3 | Xavier

1472 Words
My cell phone did not stop ringing after a few minutes I went offline. Ilang oras na rin ang nakalipas ngunit nagri-ring pa rin ito. Hindi ko pa rin tinitingnan at sinasagot kung sino man ang mga tumatawag o nagtext. Wala akong lakas ng loob na sagutin ang mga text at tawag nila.   I don’t know how to cope up with this. First time ko itong maramdaman, ang maging useless, ang maging dahilan ng disappointment na matagal kong iniwasan. I felt lost. Namamaga na ang mga mata ko na sanhi ng masaganang agos ng mga luha ko mula sa aking mga mata. Para itong isang talon na hindi nauubusan ng tubig. I can’t stop my tears. Parang nawala lahat sa akin, I didn’t meet what everyone is expecting from me. Nawalan ako ng boses at mukhang ihaharap.   I closed my eyes, trying to get some sleep, to lessen this feeling but I couldn’t. It bugs me. Papasikat na ang araw ngunit hindi pa rin talaga ako dinadalaw ng antok. Binabagabag pa rin ako sa kung ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa akin. An achiever and consistent honor student from a family of achievers failed to pass the licensure examination? Fudge. Knowing people, isang maling galaw mo lang ay iba na ang tingin sa iyo. Marami na ang masasabi tungkol sa iyo kahit hindi ka pa nila kilala. Napapikit na lang ako. Pinipilit ko talagang makatulog pero walang nangyayari. I’m too preoccupied, my mind is.   Hanggang sa narinig ko na lamang na gising na sila mama sa kabilang room at nag-uusap tungkol sa result. Rinig na rinig ko mula rito sa room ko ang pag-uusap nila. Ayokong makarinig ng ano man kaya tinakpan ko ang mga tainga ko. Ayokong marinig mula sa mga bibig mismo nila na isa akong disappointment. Hindi rin ako lumabas ng room kahit nasa baba na sila’t nag-uusap pa rin. May iba pa akong narinig na mga boses na hindi ko mawari kung kanino na isinawalang bahala ko na lamang. Isa lang ang nasa utak ko.   Ayokong lumabas.   ***   Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Ang apat na ugok na feel at home na nakapwesto sa couch set agad ang bumungad sa akin pagmulat ko ng mga mata. Hindi ako gumalaw, nakatingin lamang ako sa ginagawa nila. Halata sa mga pwesto nila na naglalaro na naman ng online game.   “Oh gising ka na pala,” sambit ni Neil. Nabaling ang pansin ng tatlo sa akin. May kung ano sa way ng pagkakatingin nila sa akin. Naaawa? Ayaw kong kaawaan nila ako. Lalo lang akong nanliliit sa aking sarili.   “Okay ka lang ba, bro?” agad na tanong ni Neil. Naglakad siya palapit sa kama. Umupo siya sa corner sa may tabi ko.   “I’ll be lying if I'll say yes.” Umayos ako ng pagkakaupo, isinandal ko ang aking likuran sa headboard ng kama.   “Bakit hindi mo sinasagot mga tawag namin?” si Junel sabay subo niya ng chips na alam kong hindi Piattos. Hindi ko sinagot ang tanong niya. Tiningnan ko lamang siya nang walang kabuhay-buhay ang mata.   “Gago ka, kanina pa kami nag-aalala sa ‘yo simula noong nalaman namin ang result. Tapos nag-offline ka pa’t hindi sumasagot sa calls namin,” pabiro dagdag ni Bill pero nakikita ko sa mga mata niya ang awa. I don’t want that look. I feel small. I feel like a failure.   “Kanina pa namin gusto pumunta rito noong tinatawagan ka namin kaso kalagitnaan na ng gabi at mahigpit pa naman dito sa inyo kapag gabi,” seryosong usal ni Ian. Walang halo ng kung anuman ang tinuran niya na mas kinaliit ko sa sarili. Ramdam na ramdam ko ang awa mula sa kanila. Are they also disappointed in me? Isa rin sila sa mataas ang tingin sa akin. Yet, here I am, failed to meet their anticipation.   “Congrats pala sa inyo, mga ugok,” mahina kong sabi at saka pilit na ngumiti.   “Salamat, bro! Malay mo, condition ka,” si Bill.   “Oo nga, Xav. Baka condition ka. Tiningnan din kasi namin ang school performance. May mga condition ang status sa atin,” dagdag ni Ian.   Tila nawala iyong awa sa mga boses at tingin nila. Napalitan ito ng pag-asa na baka isa nga ako sa nasa conditional status. Hinihikayat ako na gumaan ang nararamdaman ko. To be optimistic. Ngunit, hindi pa rin talaga mawala sa kalooban ko na mapanghinaan.   Tumingin si Neil sa cell phone niya. “Malalaman natin ‘yan in a few minutes pagkalabas ng individual rating.” Bumaling ang tingin niya sa akin. “Almost ten na kaya bumangon ka na diyan. Hindi pa kami kumakain dahil sa iyo.”   Hindi ko siya pinakinggan. Bumalik ako sa pagkakahiga kaya pinagtulungan nila akong bumangon. Pinagtulukan pa nila ako sa banyo para maligo. “Huwag ka nang mag-isip pa ng kung ano man. We’ll be always here for one another because we’re brothers.”   “Oo na. Mga ugok talaga kayo. Kung anu-ano na naman pinagsasabi niyo. Sagwa niyo,” sabi ko bago sinarado ang pinto. Narinig ko ang pagtawa nila sa sinabi ko.   Nagpapasalamat talaga ako na nandiyan sila palagi. Si Neil na dati ko pang laging kasama at itong tatlong to, kahit na isang taon pa lang kaming nagkakasama-sama. Kung hindi dahil sa kanila baka nagmumukmok pa rin ako’t hindi ko maiisipan ang condition status. Nawala sa isip ko iyon nang makita ko ang result. Buti pa silang apat, nakalusot, pumasa. Napabuntong-hininga ako. I don’t want to expect but it’s my last straw.   ***   Naabutan ko ang apat sa kitchen na nagluluto ng makakain. Feel at home talaga ang mga ito rito sa amin palibhasa pumapayag ang parents ko na dumito sila. Noong unang overnight nga ng tatlo rito sa amin, para silang mga inosenteng bata na hindi makabasag ng pinggan pero kalaunan ay halos gawin na nilang sariling bahay itong bahay namin. Si Neil naman parang normal lang, matagal naman na kasi siya kilala ng parents ko.   “Ano na naman niluluto nyo? Nakakain ba ‘yan?” bungad ko sa kanila.   “Oo naman. Ano akala mo sa amin? Hindi marunong?” si Junel.   “Ikaw nagsabi niyan. Nagtanong lang ako,” sabay upo sa dining table. “Kailangan talaga na kayong apat ang magluto?” puna ko nang mapansin ko na kanya-kanya sila ng luto.   “Iba-iba kasi kami ng gusto kainin kaya, eto. At saka, sayang ang stocks niyo rito halos hindi man lang nagagalaw,” sagot ni Bill.   “Wow!” I reacted loudly. “Nahiya naman ako sa inyo. Bahay niyo?” biro ko na tinawanan lang nila.   Sanay na ako sa ganito tuwing nandito sila sa amin. Sa maraming beses na silang nandito, sila lang talaga ang nakakabawas ng stocks namin. Hindi naman sa nagrereklamo pero kapag kami lang kasi ng parents ko, madami talaga ang hindi nagagalaw tapos every week si mama bumibili ng dagdag sa stocks. No issue lang din naman sa parents ko na dumito sila lalo na’t ako lang palagi ang naiiwan dito.   Hindi ko na sila inabala pa’t nagpunta na ako sa sala. Hinayaan ko na sila sa trip nila sa buhay. Humiga ako sa sofa katapat ng television set. Binuksan ko ang tv at nagpalipat-lipat ng channel, naghahanap ng magandang panuorin.   Ilang minuto pa ang lumipas bago sila lumabas ng kitchen. Isa-isa silang may dala sa kanilang mga kamay at nilapag ang mga ito sa maliit na table sa gitna.   “Nandito na ang mga food mo, young master!” sabay sabay nilang sambit na pinangunahan ni Neil.   “Gago,” tangi kong nasabi.   Busy kami sa pagkain nang bigla na naman sumigaw si Neil. Napatingin kami sa kanya na prenteng nakapwesto sa pang-isahang couch. Nakangiti siyang nakatingin sa amin. Nasa bibig pa niya ang tinidor na gamit niya.   “Spill,” walang gana kong sabi. Bahagya kong tiningnan ang wall clock na nasa itaas ng main door. Nakaramdam na naman ako ng panlalamig. Kung tama ang nasa isip ko ay nilabas na ang individual rating dahil pasado alas dies na.   Huminga muna siya. “May nagsend na ng link ng individual ratings. Tapos pinapasabi ni sir G na magsend daw sa kanya ng screen capture ng ratings natin for statistics na ginagawa nila. Ipapasa ko sa group chat natin ang link. Natatabunan na kasi sa kabila.”   Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko na naman ang kaparehong feelings kagabi when the results were out. Nanlalamig na ang pakiramdam ko though hindi ko pinahalata sa kanila. Umaasa ako na sana, sana kabilang ako sa mga nasa conditional status.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD