindi na ako nakapag-focus sa laro. Ang dami nang pumapasok sa isip ko. Paano na kung magkatotoo iyong what ifs ko?   I’m hesitant to open the website where the result is posted. Gusto ko itong tingnan para matapos na ito, but at the back of my mind, I don’t want to know. There’s something that’s telling me to not to look at it. Napag-isip ko na buksan muna ang group chat ng batch. Sumabog ang messages doon. Halos hindi ko na masundan ang paggalaw ng messages dito sa bilis ng paggalaw ng mga ito. Puro congratulatory messages ang nababasa ko roon. Hanggang sa may isang latest chat na nakakuha ng pansin ko.   “Guys, ako lang ba ang nakapansin?” Ito ang laman ng chat.   Sinarado ko kaagad ang group chat. Iba kasi ang naramdaman ko nang mabasa ko yun. Ayaw kong malaman kung ano man ang kasunod. I had a bad feeling that it has something to do with me. Iba talaga ang nararamdaman ko. I can’t explain it. Kaya nakapagdesisyon ako na tingnan na ang result. Hindi ako mapakali. Pagkabukas ko pa lang ng webpage ay madalian akong nag-scrolldown papunta sa Z group ng mga surnames. Sobrang lamig  na ng mga kamay ko. Sa katunayan nanginginig na nga ito habang hawak-hawak ko ang mouse.   Napapikit ako sabay buntong-hininga nang umabot na ako sa mga surnames na nagsisimula sa Z. Inisa-isa ko talaga para wala akong makaligtaan. Kunti na lang ang natitirang mga pangalan, hindi ko pa rin nababasa ang pangalan ko. Hanggang sa nothing follows na ang nabasa ko. Napatigil ako sa pagiiscroll nang mag-sink in sa utak ko kung ano ang nangyari.   Wala ang pangalan ko.   I did not pass.   I failed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD