Chapter 5
"Hoy pre ang aga-aga babae agad ang inaatupag mo. Magluto ka na nga."
Umupo si Titus sa sofa at binato ang may hawak na namang magazine na si Pierce nakahiga ito at engross na engross sa binabasa. Sinimangutan niya ang kaibigan dahil sinira nito ang moment niya.
"Pinakikialaman ko ba ang pagtira mo sa babae ah?" Malakas na sigaw ni Pierce. Bigla namang may pumasok sa living room at sinigawan ang dalawa.
"Kayang dalawa, mga bibig niyo ang dudumi ah! May bata rito!"
"I am not a kid anymore, you bastards--" Tinakpan ni Chev ang bibig ng bata.
"Ako talaga maloloka na ako sa batang iyan ah. Palayasin niyo na nga yan wala namang alam yan kundi magsuplada, magmaldita, magmura!" Inis na sabi ni Pierce.
Padabog itong tumayo sa pagkakahiga sa sofa at dinala ang kanyang magazine, he hates to see the girl. Bakit? Yung attitude nung bata ay eksaktong replika ni Domino. And he hates it so much. He ruffled his hair at umalis.
"Does Pierce hates me?"
But as he leaves, yung bata ay naupo sa sofa. Nakapout at nakayuko. Tinabihan siya ni Titus and Chev. Kinandong naman siya ni Titus dahil malungkot ang itsura nung bata.
"He likes you. He just sees someone he misses in you. Don't worry about your kuya Pierce, kiddo."
"But why does he look like that? His eyes were screaming an emotion I couldnt decipher."
Nagkatinginan si Titus at Chev.
"You know, little Girl. Lets go to your room. Take some rest, he's just having a bad day."
The girl nodded. Hinatid na ni Titus ang bata sa kwarto nito. Sa kwarto mismo ni Domino. Nung araw na natupad nila ang pagpatay sa isang mataas na rango ay naiwan ang bata sa eroplano at sa ugali nitong humatak sa kanila para isama siya at wag pabayaan ay namayani.
Mostly her attitude, abilities and confidence keeps her breathing. Kasi nung time na iyon ay gusto na siyang kutusan ni Wrath pareho ng nararamdaman ni Pierce. Dahil they feel the same guilt eating them. Pero nung nakita nila na kaparehong-kapareho niya si Domino. They just cant.
"Hey, sinabi na ba nung batang iyon ang pangalan niya?"
"Wala siyang ginawa kundi magsuplada, mang-utos, magmura at mang-amaze. Wala siyang kinwentong kahit ano bukod sa lalaking bata na crush niya daw."
"Kung ayaw niyang sabihin ang pangalan niya sa atin edi pangalan natin siya. Saka wala siyang papeles sa pagkakakilanlan niya. Ni NSO wala."
"Alam mo imbes na yan ang pinoproblema natin. Bakit hindi natin problemahin ang pagpasok sa Lucien Whvin?"
"Hawk, madali nalang yun. Si Pierce ng bahala doon, basta connections."
"Pero Chev eto ah, para saan ba ang pagpasok natin sa Lucien?"
"To have the top elite university by owning the gangs in it. Like how we usually deal with things, we rule it."
~
"Heou. What to do now? Nakapasok na tayo as janitors asan na ang props natin?"
Napagdesisyunan kong sundin yung sinabi ng tatlo. Hindi kami papasok. Pero aalamin ko pa rin kung anong mangyayari.
"Cara dont be stupid, syempre nasa Janitor's store room."
"And nasaan iyon?"
"Malapit sa lockers. Sa may gym."
Tumango na lang siya saglit. Naalerto kami.
Hinanap ko ang classroom namin at napansing kong habang nasa hagdanan palang ako ay nagtatakbuhan ang mga istudyante sa may taas na parte ng school.
Dahan-dahan naman akong nakinig.
"Bilisan natin!"
"I need to see those sucky transferees in shame."
Napakunot ako. I have a feeling. And I need to confirm if I was right.
We headed to were they are going and we saw hundreds of students compiling inside their auditorium. The place is gigantic and made of glassy marbles, engraved stones and there are big granite pillars. This school is beyond normal for its royalty ambiance.
Ang karamihan din na istudyante ay puro lalaki at nasa sampu o lima lang ata ang babae at lahat ng babae ay nasa gitna ng auditorium at may kumpol-kumpol na kalalakihan sa kanila.
Marami akong nakitang pamilyar na mukha gawa ng pangyayari noon. At nakita ko sila Davion. Nasa gitna at nagaastang hari katulad ng una naming pagkikita.
Mukhang nerd yung ibang transferees yung iba mukhang normal at mayroon din namang mukhang matatapang at namukhaan ko ang iba. Suguro dala ng postura na may kakaibang vibe na galing sila sa makakapangyarihang city.
Napansin kong may hawak na kutsilyo si Davion at may hawak na black book ang kanang kamay niya at nakita kong kahelera nila Davion yung tatlong lalaki na nagbanta sa amin na wag pumasok.
Binilang ko ang transferees, labinglima sila. May anim na babae at siyam na lalaki. Kung pumasok kami ay siguro nasa labingpito ang istudyante.
"Nasa'n si Domino Thirteen?"
Medyo nailang ako nang may lalaking nagsabi niyan medyo malapit sa kinapupwestuhan ko. Nasa may gilid kami and hindi masyadong kita. Naririnig din sila ni Cara.
Nagtataka naman ako, why do they need me? I mean why are they asking for my existence? No one knows me except Davion and his so called Gang. Binulong ko lang naman yun sa kanila noon and his underlings didnt hear what I said. Di ko inaasahang maririnig ko ang sarili ko sa isa nilang istudyante.
"Yeah, Davion excitedly told the Campus that she would be studying here."
"But who is Domino Thirteen there?" I listened closely.
"I dont think she's here. There is none like the powerful Domino Thirteen there."
"Sayang naman, excited pa naman akong malaman kung sino si Domino Thirteen."
"But do you think, she will make herself known? Lalo na kung ang daming napabalita na mga rumors about her rising gang?"
"Hindi nga siguro, saka ang school natin maraming nakakapasok na traydor. At maaari siyang mapahamak kapag nangyaring makilala ang tunay niyang identity."
"So lets keep our hopes down. Dahil imposible nating malamang kung sino siya lalo na kung ang identity niya ang magpapabagsak sa kaniya."
I shrugged. Walang masyadong information akong nakalap sa pinagusapan nila. Just a total crap. Pinagchismisan lag ako. Hindi naman talaga ako magpapakilala as Domino Thirteen I'll just feed them lies.
When I heard gasps. Napalingon ako sa harap at nakitang may isang lalaking ginilitan sa leeg si Davion at tumumba ito sa sahig. Lumipat siya sa katabi nitong babae, may itinanong siya rito at hiniwa nito ang palad niya at ipinatak ang dugo sa isang open black book.
"s**t. After so many years may pinatay na naman sila."
"The guy deserves that, binastos niya si Davion." Narinig ko ulit na sabi nila. At nagpatuloy lang siya sa paghiwa ng kamay nila at ipapatulo ito sa isang black book na may sulat ata o pirma nila.
"Akala ko simpleng greetings katulad ng pagpahiyaan at ibubully sa harap pero ano tong nakikita natin?" Sabi ni Cara.
"Blood compact panigurado, but I am not sure kung ano ang sinumpaan nila."
"That's some serious shit."
Natapos na ang ginagawa nila Davion at napailing siya at kitang-kitang wala siya sa mood. Madilim ang presensya niya at galit siya. May hinanap siya sa mga transferees at may kutob akong si Domino Thirteen iyon.
Nang bigla siyang sumigaw.
"All of you! You oath not to betray. If you betray and disobey all the rules of the school. The cost will be your life! Now all of you get out.Out!"
Lumabas na nga ang lahat ng istudyante at takot na lumayo ang mga transferees kay Davion. I admit he screams dominance and power.
And he is, Davion was born with a leader stance and I couldnt agree more with that. I just wonder who is he in the city? Anong position niya sa city?
Sinulyapan ko siya, isang beses at nakayuko ito at galit. At umalis na nga kami ni Cara.
I have better plans for all of you. Better plans for Arc Domini.
+++++